Im sitting at the balcony, nervous. Kumakalat na yung kaba sa buo kong katawan. Hindi parin siya tumatawag. Ang sabi niya sa akin tatawag siya, dahil may sasabihin siya. Hindi na ako mapakali. Paramg may sasabihin siyang hindi maganda, parang may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya masabi-sabi. Hindi rin siya umiimik nitong mga nakaraang araw. Pupuntahan ko na ba siya o hindi? Hindi ko na alam. Makailang ulit ko ulit siyang tinawagan ngunit wala talagang sumasagot.
Namataan ko na lang ang sarili kong nag-aayos. Hindi ko matiis, feeling ko kailangan niya ako ngayon feeling ko may hindi magandang mangyayari. Habang ako'y nagaayos ay walang sawang tumtulo ang maiinit na likido na galing sa aking mga mata.
Nag-aalala na ako ng sobra halo-halong emosyon na yung nararamdaman ko. No choice ako kung hindi ay puntahan siya, kahit gusto kong manatili dito sa bahay at mag-isip ay kailangan ko siyang puntahan.
Ipinagsawalang bahala ko lang ang luhang tumutulo sa aking mga mata, importante si Elly ngayon.
Iwinaksi ko lahat ng bumabagabag sa akin at dali-daling lumabas ng aming bahay. Hindi ko na hinanap ang mga kuya ko. Kasi paniguradong umalis yung mga yun. Ngunit sa paglabas ko mismo ng pinto namataan ko ang nanay ko na wala sa sarili at umiinom. Tila hindi ako nito napansin. Iniwas ko na lamang ang aking tingin. Wala namang bago lagi naman kaming ganito.
Dire-diretso ko na lamang tinahak ang gate namin, binuksan ko ito at lumabas. Sinigurado ko na nakalock ito bago ako umalis.
Dali-dali akong naghanap ng masasakyan at nang may mahanap ako ay sumakay na ako agad dito at sinabi ang pupuntahan ko. Habang ako ay nasa sasakyan, tibok lang ng aking dibdib ang maririnig, nabibingi na ako sa lakas nito. Lahat ng posibleng mangyari ay aking naiisip kabilang na ang ga hindi kaaya-aya.
Natatanaw ko na ang kanilang bahay, nang di maglaon ay nasa tapat na kami ng kanilang bahay. Bingay ko na ang bayad ko kay manong at nagsabi ng salamat bago bumaba.
Nagdoorbell naman ako sa kanilang bahay. Pinagbuksan naman ako ng kaniyang tiyuhin. " Si Elly po?" tanong ko.
Buti nalang at tumigil sa pagtulo ang luha ko bago ako sumakay ng taxi, hindi rin halata na medyo maga yung mata ko dahil nakasalamin ako. " Oh Elyzea naparito ka? Si Elly ba, nasa kwarto niya. Lagi nalang yun sa kwarto niya, may alam ka bamg dahilan o nangyari kung bakit nagkukulong siya sa kwarto niya?" mahabang litanya niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kasi wala rin akong alam buti nalamang ay nagpunta ako dito. Pero sa totoo lang may ideya na ako kung bakit ganun siya pero ayokong sabihin yun sa tito niya, ayaw niya kasi itong pinagaalala. Pabigat lang daw kasi siya sa kanila, yun ang sabi niya. Pero para sa akin hindi.
"Hindi ko po alam ehhh. Baka nagbabasa nagbabasa lang po ng libro yun l, yaw po sigurong magpa-istorbo." sagot ko naman sa tanong niya. Tinanguan na lamang niya ako, ngunit may bahid ng pagaalinlangan sa kanyang mukha, pinapasok naman niya ako sa kanilang bahay.
Buti nalang at hindi na ulit ito nagtanong mukhang wala talaga itong alam. Pero hindi rin imposibleng may alam siya since magkasama naman lagi sila sa kanilang bahay.
Ipinagsawalang bahal na lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kwarto ni Elly. Narating ko naman agad ang kwarto nito, hindi na ako nagatubiling kumatok at binuksan ko ito ngunit nakalock. " E si Z to buksan mo yung pinto." utos ko sa kanya.
Binuksan naman niya ito ng walang pagaalinlangan. Pagkapasok ko sa loob ng knmanyang jwarto ay agad ko na iginala ang tingin ko.
Malinis naman ang kanyang kwarto, ngunit may isang bagay akong napansin. Kung ano ang kinalinis ng kanyang kwarto ang siya namang ikinawala sa ayos ng kanyang postura. Medyo magulo ang maikli nitong buhok at mukhang kagagaling lang din nito sa pag-iyak. Susubukan pa niya sana na iiwas sa ang kanyang mukha ngunit hindi nakita ko na rin ang kanyang mukha ngunit nakita ko na ang kanyang mukha kaya wala na rin saysay kung iiwas pa niya ito sa aking paningin.
" E-- (kring ...kring...kring)." Bigla na lamang tumunog ang aking cellphone. Sino naman kaya ito?
"Hello?" hikbi lamang ang aking naririnig. Sino naman ito? Nang tingnan ko ang I.D caller ay nagulat ako ng si Elise ang tumawag.
" Hello Elise? Nandyan ka pa ba?" mukha kasing hindi nito matuloy ang sasabihin niya dahil narin siguro umiyak ito.
"Elise? Anong nangyari?" tanong ko dito. Kating kati na akong malaman kung ano ang nangyari at kung bakit siya umiiyak?
" Si daddy Z naospital." oh my goodness ano daw si father naospital!!!!!!??????. " Anong nangyari bakit naospital si father?" hindi na ito muling sumagotpa, hondi rin nito pinatay ang tawag. Gusto siguro niya na masinsinan kami magusap, tsaka harapan.
"Elise, hintayin mo kami diyan, huwag kang aalis ng bahay niyo." pinatay ko na ang tawag. Alam kong nasa bahay pa nila ito. Hindi naman maingay ang kaniyang paligid, diba kapag nasa ospital ka may mga maririnig kang ingay.
Lumingon ako kay Elly at sinabihan siya na magbihis at aalis kami. "Elly bilisan mo mag-ayos pupuntahan natin si Elise." binilisan naman nito ang kanyang kilos.
" Ilalayo ko muna kayo dito." makahulugan kong saad. Pinaalam ko na siya sa kanyang tito, at lumabas na kami ng kanilang bahay.
Buti nalang ay hindi napapansin ang pamamaga ng mata ng pamangkin niya. Umalis na kami doon at sumakay na sa taxi. Habang nasa daan kami ay iniisip ko sila.
" Kung ito ang makakabuti sa kanila ay gagawin ko, hindi lang sila maabala. Kung kailangan kung paganin ang problema nila sa ibat ibang paraan gagawin ko gumaan lang yung nararamdan nila. Kung kailangn nila ng kausap, handa akong makinig sa mga sasabihin nila. Kung kailangan nila ng maiiyakan nandito lang ako para sa kanila. I can be their crying shoulder. Kahit kapalit nun ang pagsabi ng totoo kong nararamdaman."
YOU ARE READING
The Truth Untold
Teen Fiction" Walang sikretong hindi nabubunyag, kahit anong mangyarin malalaman at malalaman namin ito."