Chapter 1

40 0 0
                                    

#AThousandMilesItoNaAngSimula








“Once upon a time, there's this girl named Eight Desiderio. Si Eight ang pinakapaboritong apo, pinsan, pamangkin, at anak ng mga Desiderio. She has three brothers, Ion Desiderio, Sebastian Desiderio, at ang bunsong makulit na si Nash Desiderio. Si Eight ay protektado ng mga kapatid niyang lalake. Pero hanggang kailan ang pagiging protective nila kung malalaman nila na may nagustuhan si Eight na isa sa mga kaibigan ng Kuya Ion niya, na kahit kailan ay hindi sya magugustuhan nito. Ako si Pamela Vargaz, ang isa sa mga kaibigan ni Eight Desiderio na maganda. And I... thank you!"

Agad akong napabungisngis, at hinampas si Pamela ng unan. Kahit kailan talaga 'to.

"Tumigil kana nga, Pam! Baka marinig ka nila Louise at Kennedy." utas ko at hinampas uli sya ng unan.

Nandito kami ngayon sa condo naming magkakaibigan. Dahil sembreak ay dito kami magpapalipas ng konting bakasyon.

"Tulog sila, kaya wag kang mag-alala." aniya at bumungisngis. Ang tigas talaga ng ulo.

"You know what, Eight? Why don't we tell them the truth na you like TJ, para alam mo na no need to hide when we are talking about him na. Ang hirap kaya mag hide lalo na't matabil dila ko, hahahahaha!"

Yeah. Si Pamela lang may alam tungkol sa hidden desire ko kay TJ. Ba't ko ipagsasabi? Ayoko nun. Sapat na si Pam na nakakaalam.

"Don't you ever, Pam. Lilipas din naman 'tong nararamdaman ko kay TJ. Hindi naman din ako mapapansin nun. One of the reasons why, may Eloisa na sya. At kung ano man ang meron sya para sa akin ay hanggang kaibigan o little sister lang. Tsaka atin-atin nalang ito. Promise mo ah." sabi ko sakanya at initsa ulit ang unan sa mukha.

"Aray!" utas niya. "Oo naman noh, makakaasa ka. Trust me, Eight. Mas lalala yan." dagdag niya.

Hindi ko nalang sya pinansin at kinuha nalang ang phone ko, nag post ako ng status sa Instagram.

Eight Therese Desiderio :

Finding the pieces.

Pagkatapos kong maghalungkat sa phone ay iniwan ko muna si Pamela sa kwarto at pumunta sa dalawa ko pang kaibigan na si Louise at Kennedy.

"Wake up sleepyheads!" gising ko sakanila.

"Ugh." bulyaw ni Louise habang hawak ang sintido.

"What time na, Eight?" tanong naman ni Kenny.

"It's 10 in the morning, bumangon na kayo at pupunta tayong bahay." anunsyo ko sakanila.

Tamad na bumangon si Kenny habang nanatili parin si Louise na nakahiga.

"What are we going to do there? Aasarin na naman ako ni Seb." ani Louise habang sinusuot ang kanyang tee shirt.

Pinulot ko ang mga bra ng dalawa at nilagay sa basket. What a mess.

"Pareho lang naman kayong nag aasaran, equal then." sagot ni Kenny kay Lou.

"Mag-ayos nga kayo dito sa room niyo, sobrang kalat e!" utas ko sakanila. Patuloy parin akong namumulot ng left overs at bottled beers. Ugh. Grabe sila.

"Opo, Mommy." nakangising sagot nina Kenny at Lou.

"Tse! Ewan ko sa inyo. Bilisan niyo ah." pagkatapos kong mamulot ay iniwan ko na sila.

"Grabeng hangover ng dalawa, Pam. Ang kalat sa room nila." kwento ko kay Pamela na nakangiting tinitingnan ang laptop niya.

Hindi niya ako pinansin at agad kong dinungaw ang dahilan ng mga ngiti na iyon.

"OMG. Savier Delgado?!" rebelasyon ko sa nakita ko. Agad siyang nabigla. Dahil nasaikod niya ako kanina kaya hindi ako napansin agad.

Batid kong nahiya si Pam sa inasta ko. Agad akong umupo sa kama.

"Do you like Kuya Savier, Pammy?" nanunukso kong tanong sa kanya.

Agad namilog ang mga mata niya. At nagtakip ng bibig. OA talaga.

"Tell me the truth. I won't tell it to anyone. Crossed my heart." usisa ko.

"Eight!!!!" aniya at bigla akong niyakap. Pagkatapos ay inalog-alog ako.

"Please don't tell them the truth! Yes! Yes! I like Kuya Savier! Uwaaaaaaah!" aniya habang gumigiling sa kama. At takip ang mga mata.

"Shhhhh. Wag ka maingay baka pumunta dito bigla sila Louise." suhestyon ko.

Pero nanatili parin syang pagulong-gulong sa kama.

"Kalma ka nga, Pamela Marie!"

"I couldn't believe it na nakita mo 'yun! Wag na wag mong sabihin sa kuya mo please!!!" aniya habang pumipikit at parang nagdadasal.

"Pammy... my secret is safe with you, and so as yours. Don't worry. Our secrets will forever be hidden. Tumayo kana at mag handa, papakuha na tayo kay Sebastian." utas ko at tumayo na din at nag handa.





Secrets are something that is kept or meant to me kept unknown or unseen by others.




































































































(A/N: Hello. please support me to this. i love youuuu ♥)

;Sorry sa typos and wrong grammars,  maganda lang at 'di masyado matalino.

A Thousand MilesWhere stories live. Discover now