FATE II:MR.RABBIT

39 0 0
                                    

[Alice's POV]

Nagising ako sa isang kawalan na hindi ko malaman kung saan,tumayo ako at nag-umpisang maglakad-lakad sa paligid napansin kong dumudugo pa ang aking sugat kaya umupo ako sandali."nagugutom na ako,nasaan ba kasi ako eh?"tanong ko sa akin sarili.ang nakikita ko lang ay lumilipad na mesa at mga sirang bagay,nasa impyerno kaya ako?pero hindi man ako nasusunog o naghihirap.teka baka nanaginip lang ako!tama panaginip lang ang lahat,tumayo ako at kinumbinsi ko ang sarili ko na paniginip lang pero biglang sumakit ang aking sugat at dumugo pa lalo.

"sa tingin ko walang paniginip sa mga ito..."yumuko ako at di napigilan ang aking luha.nag-umpisa na akong maglakad ng nakayuko.ano ng gagawin ko nyan?nakatakas nga ako pero nasa kawalan naman ako,mas mabuti pang magpakasal sa dimonyo kaysa magdusa sa impyerno.huminga ako ng malalim tsaka nalang biglang may parang bumato sa akin.

"a-ano yun??"tinignan ko ang paligid pero wala namang kakaiba madililm pa rin.baka naman namamalikmata lang ako,siguro..

"hihihi...."a-ano yun??n-nakakatakot.baka may mga halimaw dito o mga alagad ng dimonyo.hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot at kahit pa gusto ko tong igalaw ay hindi ko kaya!

bigla nanamang may bumato sa akin.

"s-sinong nandiyan??"nanginginig kong sinabi tapos humakbang ako konte-konte.

*peep*

"ahhh!!!!"napa upo ako dahil parang may napaapakan ako na kung anong bagay.pinulot ko ito at isa lang palang manika.manika lang pala natakot pa ako,napaka duwag ko naman.

"hihihi"bigla itong gumalaw at tumawa,nagulat ako at naitapon ko sa malayo.tinakpan ko ang mukha ko dahil sa takot.

"ano ba kasi ang mga bagay na ito!!!"sigaw ko sa sarili ko.

tapos may dumaan sa likod ko na kung ano kaya tumakbo ako kahit masakit ang pakiramdam ko.

"tulungan nyo ako!!may mga halimaw na sumusunod sa akin!!ahhh!!!!"sigaw ko pero walang sumagot parang ako lang mag-isa sa kawalan na to'ano bang kasalanan ko at napunta ako dito!ba't pa kasi ako tumalon dito eh??.mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo at sa harap ko may parang manikang naka tayo tapos may dala-dala itong mga bato.

"anong gagawin mo??"huminto ako at bigla nya akong binato.

"aray!aray!masakit yan!!tumigil ka!!!"nag take cover ako at sya naman ay bumato ng bumato.ano bang problema ng manikang to??

"tumigil ka na..."umiyak na ako sa sobrang sakit ng pagbato nya tapos sumilip ako ng konte at sa side ko ay may payong,binuksan ko ito at hindi na nakalusot yung mga bato sa akin.sumilip ulit ako at nawala sya,sinarado ko ang payong at tumingin-tingin sa paligid,mukhang wala na sya.

"ano ba ang mga nangyayaring to?isa ba itong sumpa?bakit sa akin?...hindi naman kaya pakana ito ng raven na yon??"tanong ko sa sarili ko,tapos may humagikgik na naman tinignan ko ulit ito at nasa taas sya tsaka sya may dala-dalang higanteng bato!!!ahhh,mamamatay na ako!!!!.hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko,at para nalang akong istatwa na hinihintay ang aking kamatayan.pero teka sandali parang sinuwerte ako kasi bumagsak ang bato tsaka nadaganan yung manika.

Alice & My Wonderland [[The Evil Story]]~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon