#AGBGtheparty
"Congrats Isiah"
ISIAH's POV
Napakasaya ko, kasi kahit bugbog ang katawan ko masaya ako sa mga natamo ko, pinaghirapan ko lahat 'yon, para may mapatunayan ako sa mga tao na nanliliit sa'kin.
"Salamat po." Nahihiya kong pasalamat sabay yuko.
Sa kalagitnaan ng party na binigay sa'kin ni Sir Sky ay dumating ang kanyang Lolo at Lola.
"Isiah." Pagtawag sa akin ni Madam Grandma. "Congratulations hija, isang karangalan sa Mondroadou corporation na magkaroon ng isang scholar student na katulad mo." Wika niya sa'kin sabay yakap.
Napangiti ako sa sinabi ni Mrs. Mondroadou. Sila din naman ang isa sa mga rason kung baket ako nandirito ngayon.
"At dahil diyan hija, bibigyan ka namin ng ticket to Korea. Isama mo ang sino mang gusto mong isama." Wika naman ni Sir Grandpa.
Nanlaki ang mata ko, akalain mo makakapunta ako sa Korea. Since bata ako 'di ko pa nararating ang lugar ng mama ko, ngayon ko palang ito mararating.
"T-talaga po?" Natutuwa kong tanong kay Sir Grandpa. "Salamat po Sir." Pasalamat ko sabay yuko.
"Isiah, hija ang tagal mo na dito pero Sir pa rin tawag mo sa' kin." Aniya sabay ngiti. "You can call me Grandpa, and Grandma naman kay honey ko." Dugtong pa niya.
Namula ako sa sinabi nila, actually 'di ako sanay. Una kasi mga amo ko sila, at kung iniisip naman nila na fiancée ako ni Steven, 'di naman totoo 'yon.
"Grandpa is right"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Storm pala... Teka, ba't ang gwapo niya ngayon? ano ba naman 'tong iniisip ko? lumapit siya sa 'min, at pangiti itong nakatingin sa 'kin.
"Storm, hijo, I'm glad you're here." Masayang bati ni Madam Grandma kay Storm sabay yakap. "i'm happy to see you son." Dugtong niya na ikinangiti naman ni Storm.
"Of course, victory party po ni Isiah, mas masaya siya kung kompleto kami dito..." Wika niya sabay lingon sa akin. "Right?" Tanong niyang may ngiti.
Napatango lang ako sa sinabi niya, ngumiti lamang siya habang nakatingin sa'kin.
"So it's okey to call them Grandma and Grandpa, and isa pa fiancée ka naman ni Steven."
"Oo nga naman hija, masanay ka na." Pagsang-ayon naman ni Sir Grandpa.
Napapakamot na lang ako, kasi naman po, 'di naman ako fiancèe ni Steven, kaya 'di ko deserve 'yon.
"Ah sege po, susubukan ko pong masanay." Ani ko pang nahihiya habang nakayuko.
"Isiah! Come here!"
Napalingon kami sa tumawag sa'kin.
"Tinatawag ka ng fiance mo." Ani Storm.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...