"The more you HATE, The more you LOVE"
totoo kaya yun ?
tignan natin.. :)
Chapter 1:
“Halos tatlong week na lang pala finals na, ang bilis naman, parang kahapon lang eh midterm.” Saad ni maan, habang naglalakad sa hallway kasama si jeff – ang bading yang bestfriend.
Katatapos lang ng klase n’ya sa literature samantalang breaktime naman ni jeff. Palibhasa ay may usapan silang dalawa na dapat ay lagi sila nitong sabay sa pag-uwi higit lalo na sa pagkain kahit nab a magkaiba ang kursong kinuha nila. HRM ang kinuha nyang kurso samantalang si jeff ay Business Administration.
Sa halos tatlong taon nilang pag-aaral sa kolehiyo, nag papasalamt sila na halos magkatulad lang ang kani-kanilang schedule kaya walang araw na hindi sila nito magkasabay kumain, at lagi parin silang may panahon para sa isa’t-isa kahit nab a meron na silangbagong kakilala.
“Oo nga!, hanggang ngayon nga eh, hindi parin ako maka move on sa accounting naming, feeling ko nga ay mag kakasakit ako.” Sabi nito at agad na ring umupo ng makarating na sila kila aling lucing na madalas nilang kainan.
“Ha? Bakit naman?”takang tanong nya.
“Magtanong pa ba?, work sheet ang dahilan.” Sabi nito at agad narin umor-der ng makakain, “Ano sayo ma?”
“Spag lang ang saken.” Sagot nya.
Madalas s’yang tawagin nitong Ma’ kahit naba madali lang bigkasin ang pangalan nya, kung sabagay nakasanayan na rin na naman nyang tawagin sya nito ng gano’n, naaasiwa raw kasi ito sa pangalan nya dahil para daw itong may problema sa pananalita pag tinatawag sya nito sa pangalan.
Nang matapos kumain ay agad na rin silang nag bayad at nagpasyang mag computer upang mag search para sa ire-report nya mamaya samantalang si jeff, nag computer para lang i-like ang status at makita ang pagmumukha ng crush nitong si Amren.
Minsan narin naming nagging ka-klase si Amren noong third year high school pa sila at ngayon isa na ito sa varsity player ng school. Mabait naman ito, Moreno, mahaba ang mga pilik mata na bagay lamang sa maganda at singkit nitong mata, na bumagay sa katamtamang tangos ng ilong, at maninipis pero mapupulang labi, sabihin pang pantay-pantay ang mapuputi nitong ngipin, na kapag ngumiti ay kay gandang tignan dahil na rin sa maliit nitong dimple sa kanang ibabang bahagi ng labi nito. Kaya nga hindi na nakapagtataka na maraming nababaliw rito at isa naro’n si jeff.
“Teka?! Bakit ba halos kabisado ko na ang pag mumukha nito?” tanong nya sa sarili. “Eh, halos araw-arwa kaya yang sinasabi ni jeff no!” sagot naman ng kabilang bahagi ng isip nya.
Tumango s’ya bilang pagsang-ayon. Halos araw-araw ngang sinasabi ni jeff ang magagandang katangian ni Amren, na halos araw-araw nya ring kinokontra dahil sa pangalan nito, na ikinasi-sira ng mood ng kaibigan n’ya. Halos ikamatay nya sa kakatawa yung araw na marinig n’ya ang tunay na pangalan ni Amren.
Bilang bahagi ng unang araw ng pasukan, isa-isa silang nag pakilala sa aming guro. Nasa dulong linya ng upuan ito palibhasa, late na itong pumasok, halos ayaw na nga nitong magsalita matapos ang insdenteng ‘yon.
”Oh, iho, bakit ayaw mong magsalita?, gwapo ka pa namn pero mahiyain ka, sige na magpakilala ka na.” saad ng kanllang guro.
“Eh ma’am-,” sabi nito habang pakamot-kamot sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Only Thing I Know Is You
Romancefirst time kong gumawa ng story like this... pero gusto kong by chapter para malagyan ng twist... kaya pasensya na sa mabibitin ... hehe ;)