5: Breathe

91 12 2
                                    

WREN POV

Umiiyak na iniwan ako ni Tinacs dito sa tapat ng bagong classroom ko sa Voice 101- klase ni Miss Riza with First years, Class 1. Hindi ko alam pero nanginginig ang mga tuhod ko habang nandito sa tapat ng pinto. Gusto kong bumalik sa klase ni Ate Abi, huhuhu.

Huminga ako ng malalim as I gather my strength in turning the doorknob. Okay, ready or not, here I come.

Pagbukas ko ng pinto, napatingin sa akin ang buong klase na binubuo lang ng pitong miyembro. Ako yung pang-walo. Sila ang tinatawag na Advance Class. Mga elite daw because they got the highest and almost perfect scores sa entrance exam. Sa mga tingin at aura pa lang nila, I felt so out of place already.

Sa gitnang harapan, agad kong nakilala ang top scorer na si Francis Arellano - from Piano and Keyboard Department, Major in Piano at minor in Music Education. Katamtaman ang height at kayumangging kaligatan.

"Welcome to Class 1, Wren Reyes," agad niyang bati sa akin. He crossed his legs as he looked at me with a wide smile.

"Thank you," matipid kong sagot kasabay ng pilit na ngiti na agad ding nawala nang makita ko sa kanan niya si Raymond Tiozon - from Conducting and Ensemble Department. Major in Conservatory Ensembles, minor in Piano. Siya lang naman yung inagawan ko ng practice room sa Building 4. Nakabusangot siya pagkakita sa akin na para bang gusto akong suklayan.

Buti na lang at may biglang tumawag sa akin sa may bandang likuran, "Dito Wren!"

Agad ko namang nakilala kung sino yung tumawag. Siya yung katabi ko noong first day of class during orientation sa Auditorium. Si Hayley na sa pagkakaalam ko ay galing Class 4. Naliligaw din ba siya dito na kagaya ko? Tinaas niya ang kanyang kamay at sinenyasan akong tumabi sa kanya.

Tumango ako at nagmamadaling lumakad sa direksyon niya. Sinundan naman nila ako ng tingin habang papalapit kay Hayley.

Nang makaupo ako, narinig kong nagsalita ang isa sa kanila - si Vanessa Citadel Sommereux - isang FilAm, also from Composition and Theory department na kagaya ko: Compo major and minor in Choral Conducting. Petite at may manipis, mahaba at sobrang straight na buhok. Nakaupo siya sa kaliwa ni Francis, "Welcome to the club, blockmate. Buti at hindi ka naligaw?"

Natawa yung mga nasa gitnang row.

Gusto kong sabihin na oo naliligaw nga ako. I don't belong here.

"That was savage," comment ng lalaking nakaupo sa tapat ni Vanessa. Isa rin siyang Compo major, minor in music education. His name was Errol Arceo- a long-legged guy na may keempeeng buhok. He was smirking while looking at me.

Sa tabi naman niya si Candyce Mabanta also from Conducting and Ensemble Department - Major in Conducting, minor in Film Scoring. Maliit at mukhang masungit pero maganda. "Mabuti nga at wala pa si Miss Riza. Technically, she's late!" sabay taas ng isang kilay.

Ngumiti naman si Max Carlo Esmillo aka MC- ang lalaki sa tabi nya. Mukhang presko pero sa tingin ko mabait naman. Another Compo major at minor in Contemporary Conducting, "Ang importante, kumpleto na ang block. Andito na si Wren eh," masaya niyang banggit.

"Oo nga, kumpleto na tayo! We should celebrate," sabi ni Errol. "Umiinom ka ba Wren?" tanong niya.

Agad akong umiling, "Naku hindi!"

"Good! May mapagtitripan tayo, hehe.." pangising sabi ni MC.

Tuwang-tuwa naman si Hayley, "Ang galing! Nasa Class 1 lahat ng compo majors! Sali ako sa shot ha!"

Napalingon akong muli kay Hayley, "Teka, naalala ko sabi mo taga-class 4 ka di ba?"

"Aaaah.. sinabi ko ba yun?" nagtataka niyang tanong. May short term amnesia yata ang babaeng ito. Bago pa siya muling makapagsalita, bumukas ang pinto ng kuwarto.

My Amnesia Band: Two Worlds Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon