This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
==========Prologue===============
Ang mundo ng pag-ibig ay sadyang kawili-wili. Lahat naman siguro tayo, napaka-mala-pantasya ang unang impresyon sa mundong ito. Lahat masaya.. Binabale-wala natin ang mga taong naghihirap sakanilang buhay pag-ibig dahil nakatatak sa isip natin na hindi tayo kayang iwan ng taong nagmamahal sa atin.
Napakasarap sa pakiramdam ng unang yapak sa mundo ng pag-ibig, binibigyan tayo nito ng ideya kung papaano ba natin gusto pagdaanan ang relasyon natin sa taong mahal natin at kung paano ba natin ito gustong matapos na may katagang "And we lived happily ever after.." o yung sinasabi nga nilang "Happy ending.."
Nangangarap tayo, nagiging ambisyosa tayo.. Aminin man natin o hindi, kahit gaano pa tayo kasaya sa mga taong minamahal natin, lahat tayo ay mayroon paring tinatagong takot sa puso natin.. Minsan sa sobrang pagiisip natin neto ay unti-unting nagkakatotoo na ang mga kinakatakutan natin pero nananatili tayong umaasang hindi kailanman tayo kayang pagkatsilan ng mga taong namumuno sa ating puso..
Halos lahat naman siguro tayo, nung una nating makilala ang taong mahal natin, akala natin siya na.. Ganun ang kalagayan ko ngayon.. Akala ko siya na ang magpapaligaya sa akin.. Akala ko haharapin at malalagpasan namin ang bawat pagsubok sa relasyon na pinapasukan namin.. Akala namin kami ang may happy ending. Hindi ako nakinig sa mga paalala sa akin ng mga sarili kong kaibigan.. Nagkawatak-watak pa kami nang dahil lang sa pag-ibig na wala namang kasiguraduhan..
Ngayon, hinaharap ko ang buhay nang mag-isa.. Hindi ako mapalagay.. Hindi ko masagot ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko, nababaliw na ako.. Biglang bumabalik ang mga masasayang nangyari sa amin na mananatiling ala-ala na lamang.. na hindi na kayang balikan ang nakaraan.. na hindi na ulit puwedeng ulitin ang mga masasayang alala na bumabagabag sa isipan ko buong araw..
Ako nga pala si Hera Olivia P. Estevañez. Call me HOPE for short but I'm full of HOPELESS thoughts simula nung minahal ko ang isang lalaking iiwan din pala ako sa huli...
......May pag-asa pa kaya akong muling umibig at ibigin?
==========================
Comment.Vote.Heart.Share.Follow.
please support my first story. Thank you and God Bless! ⊂((・▽・))⊃
BINABASA MO ANG
Nothing but Hopeless
Teen FictionAng mundo ng pag-ibig ay punung-puno ng imahinasyon ng mga taong inaasam ang pagmamahal sa taong kanilang iniibig. Isang mundong mahirap takasan sa oras na pinasok mo ang makabuluhang mundong ito. Sa unang hakbang, akala natin magiging madal...