Dear Ex

1.7K 34 15
                                    

Dear Ex,

Hoy, kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkikita ah. Ang tagal na din nung huli tayong nag usap. Buhay ka pa ba? Haha. Biro lang.

Naalala mo pa ba ako? Ako to, yung ex-girlfriend mo nung high school, si Ardy.

I have something to confess nga pala sa iyo. Pero bago yun gusto ko munang balikan yung unang beses na nagkita at nagkakilala tayo. Salamat dahil naging malapit na magkaibigan tayo at naging magkarelasyon.

2nd year high school ako noon at 2nd year ka din. Transferee ako sa school niyo. Wala pa nga akong kakilala eh (malamang tranferee nga eh!) Pero dumaan ang ilang araw at linggo marami din naman akong nakilala.

Naniniwala ka ba doon sa tinatawag nilang love at first sight? Kasi alam mo, ganun ang nangyari sa akin nung una kitang makita sa school. Flag ceremony noon. Magkatabi yung section natin kaya agad kitang napansin. Matangkad, malinis, may wax ang buhok at gwapo.

Isang beses na nasa library ako habang gumagawa ng assignment, bigla kang lumapit sa akin at sabi mo, "Pwedeng maki-share ng table? Wala na kasing space eh."

That time, aaminin ko kinilig ako. Pagkakataon nga naman. "Sure." sabi ko.

Hindi ako nakapag focus noon sa paggawa ng assignment ko. Ewan ko ba. Nagfocus yata ako sa pagtingin sayo habang natutulog ka. Pambihira! Natulog ka lang kasi sa library.

Tapos may biglang dumating. Kaibigan ko, si Shey. Sa sobrang ingay niya sa pagkukwento ay nagising ka. Kung sinuswerte nga naman ako, pinsan mo pala siya. Pinakilala niya ako sayo at pinakilala ka niya sa akin. Grabe lang, Sid pala ang pangalan mo.

Doon na nagsimula ang pagkakaibigan natin.

Isang beses nung papasok na ako, late na ako nun. Sa kakamadali ko, tumakbo na ako papasok ng school at kung minamalas nga naman ako ay bigla akong nadulas. Take note, nadulas ako sa harap mo. Halos mahiya ako sayo nun. Pero imbis na pagtawanan mo ako ay tinulungan mo pa ako. Tinulungan mo akong damputin yung mga nahulog kong gamit. At sa di inaasahan ay bigla mong nahawakan yung kamay ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko noon. Pakiramdam ko namumula yung pisngi ko. Masasabi kong yun na yata ang most embarrasing moment ko and at the same time most unforgettable moment.

Lagi kitang sinisilayan mula sa classroom namin sa second floor hanggang sa classroom niyo sa third floor. Alam mo bang excited akong mag TLE which is last subject namin? Kasi ikaw ang taga hatid ng gamit ni Ma'am Lorenzo sa room namin. Masaya ako kapag nakikita kita.

Nakasama kita sa isang tutorial class na kung saan ay tinuturuan natin yung mga first year student na nahihirapan sa math subject. Ikaw ang representatives sa section niyo at ako ang representatives sa section namin. Nag uusap na nga tayo nun eh. At sa pag uusap nating yun ay hindi ko inaasahan na aasarin tayo ng iba nating mga kasama. Sabi pa nga nila, "Uyy, bagay kayo."

Sa loob ng tatlong buwan ay naging kumportable ako sayo. Hindi na ako masyadong nahihiya sayo. At ganun ka din sa akin. Kapag nagkikita tayo o nagkakasalubong ay palagi mo akong binabati at nginingitian.

Habang tumatagal ay mas lumalalim yung pagtingin ko sa iyo. Mahal na nga yata kita Sid.

Hanggang sa isang araw nagpunta ka sa room namin. Hinintay mo yung uwian ko. Ihahatid mo pa nga ako sa bahay namin nun. Naguluhan ako kung bakit, yun pala ay may gusto kang sabihin sa akin. May gusto kang aminin.

"Ardy, pwede ka ba kitang ligawan?"

Nagulat ako sa sinabi mong yun. Halos mapatulala ako. Hindi ko inisip na magkakagusto ka sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon