Nagmahal na ba kayo? Malamang. Lahat naman ng tao nagmahal na eh. Tss. Tanga lang mag tanong eh no? Yung pagmamahal na ibinigay mo na ang lahat. Yung sinakripisyo mo lahat ng bagay na gusto mo. Yung tipong nakaplano na ang lahat hanggang huli.. May naisip ka ng tao? Sa tingin mo siya na ba talaga?
Pero ako kasi isang beses lang, siya lang talaga yung taong nagpaamo sa akin. Siya pa nga nagturo sa akin paano magmahal eh. Sakanya lang talaga.. Pero nagkamali ako.
Akala ko kasi siya na eh, Akala ko siya na magaalaga sa akin, Akala ko kami na sa sinasabi nilang "forever", Akala ko kasi mahal niya ako.. Pero maraming nakakamatay sa maling akala. Nakakainis lang.
"Oy Char! Ano ba? Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Joanne. Doon lang ako natauhan noong inalog alog pa niya ako.
"Ha? Bakit?" sagot ko.
"Walaaa! Kanina ka pa kasi mukhang tanga dyan, Nyare sayo? Tulala ka?" sagot niya. Oo nga naman bakit ba ako tulala? Psh.
"Eh wala. Okay naman ako." sabay fake smile. Hingang malalim.
"Bakit ka pa kasi pumunta dito? Pwede naman tangihan eh?"
"Sayang din no, Pera din yun. Tsaka may gusto rin akong bilhin eh." Oo na ako na palusot.
"Luh. Ewan ko sayo. Tapos mamaya iyak iyak ka diyan. Psh" pagsermon ni Jo.
Nasa Kasal kasi ako ni Aly at Renz. Si Aly ay bestfriend ko, si Renz naman ay yung First love ko. Akala ko nga move on na ako eh. Ang tagal din namin hindi nagkita noon.
Papunta na ako sa isang Gig namin ng may nakabangga sa akin.
"Aray!" angal ko.
"Sorry miss, Nagmamadali kasi ako, May masakit ba sayo?" Kilala ko yung boses. Hindi ako pwedeng magkamali.. Siya yun.. Pag-angat ko ng ulo ko.. Hindi nga ako nagkamali. Siya yun eh.
"Ria/Renz" sabay naming sabi. Naiinis ako. Nakita ko na naman siya. Back to zero ako neto. Pinipilit ko na hindi umiyak. Pero hindi eh..
"Sorry. O sige mauna na ako.." sabi ko. tumalikod na ako. Ayokong makita niya ako na ganon. Baka kaaawan pa niya ako. Ayokong makita niya ako na umiiyak..
"Teka lang Ria.." sabi niya. hindi pa ako nakakalayo kaya rinig ko pa. Ayokong tumingin sa likod.. Pag tumingin ako talo ako.. Pero hindi kanina pa ako talo.. :(
"Baby!" sigaw ng babae sa likod.. Pamilyar sa akin ung boses. Pero ayoko tumingin...
"U-uy? Baby. Sino yun? Bakit nakita ko kausap mo siya kanina?" dugtong nung babae.
"Ahh. Si C-cha, baby." nagaalangan sabi ni Renz.
Narinig ko lumalapit ung babae sa akin. Kaya naglakad na ako. Pero naabutan pa rin niya ako..
"Uy! Cha? Ikaw ba yan?" si Alynna pala. T-teka? Baby?! Sila ni Renz? O_O
"A-ah. Oo. Musta na?" sabi ko sabay fake smile..
"Okay naman ako. Eh ikaw? Ang tagal mong nawala ah. Namiss kita!" sabi ni Alynna.
"Ah. Eh.." hindi pa ako nakakapagsalita eh lumapit na si Renz.
"Ay oo nga pala kasama ko si Renz.." sabi ni Aly
"H-hi r-renz.." Inis! Ang awkward >_<''

BINABASA MO ANG
She will be loved
Teen Fiction[One-shot] “Letting go doesn't mean that you don't care about someone anymore. It's just realizing that the only person you really have control over is yourself.” ― Deborah Reber, Chicken Soup for the Teenage Soul