Aegis: Lupain ng Kalasag ni Zeus

103 3 0
                                    

UNANG KABANATA: Sa Loob ng Tatlong Kaharian

Isang banal na lupain, tatlong higanteng kaharian at pitong mandirigma...

“Mabuhay si Haring Marmoud! Mabuhay ang Azuras! Mabuhay ang Aegis,” sambit ng isang lalaking masayang ipinagdidiwang ang ika-777 taon ng pagkakatatag ng Kaharian ng Azuras sa ilalim ng mabagsik na pinunong si Haring Marmoud.

Siya ay tinatawag ding Tigre ng Hilaga sa ginawa niyang pag-agaw sa Kaharian ng Azuras sa kamay ng mga Laricians (tawag sa mga tao ng Kaharian ng Laricia). Siya ay mula sa angkan ng mga manunubos na mula sa Zaphda, tribo sa kanlurang lupain ng Aegis. Sa kabila ng kanyang marahas na pamumuno, nirerespeto siya sa galing niya sa pagpapalakas ng ekonomiya ng dating mahinang kaharian. Mahusay din siyang heneral sa giyera. Di matatawaran ang mga labang ipinanalo niya laban sa katunggaling hari ng Laricia na si Haring Desparous.

 “Seberum kalish Haring Marmoud! Binabati ko ang kaharian ng Azuras sa karagdagang taon ng pananatili nito sa banal na lupain ng Aegis.” pagbati ni Ministro Kedram.

 Hindi umimik ang hari sa pagbati ng isa sa mga ministrong muntik nang magpatalsik sa kanyang trono. Mga mayayamang negosyante mula sa timog ng Azuras at mga opisyal ng pamahalaan ang pumuno sa bulwagan ng kastilyo.

Sa kabilang panig naman ng kaharian ng Azuras ay naghahanda ang mamamayan ng Herothea, ikalawang kaharian na naitatag sa Aegis kasunod ng Laricia, sa nalalapit na kaarawan ng prinsipe. Ang kaharian namang ito ay pinamumunuan ng isang mabait na pinunong si Haring Banthur na tiyuhin ni Haring Marmoud. Lingid sa kaalaman ng iba, ang maamong hari ay mabagsik ding mandirigma noong panahong naninilbihan pa ito bilang heneral ng Laricia’s High Order of Knights. Siya naman at tinatawag na Mabangis na Anghel ng Timog. Sa tulong din niya ay nagawang agawin ang azuras sa kamay ng mga mananakop na Laricians.

“ Mahal na hari, nakahanda na po ang mga lahat ng inyong pinag-utos para sa nalalapit na kaarawan ni Prinsipe Lethur,” sambit ng isang katiwala ng palasyo.

“ Mabuti naman kung gayon. Maraming salamat sa iyo,” mapagkumbabang pahayag ng hari.

Si Prinsipe Lethur ang pinaniniwalaang magiging sunod na hari bagamat siya ang ikalawang lalaking anak ng hari. Ang naunang anak na si Prinsipe Mathur ay nawawala 20 taon na ang nakararaan sa di malamang dahilan. Kumalat ang balita sa kaharian noon na ito raw ay pinalayas ng hari matapos mahuling nakikipagtalik sa sarili nitong ina.

Samantala, ang Laricia, bilang unang kahariang naitatag sa Aegis, ay nasa ilalim naman ng pamumuno ng misteryoso at nakakakilabot na Haring Thasilas. Walang sinuman ang nakakikilala sa haring ito na biglang sumulpot at hinamon ang dating hari ng Laricia sa duelo. Sa kasawiang palad, natalo niya ang dating hari sa brutal na paraan. Dinukot niya ang puso nito at kinain. Simula noon ay nangilag na ang mga tao sa kanya takot lumapit maging ang mga alagad ng palasyo.

Ang Laricia sa ngayon ay nananatiling pinakamalaki at pinakamaunlad na kaharian kasunod ang Azuras. Ang Herothea naman ang may pinakamodernong armas pandigma at may pinakamalakas na depensa gawa ng...

itutuloy... :)) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aegis: Lupain ng Kalasag ni ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon