Madaling araw na kami nakauwi ni Zen galing kina Mark.
Sobrang saya at sarap sa pakiramdam kasi nakakwentuhan ko siya ng matagal pero kalakip din ng kasiyahan ko ay ang pagaalala na niloloko namin si Mean.
Pagkagising ko may text agad si Mark.
"Goodmorning bang aw! Nagenjoy ako sa kwentuhan natin kagabe. Ambango mo na. Nakakatuwa ka pa kausap. Iloveyou na talaga :)"
Nireplyan ko naman agad siya.
"Goodmorning din bang aw! Mas nagenjoy naman ako nuh. Pabango yung mabango hindi ako. HAHAHA Salamat pala ha :) Iloveyoutoo :)"
"Goodmorning din Mahal." WRONGSEND NI MARK
Nireplyan ko lang ng
"Wrong sent"
Reply naman agad si Mark.
"Sorry bang aw. Wag ka sana magalit :("
"Di ako galit aba. Bang aw ka talaga."
"Di ka man lang nagselos?"
"Hindi. Alam ko naman kasing siya yung mahal mo talaga :)"
"Heto na naman tayo sa mahal mahal na yan. Mahal kita bangaw ka."
"Mahal mo ko? Eh Mahal nga ang tawagan niyo. HAHAHA."
"Para iyun? Haha nayyy selos si bangaw! Kilig ako."
"Selos ka diyan! Kung mahal ang tawagan niyo ang dapat satin ay MAHALKO. Makasarili ako eh."
Umiral ang kasweetan ko tuloy. HAHAHAHAHA :">
"Waaa. Kilig ulit ako. Haha. Oo ba Mahalko. Kakatuwa ka talaga :">
"Suuuuus. Kinikilig ka ba talaga? HAHAHAHA" bara ko kay Mark
"Pag sinabi kong kinikilig ako. Totoo yun Mahalko." seryoso niyang sagot
"Opo na naniniwala na. Kaen lang ako. Kaen tayo. Iloveyou Mahalko. Miss na kita agad." lambing ko
"Alam mo ang lambing mo talaga, kaya hindi ka mahirap magustuhan at mahalin Mahalko :) Miss din kita
OMAYGAD HULOG NA HULOG NAKO. HAHAHAHAHAHAHA
Maya maya'y nagtext sakin si Mean. Bigla akong kinabahan.
"Jo saan ka? Gala tayo."
Anong gagawin ko. Makikipaglokohan ako sa kanya na magkaibigan kami pero sarili niyang kasintahan ay karelasyon ko din? WAAAAAA!
Nagdahilan na lang ako para makaiwas.
"Ui Mean busy ako eh. Dito lang ako sa bahay."
"Ay siya patambay nalang diyan sa inyo. Saan nga ba yan?"
"Fidela. Naku makalat dito sa bahay eh."
"Lapit lang pala. Ayos lang yun, papunta na ako."
Anlaaaaa. Pano ako makakatanggi? -__-
"Ah eh. Sige. Sabe mo eh."
Tinext ko agad si Mark.
"Maaaaaark! May sasabihin ako sayo. Please magreply ka agad."
"Ano yon Mahalko?''
"Si Mean, kilala ko siya. Nakainuman ko na siya. Pupunta siya dito ngayon makikitambay. Ano gagawin ko? Tulungan mo ako, kinakabahan ako kasi baka mahuli niya tayo.''
"Kailan mo nalaman na siya si Mean? Bakit di mo agad sinabi sakin?"
"Saka ko na ikkwento, kakakilala pa lang din namin. Anong gagawin ko?"
"Wag kang pahalata, magaling lang talaga makisama yang si Mean. Makisama ka lang mahalko."
"Sige sige, babalitaan kita mamaya mahalko."
BINABASA MO ANG
Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)
RomanceBuhay barkada, buhay kasama ang pamilya, buhay sa paaralan, buhay kasama ang panginoon at ang buhay pagibig :") #SHORTSTORY