Klint's PoV
Habang hinihintay na umakyat si Avieńir sa stage, mukhang hindi talaga ang itsura niya, namumuti ang mga labi niya.
Kinakabahan ba siya?
Noong nilapitan siya ni Miss Arizza Roblez, at sa tingin ko tinanong siya nito kung ayos lang ba talaga siya? Pero tango lang ang naging tugon niya. Mukhang may hindi magandang mangyayari. Tsk!
Kami naman sa Section namin ay nag-aantay na tawagin ang mga pangalan namin lalong-lalo na ako, isa ako sa mga top 'achiever' ng University.Habang si Avieńir naman ay 1st honorable mention ng University.
Proud na Proud ako sa aming dalawa sa mga Achievements namin, at sabay din pala kaming magtatapos sa University na ito. Sa isang taon ko dito sa University madami na akong mga Good memories at isa na doon si Avieńir.
The love of my life
Nung oras niya na para umakyat sa stage, at noong ini-announced na ang kanyang pangalan.
"Our 1st honorable mention Avieńir Virgo La Motte from Grade 10-A" sabi ng teacher namin na kunwaring emcee namin.
Habang naglalakad siya, pagewang-gewang ang kanyang galaw.
Tangina! Talaga bang ayos lang ito?!
Namumutla siya. At Maya-maya natumba na ito, At nahimatay. Nag-sigawan ang mga school mates namin sa sobrang gulat at pag-aalala. At isa na ako dun sa mga sobra ang pag-aalala.
Tumakbo kaagad ako sa gawi niya sa stage. Halos di ko kaya makita ito na naghihirap. Sa tingin ko para din akong nahihirapan at dahil mahal ko itong babaeng ito.
"K-kli-klint" narinig kong bukang bibig niya, alam kong nahihirapan ito sa sitwasyon niya. Hinawi ko ang buhok na naka-sagabal sa mukha niya at para hindi siya mahirapan humugot ng hangin.
"Avieńir! Fuck! Gumising ka." Wala sa sarili kong sabi sakanya at habang niyuyug-yug siya.
"N-nata-takot ako" kahit na siya ay nauutal, naiintindihan ko parin ang pinag-sasabi nito.
"Avie, huwag kang matakot, andito na ako, dadalhin kita kaagad sa malapit na ospital." Hindi na ito tumugon, binuhat ko siya pababa ng stage, madami ang nagpapanic dahil sa nangyari kay Avieńir. Pati mga guro namin halos hindi magkanda-ugaga sa nangyari.
Nang maka-sakay kami sa kotse ni Christian Karl, nasa kandungan ko pa din si Avieńir, tinititigan kong mabuti at meni-memorise ko ang bawat anggulo nito. Nang bigla naman nag salita itong epal kahit kailan.
"Baka matunaw Klint ah" sabi niya na naka ngisi habang nakatingin sa rear-mirror.
"Paki mo naman kong matunaw? Pesti! Mag concentrate ka sa daan huwag sa amin!" Epal talaga kahit kailan. Tsk
"Hahahaha sabi mo eh" at ibinaling niya ang attention sa kalsada.
At ako naman ay nag-aalala padin kay Avieńir.
Bakit naman ito hihimatayin kong ang lusog lusog nito?
Baka naman na sobrahan sa pag-aaral ito at na stress?
Hinalikan ko ang kanyang noo.
Wala na akong pakialam kong nakita iyon ni Christian Karl o naramdaman man iyon ni Avieńir.
Avieńir PoV
Nagising ako na napapalibutan ako ng mga puti----- Teka!? Nasaan ako? Juskoo! Huwag niyong sabihing nasa langit na ako? Huwaaaa! Di pa ako pwedeng mamayapa huhuhu, may graduation pa ako sa makalawa, at papakasalan ko pa si Klint---wtf?
YOU ARE READING
My First and Last
Short StoryA love story behind the library WHERE the two people argue with just one book.