Chapter 2: Secret

17.6K 414 5
                                    

— Elizza —

    Nilinis kong maigi ang kuwarto ni Azzile, kagaya ng sabi ni Waves. Pinalitan ko ang bedsheet niyang nabahiran ng dugo ko. Maging ang mga unan niya ay pinalitan ko dahil kinapitan na ng amoy namin ni Waves. Tiningnan ko ang bawat sulok ng kuwarto niya dahil baka may naiwan pa kaming gamit.

    Nang natapos ako, mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at naligo nang maigi.

    Napasandal ako sa pader habang hinahayaang rumagasa ang tubig mula sa shower. Napatakip ako sa buong mukha ko habang napapaupo.

    Ano ’tong nagawa namin ni Waves? Bakit kasi hindi niya agad nabasa ang text ni Azzile sa kaniya?

    Gusto ko siyang sisihin sa katangahan niyang hindi niya ako nakilala! Ang tanga-tanga niya!

    Pero hindi ko magawang magalit ngayon. Ang tanging nasa isip ko ay paano si Azzile? Paano kapag nalaman niya ang tungkol dito? Paano ang relasyon nilang dalawa?

    May gusto ako kay Waves, ako ang unang nagkagusto sa kaniya pero si Azzile ang nakatuluyan niya. May gusto nga ako sa kaniya pero kahit gano'n, hindi ko ginusto ang nangyari at nakokonsensya ako para sa kakambal ko!

    Maling mali...

    Nagkulong ako sa kuwarto ko buong araw. Hindi ako lumabas, hindi ako nag-asikaso, at kumain.

    Buong araw kong iniisip ang lahat ng puwedeng mangyari.

    Nakahiga lang ako sa kama habang walang tigil sa pag-iyak. Sigurado akong namamaga na ang mga mata ko kaya pinigilan ko ang sarili ko. Baka makita pa nila mama at mapansing umiyak ako. Wala akong maisip na idadahilan, kung sakali man.

    Lumipas pa ang ilang oras at narinig ko na ang pagbukas ng gate namin. Napatingin ako sa wall clock at pasado alas diyes na pala.

    Malamang sila Mama na ’yon.

    “Elizza!”
  
    Mabilis akong napabangon nang isigaw ni Mama ang pangalan ko. Humarap muna ako sa salamin at inayos ang buhok ko bago lumabas ng kuwarto.

    “'M-Ma, bakit?” tanong ko habang bumababa ng hagdan.

    Hindi ko sila nakita sa living room kaya napalinga-linga ako.

    Narinig ko ang maiingay na ngiyaw ng mga pusa at kahol ng mga asong alaga nina Mama at Papa. Sa likod ako pumunta dahil baka doon sila sa mga alaga nila dumiretso.

    “'M-Ma—”

    “Hindi mo ba pinakain ang mga ito, Elizza? Bakit ang iingay nila? Nasa gate palang kami ay rinig na rinig na namin ang mga iyak nila!” Kunot noo akong nilingon ni Mama habang nakapamaywang. Si Papa ay napapailing lang habang hinihimas ang mga aso niya.

    Hindi ako nakapagsalita at isa-isa ring tiningnan ang mga alaga nila.

    Napahilot ako sa ulo ko at dahan-dahang umiling. “Nawala sa isip ko—”

    “Lintik naman, Elizza!” Napapadyak ng isang paa si Mama bago mabilis na naglakad papasok sa bahay. Nabunggo niya pa ako sa braso.

    Dahil sa pagkukulong ko, nakalimutan ko na ang bilin nila. Damn, Elizza.

    “Ano ba kasing iniisip mo diyan, anak?”

    Dahan-dahan akong lumingon kay Papa. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatitig sa akin.

    Umiling ako at umiwas ng tingin. “Wala naman po. Nakalimutan ko lang po talaga...”

    Napaatras ako nang isang hakbang nang lumapit siya sa akin. Napaiwas ako ng mukha nang titigan niya ang mga mata ko na parang may sinusuri.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon