Home
CHASTY --
Ang usapan namin ni Yunah na two to three music videos lang ako ay hindi nasunod. Dahil kahit sa mga guesting's ng group nya at mga shows ay sinasama ako ng Manager nila,reliever daw muna ako hangga't hindi pa sila nakaka kuha ng bagong member.
Nakakapanibago,kahit saan ay nakikita ko ang mukha ko na halos hindi ko na makilala,babae na nga talaga itsura ko,at kung hindi ko pa sasabihin na lalaki ako ay walang makakahalata,hindi naman kasi issue dito ang mga babaeng may malaki o maliit na boobs,basta makinis at maganda ay pasok na sa panlasa nila.
Kahit dati pa man ay ayoko na ng masyadong atensyon,lalo pa at kilala ako ng lahat na anak ng Prime Minister,may mga kumukwestyon din kung bakit nasa grupong iyon ako eh hindi naman daw ako babae.
Inalok pa nga ako ng manager nila Yunah kung payag ba ako na magpa sex change but I declined the offer. Kung ano ako na ginawa ng Diyos,mamamatay akong ganon.
At saka hindi ko gusto ang pakiramdam na nakekwestyon ang kasarian at pagkasino ko,pakiramdam ko napapahiya ang pamilya ko,at ayaw kong mainvolve sila,hindi para sa akin ang pagiging Kpop,hindi para sa akin ang showbiz.
Nagpaalam ako ng maayos kay Yunah,sa grupo at sa manager,ayoko talaga ng sobrang atensyon. Kahit saglit lang ako sa grupo ay nakilala agad ako,may pagkakataon pa nga nakasama namin si Sandara Park,bilang parehong galing sa Pilipinas ay nagkakwentuhan kami. Pero hanggang dun lang yon dahil naging busy na ako sa nalalapit na graduation.
Sumapit na ang graduation namin,tumawag pa si Dean at nakipag videocall via Skype. Binigyang patunay daw namin ni Exian na dekalidad ang mga estudyante ng Starville.
Malaki ang ginanap na graduation Party,lahat ata ng nasa konseho ng South Korea ay imbitado,may mga matatanda at mga bagong artista din. Napagod nga ako sa pakikipag kamay at sa pasasalamat sa lahat ng bumabati,ganito pala pag mayaman,sadyang hindi ako sanay.
"Hi!" sabi ng isang boses na ikinalingon ko,nakikipag kwentuhan kasi ako kina Exian.
Paglingon ko ay isang gwapong lalaki,medyo hawig kay Kim Bum,dahil siguro sa hair style nya,hindi ko lang masabi kung Koreano,Filipino o Japanese sya,kakaiba kasi ang kagwapuhan nya,tas may dimples pa.
"Yes?" nakangiti ko pang baling dito. Ngumiti ulit ito. At ewan ko ba,may kakaiba akong naramdaman.
"I just want to congratulate you." firm na sabi nito. Ang ganda ng boses,buo.
"Thank you!" sabi ko na lamang. Magsasalita na sana ulit ito ng sumulpot si Chase at hinila ito,at ang dinig ko ay may ipapakilala daw ang kapatid ko.
"So,back to I was saying,next week na ang uwi namin ni Tammy sa Pinas." ani Exian na katabi si Tam,sa tabi ko naman ay sina Jiwoon at Yunah. Napaka daming tao,medyo naaawa nga ako sa mga katulong,hindi kaya sila mapagod nito?
"Good,magbabakasyon naman kami ni Yunah sa Australia next week since tapos na ang mga commitments nya." pagsabat naman ni Jiwoon. "Ikaw,Chasty?"
"Nako,Im sure,gusto nyang umuwi sa Pinas,sayang lang at umayaw sya sa showbiz." ang pagsabat din ni Yunah. Kinain ko ang leche plan at uminom ng juice,paborito ko ito,kaya nga nung nagtanong si Papa kung ano mga gusto kong handa,ang sagot ko kahit ano basta may leche plan,at ayon nagustuhan din naman ata ng mga koreanong bisita.
"He don't want so much attentions." ani Exian.
"Oo nga,at saka panigurado miss na sya ng mga kaibigan nya sa Pilipinas." sabi ni Tam. "At may isa pa talaga syang namimiss dun."
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...