A/N: Hindi po ako ang nagsulat neto. Kasama lang ako sa nag'isip ng ideas. Ahehe. Anyyy, eto po ang first story na ipopost ko sa aking mahiwagang Wattpad account. Sana magustuhan niyo. THANK YOU! God bless everyone. :D
Unexpected Love
Hi! Ako si Marielle. Yel nalang para maikli.
May gusto ako sa bestfriend ko.Si Dina.
Tibo na kung tibo. Pero, ang lakas talaga ng tama ko sakanya.
"Charles, ang ganda ni Dina noh?"
"Sira ka talaga! Kababae mong tao e."
"Pero natamaan talaga ako sa bestfriend ko e."
"Ewan ko sayo! Magpakababae ka na nga!" sabay alis niya. Nagbell na kasi.
Nilapitan ko si Dina..
"Lika na, sabay na tayo mag'explain kung bakit pareho tayong late."
"Ha?! Anong sasabihin natin?"
"Uso naman magsinungaling kay prof, diba?"
"Ay nako, ikaw talaga!"
"Basta! Ako bahala sayo."
Pagdating ng recess, sumama si Dina sa mga kagrupo niya sa project. May meeting daw sila.
Eto nanaman si Charles. Hindi ko alam kung binayaran ba 'to ng parents ko para magpakababae ako e.
"Lika, date tayo, sabay tayo kumain. Hahaha."
"Utot mo! Makipagdate ka sa kamay mo."
"Eto naman, joke lang! Lika, libre kita."
"Yun eh! Sige nga! Ayos na fishball sakin!"
"Jusko! Kaya di ka nagkakalaman e! Bibilhan kita ng maayos na pagkain."
Pano naman kasi, ang payatot ko na.
"Naks! Yaman mo ata ngayon ah!"
"Sos! Ang dami mo pang satsat! Kumain ka na dyan."
Habang kumakain ako, nakatitig na parang nakakita ng multo si Charles sakin. Ginulat ko siya.
"Huy! Ano tinitingin tingin mo dyan?! Nababakla ka na sakin pre noh?"
"Ang ganda mo, Marielle."
Dina ako nakapagsalita.
Di ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko.
Siguro dahil ngayong niya lang ako tinawag na 'Marielle'.
Lagi kaseng 'pre', 'utol', o 'Yel' ang tawag niya saakin.
"Hahahahahaha! Gutom lang yan, pre. Nagdidiliryo ka na ata."