TST ~ Chapter 15: Sisters forever

12.9K 135 4
                                    

             

MAX’ POV

 

                Nakahiga na ako sa kama ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga napag-usapan namin ni Mama kanina.

*Earlier*

                Napatingin lang ako kay Mama. I can’t believe it. All these years, may kapatid pala ako? At di ko man lang siya nakilala. As if reading my thoughts, Mama said;

                “Yes, may kapatid ka. Remember when your Papa and I lived in when you we’re three? Kaya pala noon ayaw niya akong panagutan dahil may nangyari na sa kanila ni Helen. Pero dahil nga hindi pa siya sure nun kung may nabuo, sa atin siya sumama.” She explained.

                “S-so their child survived the accident?” she nodded. “How?” I can’t help myself ask.

                “Your Papa and Helen used their bodies to protect their child from getting hurt. Niyakap nila yung bata. And the rescuers almost cried when they saw the three of them inside the wrecked car. Inakala nga nila na patay na yung bata. Pero nung nakita nilang gumalaw yung kamay nito, sinagip agad nila.” She said.

                “Nasaan na ‘yung kapatid ko ngayon?”

                “Dinala nila sa isang bahay-ampunan ang bata, sa Safe Haven Hospice. Pero nagsara na ang ampunan. At ang mga bata daw dun ay dinala sa DSWD. Juliet, my secretary, is on it. Bukas niya daw ifa-fax yung details.” She smiled a bit. “For now magpahinga ka na. It’s late.” At dinala na niya ko sa kwarto.

*Present*

            I can’t sleep. Masyado ako shocked sa lahat ng narinig at nalaman ko at parang loading ang utak ko. Una, my father already passed away with his love. Pangalawa, I have a sibling. At pangatlo, hindi pa namin siya nakikita. Dinala daw siya sa bahay-ampunan. Paano kung napunta siya sa malupit na magulang? Paano kung inaabuso pala siya dun? Hindi pinapakain ng tama at nabibihisan? Hindi pinapag-aral at pinagtatrabaho?

            I groan in frustration. I covered my face using a pillow. I tried to sleep pero in the end I really can’t.

SELENA’S POV

            Bumaba ako ng maganda ang gising. Naaamoy ko na rin ang mabangong breakfast and I’m sure Max is the chef today. Mama seldom cooks kasi ayaw niyang matalsikan ng mantika. But to my surprise, yung caretaker ang nakita kong kaaway nung stove.

            “Oh, hija, gising ka na pala. Ala eh, halika na rine at mag-agahan ka na.” bati sa akin ni Manang gamit ang Batangeña accent niya. Napangiti ako at umupo sa hapag.

            “Sila Mama at Max po?” kumuha na ako ng isang bundok na kanin. Nilagyan naman ako ni Manang ng mainit na kape.

            “Si Ma’am, hayun, at may kausap eh. Si max naman eh hindi pa bumababa eh. Ah eh, aakyatin ko na la-ang para magsabay na kayo, hano?” umakyat na si Manang. Pero agad ding bumaba. “Napuyat ata eh. Akyatan ko na la-ang raw siya ng pagkain at masakit ang u-lo.”naghanda naman si Manang ng isang tray at ako tuluy-tuloy lang sa pagkain. Masarap talaga ang lutong probinsya. Fried boneless bangus with sibuyas at kamatis. Samahan pa ng kapeng Barako. Winner!

The Sex TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon