December 24. Bisperas na ng pasko!
Ang sarap ng hangin! :) Ang Lamig! :) Ang fresh! Sabayan pa ng kaunting ambon :))) Woahh! XD Ganda na ng gising ko ah?! Bumaba na ko para makatulong ako sa pagluluto ng mga putahe mamayang Noche Buena :))
Ashleen: Good Morning! :) ADVANCE MERRY CHRISTMAS! :)
Busy na busy silang dalawa ni Papa. Nakakatuwa lang. At least, nagmumukha na silang mag-asawa ngayon, dati kasi bulyawan lang sila ng bulyawan eh. Nakakasawa rin kaya yung ganun.
Napansin ko lang na parang masyado yata marami ang handa namin ngayong pasko? Hindi naman ganito dati ah.
Papa: Gutom ka na ba anak?!
Umupo ako at binigyan ako ni Papa ng isang plato ng bibingka at pandesal at MILO. Wow naman yata?! Himala. Himala. Himala. Si Mama, ayun, kinakarir ang pag gawa ng fruit salad. Hahahaha! xD
Ashleen: Salamat Pa. Anong nangyre sayo? May sumanib ba sayong santo?
Papa: Yan ka na naman bata ka..
Ashleen: Joke lang! Love you!!
Pang aasar ko kay Papa. HAHAAH! XD Lakas ng trip ko e nuh? Tapos nakita kong may mga Graham's Cracker sa harap ko.
Ashleen: Para san to pa?!
Papa: Graham's Cake daw eh sabe ng mama mo.
Ashleen: Ako nalang gagawa nun! Bat nga pala ang sososyal ata ng mga handa natin ngayon?
Lumapit saken si Mama kasama yung fruit salad na ginawa niya.
Mama: Aba'y syempre, sosyal yung mga taong makakasalamuha natin mamaya.
Ashleen: Sino?
Mama: Yung.... Yung nanay ata ng boypren mo yun eh. Yung Gemeniano.
Ha? Anong boypren? Sinong boypren? Tset naman uh. Si Mark ba tinutukoy ni Mama? Pano? Ang dami kong hindi alam ah?! Magbarkada ba sila?
Ashleen: Ha? Close ba kayo nun?
Mama: Nitong mga nakaraang araw lang, nak. (habang nilalagay ang fruit salad sa ref)
Ashleen: Pano?
Umupo si Mama at naki-share sa bibingkang kinakain ko.
Mama: Napadaan kasi siya sa bakery namin minsan. Tapos napansin niya yung pastillas na ginawa ko. Bumili siya. Nung kinahapunan, bumalik at bumili ng isang dosenang pack ng pastillas ko. At nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan. Tapos nalaman niyang ikaw pala yung nag alaga sa anak niya nung nagkasakit siya. At ayun, inimbitahan tayo sa bahy nila.
Ashleen: Pumayag kayo?
Mama: OO. Bakit naman hindi?
Ashleen: Mama, nakakahiya! o.o
Mama: Anong nakakahiya dun? Ang nakakahiya kung di tayo pupunta.
Ashleen: Tsaka di naman nila tayo mapapansin dun eh. Madaming tao.
Mama: Pamilya lang naman nila at pamilya natin. Ikaw talaga, hndi ka ba natutuwa, makikita mo na yung boypren mo! Sige na, maghuhugas pa ko. Yung Graham's ha! Wag mong kalimutan
Tumayo si Mama at bumalik sa kusina. Napakamot ako sa ulo ko. Nakuu. Iniiwasan ko nga tapos eto na naman?! Tsaka!!!! HINDI KO NGA YUN BOYFRIEND. Ang kulit naman ng dila ni Mama! Boypren ng Boypren.
Maya maya nakatingin na saken si Papa.
Ashleen: Pa, hindi ko yun Boyfriend!
Papa: Oh? Bakit defensive ka e wala pa naman ako sinasabe ah? Ikaw Ashleen ah.. Umayos ka.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?