CHAPTER 66

3K 73 16
                                    

BRAYDEN POV

Matapos ng nangyari kanina sa loob ng Airport ay hinintay ko si Agatha na makasakay sa isang taxi bago ako sumakay at sinundan ito. Ang sabi sa akin ng Mommy ni Agatha, wala itong kaalam-alam na kasama niya ako sa trip na ito.

Nang makababa na si Agatha sa taxi, nakita kong kausap niya ang isa sa mga receptionist at parang nagulat pa si Agatha. Agad ko namang binayaran ang driver saka lumabas ng taxi at kinuha ang maleta ko sa compartment niya. Pumasok na ako sa loob at narinig ko ang pangalan ko. Hindi muna ako lumapit sa kanila, dahil gusto ko pang marinig ang pag-uusapan nila.

"But I'm really alone. Anong pangalan ba nung isa?"- tanung ni Agatha sa mukhang pinoy na receptionist.

"Ang nakalagay po dito ay Agatha Kim at Brayden Lee"-  sagot ng receptionist. At hindi nga ako nagkamali dahil pinoy nga ang receptionist.

"What? Brayde  Lee?"- rinig kong tanung ni Agatha at mahahalata mo ang gulat sa boses niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagsalita na ako.

"Yes? Ba't mo ko tinatawag?"- tanung ko, bigla namang napalingon si Agatha sa akin.

"I'm sorry I'm late medyo nawala pa kasi ako"- dugtong ko pa saka ngumiti at lumapit sa kanila.

"What are you doing here?"-rinig kong bulong ni Agatha sa akin ng makalapit ako sa tabi niya. Tumingin muna ako sa receptionist bago tinignan si Agatha.

"Hindi mo ba narinig? Magkasama tayo and I'm kind of upset kasi iniwan mo ako sa airport"- pagsisinungaling ko. Narinig ko naman ang paghagikgik nung receptionist. Bigla namang nagkasalubong ang kilay ni Agatha.

"What are you talking about? Hindi kita iniwan kasi hindi naman tayo magkasama"- sagot ni Agatha sa akin. Bigla ko naman siyang inakbayan, at tumingin sa receptionist.

"Pagod na ako babe, gusto ko na matulog at gabi na rin. Can we just go to our room?"- tanung ko.

"Let me go!"- Agatha, at pinipilit na umalis sa pagkaka-akbay niya sakin. At dahil mas matangkad ako sa kanya wala siyang magawa.

"Pwedi ba naming makuha ang susi ng magiging kwarto namin?"- tanung ko sa receptionist agad naman itong tumango at binigay sa amin ang susi.

"Nasa 6th floor po ang magiging room niyo. Nasa card po ang number ng kwarto niyo"- Receptionist.

"Thank you"-ako at hinawakan sa kamay si Agatha at hinila siya papuntang elevator at buti nalang hawak niya sa kabilang kamay niya ang maleta niya.

"Bitawan mo ko Brayden! Come on! I said let go"- Agatha at sinusubukang tanggalin ang kamay niya. Nang makapasok kami sa elevator ay doon ko lang siya binitawan.

"Are you crazy? Bat mo sinabi doon sa harap ng receptionist na magkasama tayo? At may babe-babe ka pang nalalaman jan. Wow. I'm not suprised Brayden, dahil you used to tell lies. I just want a peaceful vacation, yung bakasayon na walang problema. Don't I deserve a peaceful life? Kasi yung buhay ko sobrang messed up na, simula ng makilala kita. Kaya kahit once manlang gusto ko magkaroon ng tahimik na bakasyon. At malalaman ko nalang na kasama kita? What do you expect me to react? I'm not happy Brayden, I just lot my daughter and so are you kaya gusto ko ng katahimikan. So leave me alone"- sambat nito sa akin. Saka medyo lumayo sa akin.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. She's right. She deserved to have a peaceful vacation at ako itong nakakasira sa bakasyon niya. You're so stupid Brayden!

"Don't worry. Maghahanap nalang ako ng ibang kwarto"-tanging nasabi ko.

Nang bumukas na ang elevator ay agad akung lumabas at agad na hinanap ang kwarto. Nang mahanap ko ito ay agad ko itong binuksan, nang bumukas ito ay agad kong tinulungan si Agatha sa maleta niya. Hindi naman siya nag-reklamo.

Nakita ko siyang umupo sa kama, at tinignan ang kabuoan ng kwarto. May isang king sized bed with lamp both sides saka mag mini-ref rin at sofa sa gilid. May mini-kitchen rin sa kabila.

Agad kong pinulot ang telephone at tumawag sa front desk para kumuha ulit ng isa pang kwarto.

("Hello? Good evening, how may I help you?")- rinig kong sagot sa kabilang linya. At kaboses ito ng babae kanina sa Receptionist.

"Good evening. This is from room #113 gusto po namin kumuha pa ng isang kwarto"- saad ko at nakita kong napalingon si Agatha sa akin.

"What are you doing?"- tanung nito. Hindi ko siya sinagot dahil agad na nagsalita ang babaeng mula sa front desk.

("I'm sorry Sir. Wala po kaming vacant na room kasi fully-booked po lahat ng rooms namin.")- sagot nito.

"Ganon ba? Sige. Thank you"-ako at binaba ang telepono.

Kinuha ko agad ang maleta ko ng pigilan ako ni Agatha.

"Saan ka pupunta? Gabi na ah"- Agatha

"Maghahanap nalang ako ng ibang hotel. Puno na daw kasi ang mga rooms dito sa hotel"- sagot ko sa kanya.

"Bakit naman?"- Agatha, hindi agad ako nakasagot sa kanya.

"I want to give you a peaceful vacation"- sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang natigilan sa sagot ko at umiwas ng tingin at binitawan ako.

"About that. I'm sorry sadyang pagod lang ako and dumagdag pa yung nangyari kanina sa airport. I'm sorry kung nasabi ko yon. You can stay here, I don't mind naman eh. And I don't want to be alone"- mahinang sagot sa akin ni Agatha.

"Are you sure?"- tanung ko sa kanya. Ngumiti siya ng kaunti sa akin bago tumango.

"Okay"-ako at binalik ang maleta ko.

MARIAN POV

"Marian, ano ba yang binabasa mo? At parang gigil na gigil ka jan? Halos mapunit na yang dyaryo sa kamay mo"- rinig kong tanung ni Ate Trixie.

"Ang kapal talaga! Ginawa ko na nga lahat, magkasama pa rin sila ngayon? The fuck? Together in Turkey? Arghhh!"- napasigaw nalang ako saka pinunit ang dyaryo.

Ginawa ko na nga ang lahat pero magkasama pa rin sila ngayon? Ano bang nangyayari? Wala sa plano ko ang magkasama ulit siya. Hell!

______________________________

VOTE AND COMMENT

-BELATED HAPPY HEARTS DAY, SWEETIES❤-

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon