PINILI KO...

9 0 0
                                    

Pinili kong bitawan ka, hindi dahil sa ayoko na.
Pinili kong bitawan ka, hindi dahil sa hindi na ako masaya.
Pinili kong bitawan ka, hindi dahil sa hindi ko kaya.
Higit sa lahat , pinili kong bitawan ka hindi dahil sa suko na ako sa ating dalawa.

Binitawan kita kasi nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka na masaya.
Binitawan kita kasi may hawak ka nang iba.
Binitawan kita kasi hindi na ako ang kumukumpleto sa araw mo at hindi na ako ang dahilan nang pag-ngiti mo.
Binitawan kita kasi mahal kita at gusto ko maging masaya ka,
at alam kong hindi na ako ang magbibigay sayo nun kasi may mahal ka nang iba at mas masaya ka na sakanya.

Kaya mas pinili kong masaktan para lang maging masaya ka .
Ganyan kita kamahal .
kaya kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para lang sayong kasiyahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

untitledWhere stories live. Discover now