Imperfection 1

2 0 0
                                    

"Winning that ticket, Rose, was the best thing that ever happened to me... it brought me to you. And I'm thankful for that, Rose. I'm thankful. You must do me this honor. Promise me you'll survive. That you won't give up, no matter what happens, no matter how hopeless. Promise me now, Rose, and never let go of that promise."

"sana all" mangiyak ngiyak na sambit ni Loraine habang pinanonood ang Titanic the Movie

"Anak? eat your breakfast na and baka malate ka sa first day of school mo, sige ka pagtawanan ka ng mga boys nyan" nakangiting sambit ng kanyang ina

:Sige po

*At school

"Hi alam mo ba kung san yung-- "
naputol na pagsasalita ng dalagita matapos iwasan ni Loraine

"Ate gurl naririnig mo ba ko?!"
Gigil na pagsasambit ng Dalagita

Nagpatuloy lang si Loraine sa paglalakad na para bang walang nadidinig habang ang dalagita ay sinamaan sya ng tingin

"bastos ka ah alam mo bang kinakausap pa kita?! Akala mo artista mukha kang taga squater ate gurl! at tingnan mo ang pagmumukha mo! Mukha pa lang halatang malandi na!"
Pasigaw na sambit ng Dalaga na may mahaba at rebonded na buhok, may mahabang mga pilik, pointed nose at kissable lips na kung tutuusin ay may angking ganda

Napalingon si Loraine sa mga di kaaya ayang salita na nadinig nya mula sa Dalaga, Nakataas ang kilay nito at lumapit sa Dalaga

:Anong sabi mo pakiulit nga?

"A-alam mo ba kung san yung-"

:Yung ano?!
pasigaw na tanong ni Loraine na parang isang kilometro ang layo ng kausap nya

Nagulat ang dalaga sa lakas ng sigaw na naidulot ni Loraine, halos lahat ng taong nakapalibot sa kanila ay nakatingin sa kanila at nagsimula nang magpalitan ng opinyon

:itatanong ko lang sana kung nasaan yung kamay ko!

Isang malakas na sampal sa mukha ni Loraine ang natamo, sa lakas ng sampal ng dalaga halos mapangudngod si Lorraine sa pathway

"Sa susunod kasi pumili ka ng kakalabanin mo kung hindi, well di lang yan ang aabutin mo!"

Tatalikod na ang Dalaga ng humagalpak si Loraine ng tawa, Tagtag ang eyeglasses nito sa lakas ng sampal nya sinamaan ng tingin ni Loraine ang dalaga ngunit binale wala lang ito neto at piniling tumalikod na at umalis hanggang sa maglaho na ang Dalaga sa paningin ni Loraine

:Hah! Wala palang kwenta yung babae na yun eh sabay tawa ng malakas at kinapa ang paligid ng kinauupuan nito at pilit na inabot ang kanyang eyeglasses sa di kalayuan, sinuot nya ang salamin at tumayong may dignidad habang ang mga tao ay nakatitig sa kanya at manghang mangha sa taglay na katapangan nya

*Inside the room

Pumasok si Loraine ng walang sinuman ang nasulyapan at umupo sya ng maayos sa kulay berdeng upuan na kung pagmamasdan ay parang bagong pinta pa lang, Na nakalugar sa unahan at tabi ng pintuan, Sa loob may limang hanay ng upuan na may tig dadalawang magkakatabi. Maaliwalas at tahimik ang paligid, Sa sobrang katahimikan kahit patak ng karayom ay wala kang madidinig, Ilang saglit pa ay dumating ang Propesor at tumungo ito sa kulay puting table sa front
habang hawak ang puting Marker
na ginamit nito sa paglikha ng malakas na ingay sa paligid

:Good Morning Everyone I am professor Reginald O. Michiko
and you can call me "Prof.Egi" for short.

Isang nakakarinding katahimikan ang namayani sa paligid

Okay Class, Since first day of school ito and walang sino ang nagtatangkang lumikha ng kahit na anong ingay, idadaan ko na lang natin ito sa isang laro

ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon