Naaalala mo pa ba
Kung paano tau nagsimula?
Kung paano tau nagkakilala?
Nagsimula tau sa pagkakaibigan
Masaya ako nong tinanong ko ang 'yong pangalan
At agad naman tayong naging magkaibigan
Masaya ako, twing ika'y kasama
Kunting kulitan, ika'y tumatawa
Lumipas ang araw at ng buwan
Tila may iba na akong nararamdaman
Ako na iyong isang kaibigan
Turing sayo'y naging ka-ibigan
Ang feelings ko'y tinago sa'yo
Baka pagkakaibigan nati'y magbago
Baka ipagtabuyan mo lng ako
Masaya taung magkasama
Ung tipong, akala nati'y mahal natin ang isa't isa
Pero Hindi dahil my feelings ka, kundi dahil ako'y iyong kaibigan o aking sinta
Tuwing kausap kita, tila ako'y nananaginip
Kung ako'y iyong nginingitian ay laging naiisip
Na sana ako'y iyong iniibig
Isang araw ako'y nagtapat
Ang nararamdaman ko'y aking pinagtapat
Pero sinabi mo, na Hindi ka pa handa
Mag-aral muna tayo dagdag mo pa
Dahil sayo, ako'y naging marangal
Dahil inspirasyon ko'y ikaw
Hanggang isang araw, may narinig akong balita
Balita na Hindi lubos inakala
Mahal kita, pero mahal mo'y iba
At ang masaklap, kaibigan ko pa
Bakit ganun, sa dinami-rami ng tao
Ba't sya pa
Bakit kaibigan ko pa?
Kaya pla ako'y hanggang kaibigan lng
Dahil ang puso mo'y may iba nang laman
Pinaglaruan ba tayo ng tadhana?
Bakit karibal ko'y kaibigan ko pa
Mahirap ung pinagpipilitan ko ang sarili ko na mahalin mo rin ako
Pero mas mahirap ung sanayin ang sarili ko na makita ung taong mahal ko
Habang nagmamahal ng iba
At ang mas masakit, mahal nya, kaibigan ko pala
Kunwari 'ndi ako nasasaktan
Kapag nakikita ko kayong magkatabi't magkasama
Kunwari ako'y masaya para sa inyo
Pero deep inside, nasasaktan ako. Na para bang gusto Kong ipikit ang aking mga mata
Para diko kayo makitang magkasama
Nagpapasalamat ako
Nagpapasalamat sa konting panahon na nakasama kita, tinuro mo sa'kin na kalimutan ka
Kasi wala na akong ibang magawa kundi ang kalimutan na mahal kita
Dahil sa huli, ako, kaibigan mo lang pala
Sinubukan Kong umasa, ngunit diko kinaya
Dahil nakakapagod din pala
Kailangan ko ring maramdaman ba ako'y mahalaga
At alam ko ang salitang pahinga, bago ang sumuko
Mahal kita higit sa isang kaibigan
Pagmamahal na diko alam kung iyong susuklian
Dahil kaibigan lang ang iyong pagtingin sa akin
Kaya pagmamahal ko sayo'y dimo napapansin
Ang taong mahal mo, o ang taong tunay na nagmamahal sa'yo
Hanggang kaibigan lang ba talaga?
Mahal kita pero tama na, nagmumukha na akong tanga
Mahal kita pero may mahal kang iba.
YOU ARE READING
Mahal Kita, Mahal Mo'y Iba
Non-FictionSpoken poetry para sa mga tulad Kong nahulog sa kaibigan