Sabi ng ilan, huwag daw bitawan kung ayaw mong makitang hawak ng iba.
Sabi ng ilan, hanggang kaya mo, wag mong pakawalan.
Sabi ng ilan, masaya ka sa piling nya kaya wag kang gagawa ng ikasasama ng loob nya.
Sabi ng ilan, kung mahal mo talaga, wag mong hayaang mawala sayo.
Pero pano kung sya ang gumawa ng paraan?
Pano kung sya ang bumitaw?
Pano kung sya ang kumawala?
Pano kung sya ang nagbibigay sa sarili nya ng sama ng loob?
Pano kung hayaan nyang mawala sya sakin pero hindi ko naman hahayaan?
Pano na lang kung hindi ko kayang wala sya?
Makaya ko kayang mawala ang taong mahal ko sa oras na magkamali ako?
Sa oras na magkamali sya?
Sa oras na masaktan sya?
Sana kaya ko.
Pero sana...
Wag syang mawala sakin dahil umpisa pa lang, alam kong hindi ko na kaya.
Pero pano nga?
Pano kung hindi kame ang para sa isa't isa?
Pano kung hindi sya ang right one para sakin?
Pano kung isa lang pala syang kaibigan?
Pano kung nakabungguan ko lang sya at naging kaibigan?
Masyado lang nag-advance ang isip ko na sya na kaya ang right one dahil sa sobrang paghihintay ko ng right one?
Masyado nga siguro akong nabalot ng kamunduhan bago ko mapasok ang reyalidad.