Chapter 1

4 2 0
                                    

Bakit kaya siya nandito? Bakit kaya naka uniform siya na pang ABA? Kailan lang siya bumalik? Bakit hindi man lang ako na inform?

Eh bakit ka naman ako ma iinform? May connection ba kami? Hindi ba't wala?! Hays nako!

Napailing nang dahil sa pinagiisip ko. Bakit ba kasi hindi paalis sa isip ko yung tokwang iyon! Akala ko ba, after 4 years wala na! Oo nga, wala naman na eh. 

"Do you have a problem with my discussion ms. Laurete?"

Bumalik akong muli sa katotohanan nang tumayo ang English teacher namin sa harapan ng kinauupoan ko.

"A-ahh, Wala po!"

Sabi ko at umayos ako ng upo. Tinaasan niya ako ng kilay at tumalikod.

"Kanina ka pa dyan iling ng iling. Baka naman may gusto kang idagdag."

Sabi pa niya bago lumingon sa akin. May pagka suplada talaga siya dahil matanda na ngunit wala paring asawa kaya iniintindi nalang namin.

"W-wala po! May iniisip lang po!"

Sabi ko at binigyan ko siya ng ngiting parang natatae. Naku Naku Janica! Pinahamak mo na naman yung sarili mo dahil lang doon sa lalaking iyon!

Tumalikod na siya at tinuloy ang pag didiscuss. Hindi ko inalis sa kanya yung tingin ko pero lumulutang parin ang isipan ko. 










Lunch Time! Nandito kami ngayon nina Alex at Shane sa maliit na karenderya malapit sa school para kumain.

"Hey Janica, are you okay?"

Tanong ni Shane sa akin, kaibigan ko. Si Shane Cerna.

"Oo nga, kanina ka pa namin napapansin na parang wala ka sa sarili mo! Ano bang nangyari sayo?"

Tanong ni Alex sa akin. Alexander Qui. Kaibigan ko rin. Actually, best friends ko sila. Mas mauna silang magkakilala ni Shane dahil magkaklase sila noong elementary at nagaaral na si Alex ngayon sa ABA habang kami naman ni Shane ay sa AGA.

Kahit naman hindi kami pareho ng school, eh hindi namin napapabayaan yung nabuo naming friendship mula 7th grade nuh. At ngayon ay nasa 10th grade na kami and going strong.

"Wala, may nakita lang akong hindi ko inasahang makita kanina."

Sabi ko sa kanila at sumubo ng sobrang punong kutsara. Nakatingin lang silang dalawa sa akin at para bang nag hihintay ng susunod pa na sasabihin ko.

"Yun lang! Tapos!"

Sabi ko at sumubo ulit. Alam kong makulit ang mga ito kaya hindi ko na sinabi pa sa kanila ang ibang detalye.

"Hay nako Janica! Kilala ka namin, at alam naming hindi ka ma didistract ng ganyan kung yun lang ang nangyari."

Sabi ni Shane. Tumango naman si Alex. Tinignan ko lang sila ng masama habang nginunguya ang pagkain.

"Sige na!"

Sabay nilang sigaw dahilan upang magtinginan ang mga tao sa karendeya at ng dahil dun ay nalunok ko ng diretso ang nginunguya ko.

"Sige na nga!"

Sabi ko habang nakahawak sa lalamunan ko at para bang nabilaukan ako. Uminom muna ako ng tubig bago nag salitang muli.

"Kasi nga, nakita ko kanina yung ex ko!"

Sabi ko at nakita ko ang hindi makapaniwanag ekspresyon nila sa mukha.

"What?! May ex ka?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Shane sa akin.

"Oo naman! Anong akala mo, kayo lang umiinig ganun?"

Taas noong sagot ko.

"Siguro maganda ka dati."

Diretsong sagot naman ni Alex sa akin dahilan upang mawala ang maaliwalas na mukha ko. Nag tawanan naman sila at inaasar ako. Hay nako! Parang mga bata. Hahaha

Nag kukwentohan lang kaming tatlo tungkol sa buhay namin. Tamang tawanan lang at asaran ngunit biglang nagiba ang ihip ng hangin nang may biglang pumasok na groupo ng mga lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila dahil sila mismo yung taga ABA na kasama ni Ethan kanina! 

Minabuti kong hindi nila ako makita at tinignan ko ng maigi kung kasaba ba nila si Ethan at salamat sa Diyos dahil hindi! Siguro na malikmata lang ako nun at inakala kong nakita ko si Ethan ngunit hindi pala.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng pawis ko sa noo at kamalayan ako ni Alex.

"Hoy! Bakit, anong meron sa kanila? Bakit titig ka ng titig doon?"

Nagtatakang tanong ni Alex sa akin at tinignan niya din yung pumasok na groupo ng mga lalaki.

"K-kasi, sila yung kasama ng ex ko kanina eh. Baka andyan siya, aalis nalang ako!"

Aakmang aalis na sana ako nang hawakan ni Shane yung wrist ko.

"Wait, hindi pa tayo tapos kumain."

Napansin kong umupo sa gilid ng lamesa namin yung mga lalaki. Umupo naman ako at hinarang ang kamay ko upang hindi nila ako makilala.

Baka naman kasi naikwento ako ni Ethan sa kanila. Nakakahiya!

Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa kabilang wrist ko at dinampot ang bag ko na nasa gilid ni Alex.

"I'm sorry! Kita nalang tayo mamaya."

Sabi ko at tumakbo na ako palabas ng karenserya. Habang papalapit ako ng papalapit sa pintoan ay medyo nawawala na yung kaba ko. 

Heto na! Konti nalang at makakalabas na ako sa lugar na ito at-------



*BOOGSH!!*


I found myself on the floor habang hinihimas ang ulo ko. May nabangga akong tao ngunit hindi ko nakita ang pag mumukha niya.

Wala akong ibang narinig sa mga oras na ito kundi katahimikan. Ramdam ko naman na nakatingin lahat ng tao sa amin, eh sino ba naman ang hindi makakapansin sa nangyari eh ang lakas ng pagka down ko!

"Hindi kasi tumitingin eh!"

Naiiritang sabi ko habang tumatayo at kinuha ang bag ko.

"I'm sorry."

Nanginig ako bigla sa narinig kong boses. Ang ginaw ng boses niya at hindi ko alam bakit tumatayo yung balahibo ko.

Unti-unti akong humarap sa kanya at biglang tumigil ang mundo ko sa aking nakita.

Kumikinang na kulay brown na mga matang nakatutok sa akin, buhok na sobrang organized, maputi at makinis ang balat. Matangos ang ilong at mapuputang labi. Walang pimple ang mukha, parang Korean glass skin lang. Sobrang gwapong nilalang!

dugdug.dugdug.dugdug

It's Ethan.

Stranger DangerWhere stories live. Discover now