[Author's POV]
Nagmamadaling pumasok ng classrom sina Jelai at Roni nang biglang nabangga nila ang grupo nila Shantal.
"Ouch~" sabi ni Shantal.
"Ay sorry!" sabi nila pareho at paalis na sana sila ng hatakin ang buhok ni Roni ng kasama ni Shantal.
"Woiiii!!!!" sigaw ni Jelai sa babae.
"A-arayyyy" hawak hawak ni Roni ang buhok niya habang hatak naman ng babae ito.
"Jasmine! Stop it!" Awat sa kaniya ni Shantal.
"Hayaan mo siya" sabi naman ni Chloe.
"No Shantal, they deserve this! Ano ha?! Lalaban kayo?"
"Hoy! Bitawan mo si Roni!" pilit niya tinatanggal ang pag sabunot nito sa buhok ni Roni.
"Ayoko!"
"Ano ba! Bitawan mo sabi e" at dun na pinatulan ni Jelai si Jasmine. Hinablot niya din ang buhok nito habang si Chloe naman ay tinulungan si Jasmine. Nag sisisigaw nalang si Shantal habang umaawat. Hanggang sa dumami na ang tao sa paligid.
Samantala nasa classroom naman ang mga boys ng maganap ang away.
"Ma'am April! May nag aaway po sa corridor!" Sigaw ng napadaan na estudyante sa guro.
"Ha? Saan? Dun po!" Tinuro naman nito.
"Okay class uhmm, basahin niyo nalang muna yung page 10 iwan ko muna kayo"
Nagmadali naman si April papunta sa sinasabi ng estudyante. Nakatayo pa rin ito sa may labas habang kausap ang iba pang estudyante. Tumayo naman si Yuan at tinanong ang mga ito.
"Pare, sino may away?"
"Di ko sure pero, parang nakita ko kapatid mo dun"
"Ano?!" Nauna pang mag react si Borj ng marinih ang sinabi nito.
"Si Roni?"
"Oo, pati yung bestfriend niya si~"
"Jelai?!!" Agad na sabi ni JunJun.
"Pare, sigurado ka ba?" tanong ni Tonsy.
"Oo, kilala ko kapatid ni Yuan e"
Nagkatinginan silang apat at saka mabilis na tumakbo palabas ng classroom. At nadtnan nila na kausap na ni Ms. April ang mga ito.
Nakita nilang gulo gulo ang buhok ng mga ito except sa isang babae. Napatingin si Yuan sa kaniya. Nagulat siyang ng makita ito.
"M-missy?" mahinang sambit niya.
Narinig naman ito ng babae ngunit umirap lang ito aa kaniya.
"Girls, gusto ko lang malaman niyo na pwede ko kayo dalhin ngayon sa dean's office dahil sa ginawa niyo. Pero dahil alam kong matatalino naman kayo, palalagpasin ko to. Hopefully hindi na maulit ito. Ayoko, hingin ang paliwanag niyo. Kasi parehas kayong mali. Kahit nasa labas na kayo ng eskwelahang ito hindi pa rin tama na makipag away kayo lalong lalo na sa loob ng campus. Hindi ba kayo nahihiya niyan? Sana next time pag isipan niyo muna actions niyo"
"Eh Ma'am sila kasi hinablot niya yung buhok ni Roni wala naman kaming ginagawa sa kanila" si Jelai.
"Anong wala! Eh sinadya niyong bungguin si Shantal" si Jasmine.
"Kakasabi ko lang girls, hindi ko kailangan ang paliwanag niyo. Pero kung matigas ang ulo niyo dadalhin natin sa dean's office to kasama mga magulang niyo"
Napatingin naman si Roni agad sa Kuya Yuan niya.
"M-Ms. April, I'm sorry po sa ginawa namin. Uhmm, sorry din sa inyo" inunahan na ni Roni ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Bring it all back [On-going]
FanfictionG-mik 2.0 (other version of book 3 and book 4) [Fanfiction]