1. MYSTERY FAN!
Mahilig talaga ako sa mysteries, lalo na yung babalikan mo yung buong kuwento pagkatapos mong basahin, para lang makita mo yung mga bagay na right there in front of you all along.
Hahaha, nag-drama ang author? Sorry na! HAHAHA oakie, go na:
2. NAPAGALITAN AKO SA SCHOOL DAHIL SA BREAKING AND ENTERING.
Ako yung isa sa mga maagang dumating sa school nung grade school ako. Sa amin, nilo-lock muna yung classroom para di raw buksan yung aircon ng maaga. So one day, binunot ko yung ID ko tapos sinuksok ko sa gitna ng double doors ng classroom namin.
Pagpasok noong janitor, nakita niya kami, nakatambay na sa classroom, ine-enjoy yung aircon. One week later, pinalagyan na ng harang yung pintuan. The end. HAHAHA :)
3. TAMBAY NG BOOKSTORE.
Sa unang punta ko sa Fully Booked sa Bonifacio Global City (noong medyo bago-bago pa yung lugar na iyon), ‘di ako makapaniwala sa ilang floors na bookstore nila.
Anyway, di naman ako elitista pagdating sa bookstore. Yung laman ng bookshelf ko ngayon, pinaghalo-halong NBS, Fully Booked, Powerbooks at Book Sale.
4. I GODDAMN LOVE BADMINTON.
Mga pinsan ko nagpauso nito. Yung feel ng raketa sa kamay, yung whistle ng net sa racket pag hinampas mo, yung impact ng shuttlecock sa raketa mo pag perfect ang kontra mo sa kalaban...(sigh)
One time noong high school ako, tumagilid yung smash ko taps napunta sa bubong ng kapitbahay yung huling shuttlecock namin. Ayun, umupo na lang kami sa sidewalk, parang yung title card ng Meteor Garden.
5. POTTERITE.
Potato? Ano? HAHAHA Eng-eng! Ibig sabihin favorite ko ang Harry Potter series. Dito ko natutunan lahat ng mga literary techniques na na-rerecognize ko sa mga ibang stories hanggang ngayon. Thank you talaga, Miss Joanne Rowling.
6. ITALIAN FOOD LOVER.
Foods! HAHAHA Naku masinsinang usapan ‘to. Favorite ko talaga ang pizza at pasta: di lang siya colorful kainin, napaka-tasty pa ng lasa, talagang malakas ang tama sa bibig at alaala mo. HAHAHA :)
‘Di sophisticated ang taste ko – Pizza Hut lang solve na ang gutom ko, kahit nakabalot sa manipis na layer ng oil yung buong slice. Sige na, pagbigyan.
7. PIHIKAN PAGDATING SA MISA.
Especially sa homily! Isa sa mga skills na nade-develop mo pag bored ka sa misa ay yung pagtaas ng standards mo sa Homily. Hindi ko gusto yung mga sermon na ginagawang blind item yung mga members ng community para gawing example sa misa, o kaya yung kumukutya ng ibang religion. Wag ganun.
Ang pinunta ko sa misa ay para malaman kung paano ko maa-apply yung mga good deeds at sayings ni Jesus sa Gospel sa buhay ko. Kung gusto ko ng tsimis, sana nag-OL na lang ako.
8. MAHILIG AKONG MAG-DRAWING.
Yung bookshelf ko, punong-puno ng mga sketchbook na binibili ko galing sa kakarampot kong allowance. Pero ngayon, alam ko nang ‘di drawing ang tadhana ng mga daliri ko. Kaya siguro mas mahilig ako sa pagsusulat. Ahihi.
9. TAKOT AKO SA BUBUYOG.
Bucket? Kasi noong nagpunta kami dati sa sementeryo noong maliit ako, bigla ba naman akong kinagat ng bubuyog? Eh syempre bata pa, kaya sobrang sakit para sa akin noon.
BINABASA MO ANG
Wild MissingNo. Was Tagged!
Non-FictionMga kuwento ng kalokohan, kalaliman at kontrobersyal na opinyon! WOOH!