anong kalandian yan?!
Matteo's POV
napatingin sila pareho saakin at nagkatinginan.
bumaba ako para magsorry tapos ano? naglalandian sila ni Calvin?
"Salamat Cal." sabi ni Mia. salamat dahil nilandi siya?
"Mia watch out!" sigaw ni Calvin sabay hila kay Mia at niyakap. may mga nalaglag na mga gamit galing sa itaas.
nakayakap si Calvin kay Mia at ganun din naman siya. aba! mga nagtatagal pa. ano nasaraapan?
"EHEM" i cleared my voice.
naghiwalay naman sila ng pagkakayakap at nagkatitigan. face to face. magkalapit. nose to nose! kumukulo dugo ko at di ko na namalayan yung sumunod kong ginawa.
"Matteo!"
"Calvin!"
Mia's POV
"Matteo!" napasigaw ako ng biglang lumapit saamin si Matteo na kanina ay nasa tapat ng hagdan at biglang inalis yung mga kamay ni Calvin sa pagkakahawak saakin.
"Calvin!" napasigaw ako ng bigla niyang sinuntok si Calvin, dahilan para mapaupo ito sa sahig. napaluhod ako sa tapat ni Calvin para tulungan siya. di ko na napigilan ang mga luha ko. I let my tears fall instead of keeping it inside and try to let my self fall into pieces. "Matteo ano bang problema mo?" napasigaw na ako. natulala lang siya at kinuyom ang kamao niya.
"Calvin! Ano ka ba naman?! DIBA SINABI KO NA SAYO!" bigla na lang sumigaw si Matteo ng makatayo si Calvin. patuloy parin yung pagagos ng luha ko. di ko na maintindihan.
"BAKIT HINDI KA MUNA MAKINIG?" nakikipagsigawan na rin si Calvin. sumugod na naman si Matteo pero this time nasa likod niya ako kaya nahatak ko yung kamay niya na susuntok kay Calvin.
"WAG KANG MAKIALAM!" sigaw niya sabay tulak saakin dahilan para tumilapon at mapaupo ako sa sahig.
"MIA!" nagulat ako sa sigaw nilang lahat. Si Calvin, Ella at Allan lang ang nasigaw. si Matteo walang paki alam na nakatalikod at nakakuyom ang kamao.
"Mia, okay ka lang?" si Ella habang tumatakbo papunta saakin. tinignan ko lang siya at di ko na namalayan na mabilis na ang pagagos ng luha ko. bumuntong hininga na lang ako at tumayo.
"Mia..." si Ella na inaalalayan ako dahil hirap akong tumayo.
"Kaya ko." sabi ko. lumakad na ako kahit paika ika. pero hindi ako aalis dito.
"Di na kita maintindihan." sabi ko ay Matteo at di ko na napigilan na masampal siya. wala lang siyang imik.
pumunta na lang ako sa living room at umupo sa sofa tuloy tuloy parin ang pagagos ng luha ko.
*dingdong*
"Mia, may tao. si Denise na ata." sabi ni Allan.
"Pakibukas muna Allan. Hoy umayos nga kayo." sabi ni Ella at umupo sa tabi ko. "Comfort kita." sabi niya.
"Ate!!!! Ate M!! I'm he-- ohhhh....... why are you crying?" si Denise nga pala. tumayo ako at pinilit kong ngumiti.
"Nothing Denise. I just miss you." sabi ko.
"Awwwwww... Ate M is soooooo sweet." sabi niya at yumakap saakin.
"Lika, pakilala kita sakanila." sabi ko habang pinupunasan yung luha ko. "Guys Meet Denise, my beloved Cousin. And Denise meet Ella, Allan, Matteo and Calvin." pagpapakilala ko.
"Hello!!! Oh my! Na pano yan?" napatingin ako kay Calvin. kakasabi lang na umayos diba?! pano ba naman kase may ice bag sa gilid ng labi.
"Ahhh.... katangahan hehehe. tinamaan ng pinto ng ref." sabi ni Calvin
"Ahhh.... haha. cute!!!" sabi ni Denise.
"Tara na. kumain muna tayo." pagyaya ko. "Ahh... saglit lang ha." sabi ko. di pa kase ako nagpapalit.
"Sigi intayin ka namin sa kusina." sabi ni Ella.
"Calvin.... tara lang." tawag ko kay Calvin sumunod naman siya hanggang makapanik kami.
"Ano? ayos ka lang ba?" tanong ko habang nasa tapat kami ng pinto
"Ahh... oo." sagot nia
"Ano ba kase nangyayare dun?"
"Ewan ko ba."
"Haaayy.... sigi. baba ka na. salamat"
"Sigi. Salamat din." sabi nia saka bumaba.
*later*
ola viva espana. manila!!!! wahaha. jokie!! namiss kong iupdate to!! grabe. naalala ko pa nung inohold ko to. haha hope you like it!!
BINABASA MO ANG
One Last Chance
Teen Fictionpalaging nagaaway at nagsisigawan. pero magbest friend? ganyan naman talaga ehh. pero, ano kaya ang mangyari kung may gusto si Boybestfriend kay Girlbestfriend at si Girlbestfriend ay may lihim ding pagtingin kay Boybestfriend? pano kung magkaalama...