CHAPTER 13

7.2K 123 22
                                    

CHAPTER 13

Ara's POV

"Ok dad. Punta na ko" sagot ko kay Dad sa kabilang linya habang tinutupi ko ang kumot na ginamit ko sa pagtulog kagabi.

"Anong ikaw Vic? Isama mo si Mika. Isabay mo na siya" sabi ni Daddy mula sa kabilang linya.

Ano na naman bang! Dad naman eh! Bakit na naman ba pinipilit mo ang hindi dapat?! Ugh

"Dad naman.... Kaya na niya yun...." napapakamot na lang ako sa noo ko sa pagkasabi nun.

"Vic. I said it. Gawin mo na lang" seryosong sabi ni Dad. At kelan pa siya naging si Tito Manuel? Grabe huh! So ngayon gagawin ko na din ang sasabihin niya?

"Dad naman.... Wag n-----"

"Sinabi ko na Vic. Gawin mo na lang. Magsabay na kayo ng pagpunta sa office...." utos ni Daddy. Kung tututusin, kaya ko namang hindi sumunod kay Daddy ngayon , hindi naman kasi niya malalaman. Unang una wala naman ngayon si Dad sa office. Tapos hindi din naman magsusumbong ang isang to dahil hindi din naman niya alam na pinapasabay siya sa akin ni Daddy.

Pero kagaya ng palagi kong sinasabi. Si Dad ang commander ko. Wala na akong magagawa dun. Compulsary man o voluntarily.

"Ok dad" tipid kong sagot.

"Mag-ingat kayo Vicky ha" bilin nito bago tuluyang iend ang tawag.

"Yah... Bye dad" sabi ko saka inend yung tawag.

Badtrip! Kailangan pang isama. Hmmp! Wala bang sariling paa ang kapre na yun? Hassle. Palagi na lang ba talagang stress ang idudulot sa akin ng babaeng yun? Aissshhh....

Nagtoothbrush ako at naghilamos lang then saka ako dumireto sa baba para mag-almusal.

Hindi pa man ako nakakastep sa hagdan at nasa staircase pa lang ako, isang pamilyar na monster este babae na ang natanaw ko na nakadukdok sa may center table, nakasalampak ito sa sahig at mukhang nakatulugan pang bukas ang laptop niya.

Yah. That Mika. Sa pagkakatanda ka sa kwarto niya siya natulog huh? I mean nauna pa nga siyang umakyat sa akin kagabi dahil hinatid ko pa sa labas yung magagaling kong mga kaibigan. Baka naman hindi na niya matutununan ang gagawin kaya napadukdok na lang.

Agad na din akong bumaba at nagdiretso sa kusina. Sinimulan ko na ang pagluluto ng makakain ko. Napatingin ako sa orasan sa may kusina, halos 9:30 na din pala. Kaya naman pala minamadali ako ni Daddy eh, sabi nga pala ni Tito sa bakulaw na to na maagang magsisimula ang meeting nito sa mga board para sa pagbabago ng Magazine ng kumpanya. Kaya itlog na lang at sinangag ang niluto ko. May kamatis naman sa ref, saka hotdog. Wow sorop. Nomnomnom....

Isama mo si Mika.

Naalala kong sabi ni Daddy habang naghahain ako ng pinggan ko sa mesa. Oo nga pala. Tsk. Baka kung ano pang sabihin ni Dad kapag hindi ko siya sinunod.

Labag man sa loob ko, pero lumapit na din ako kay Mika. Tanggap ko na din naman ang katotohanan. Na kahit anong gawin ko yata? Hindi na mawawala sa buhay ko ang babaeng yan, hindi nagtagumpay ang mga plano ko, yung pananakot. Nganga. Yung pangbubwisit naman, susme! Mas lalong hindi umubra. Parang hindi siya nabwisit eh, nag-enjoy pa yata. Gosh! Sa ginawa ko nga mas napalapit pa siya sa mga kaibigan ko eh. Kanila Cienne at kay FO. Hays. Palpak Vic. Sobra.

Imagine ha, magdamag silang nagkantahan. Nagkwentuhan . At nagkulitan. Parang ako pa nga ang naOP sa lagay eh, sila pang lima yung mas close yata. Ugh! Enjoy na enjoy ang mga dabarkads ko sa kanya. So lagay na yun? May nagawa ba ako para gustuhin niyang umalis dito? Wala. Lahat waepek.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon