Pumili narin ang nasa screen ng susunod na kalahok nang naka upo na silang rafh sa pwesto nila.
At ang napili ay si..........
"Ohh! Another S class. Lets welcome Wendy Gelata Larden ang S class ng Roses Guild" ngumiti ng nakakaluko ang babae. Tapos ay pumunta sa gitna.
"Gusto ko sya" sabi nito bigla bago tinuro ang katabi ko.
"Huh?" Lahat kami sa grupo napatingin sa tinuro, at laking gulat sa taong pinili nya.
"Ang pinili ng kalahok ay si Shanny Len Astin ng Meiro Guild"
Kita ko ang takot sa mata ni shan.
Shit kami agad pinili, baka kasi weak kami kaya kami ang target ngayon ng mga bwesit na kalaban.
Hinawakan ko ang kamay ni shan at nagsalita. "Wag kang mag alala shan, isipin mo na lang na laro lamang ang gagawin nyo" ngiti kung sabi sa kanya.
Huminga sya ng malalalim bago ngumiti. "Makakaasa ka aph, gagawin ko ang lahat" sabi nito
"Go! Pumunta kana duon, pakita mo na kayang kaya natin silang kalabanin" sabi ko
Tumango ito at pumunta na ito sa gitna kung saan silang dalawa ang maglalaban.
"Go shan" sigaw ni spring
"Kaya mo yan shan" sigaw rin ni dark
Ngumiti naman ang dalawa kung kasama na S class sa kaniya.
Hudyat ng oras, nag simula narin ang dalawa.
Gumawa ng malaking tornado ang kalaban papunta kay shan. Expected na namin na magawa nya yung ilagan. Shempre hindi alam ng kalaban na speed ang kapangyarihan ng babaeng yan.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni wendy. Napangiti ako sa reaksyon nya. Hindi kami magpapatalo no.
Tahimik lamang ang mga audience, habang nanonood sa away ng dalawa.
Ginamit ni shan ang kapangyarihan para makalapit kay wendy sabay sipa sa tyan nito. Hindi yata alam ni wendy na gagawin yun ni shan kaya hindi sya naka ilag. Natumba ito at napasuka ng dugo.
Sinamantala ito ni shan, at sinipa ang mukha.
Napalayo ang punta ni wendy, ngunit hindi ito pinalampas ni shan. Isang pitik mata ay nasa likod ito ni wendy at sinipa pabalik sa pwesto nito kanina. At sinipa na naman pa balik, na parang nag lalaro lamang ito ng soccer na sya lamang ang tao duon.
Kita ko ang pag lalaki ng mata ng mga tao at nang ka guild nito sa kanilang na saksihan.
Napangiti na lamang ako ng palihim, dont judge the book by its cover.
Nakagawa ng pag kakataon si wendy at tinapunan ng bird na gawa sa wind si shan, shempre naka iwas pa rin ito.
Parang zombie na si wendy dahil sa mga sugat na natamo. Ayan kasi si shan pa yung pinili, eh hindi naman kasi bagay sa kapangyarihan nya eh.
Tumakbo si shan papunta kay wendy, ngunit gumawa ng force si wendy sa kanyang paligid na dahilan ng pagtilapon ni shan sa malayo.
Ginawa nya ang pagkakataon upang gumawa ng ibat ibang klase ng animal gamit ang wind nito.
Tumayo agad si shan, at umilag ng sunod sunod ang ginawa nito. Ngunit nahagip parin sya sa tiger na gawa sa hangin.
Nag durogo ang braso ni shan, at hinang hina na itong nakatayo sa field. Yun rin ang sitwasyon ni wendy. Marami rin itong sugat at pagod na pagod sa ginawa nito.
Ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa ni wendy. Gumawa sya ng force shield gamit ang wind kay shan, na dahilan ng pag wala ng oxygen sa pwesto ni shan at ang paghirap ng paghinga nito.
"Shit" sabi ko
Kita ko ang unti unting pagbagsak ni shan. At sa huli ay natalo parin ito.
Naubos ang oras ngunit wala ng malay si shan sa loob ng force.
"Ang nanalo ay ang S class ng roses guild, Wendy Gelata Larden." Sigaw ng host.
Kinuha naman ni dark si shan, at pinahiga sa upuan namin.
Tinignan ni spring si shan, at pinakain ng famous healing seeds nito. Maya maya rin ay magiging ok si shan.
Tumingin ako sa screen at nakita kung naka X na ang mukha ni shan at titus, habang naka sulat na victory ang kay rafh at wendy.
Tinignan ko rin ang score board. Nangunguna ang royal na may 5 points, sunod ang roses na 5 rin, at ang G&G ay 1 point at chaka kami rin 1. Ang lux ay 0 parin kasi hindi pa sila tinatawag o pinipili.
Nag ingay ang audience ng may pinili na ang screen at yun ay si Zyfara Mandel ng G&G guild, at ang pinili nito ay si Cherlyza Sailo ng Lux Guild.
Ang kapangyarihan ni zyfara ay tulad ni wendy na air, habang kay cherlyza naman ay mga plants na tumutubo, nagiging halimaw na kumakain ng tao, at gumagalaw na parang isang hayop, tulad ng kapangyarihan ni spring.
At sa huli ay natalo ang lux, magaling rin kasi ang kalaban. Napapatay nito ang plants gamit ang hangin nito, na parang isang blade na dumadaan.
Maganda nga ang laban eh, akala nga namin ay magiging tie.
BINABASA MO ANG
The Deity Of Magical World
FantasyShe's the goddess that everyone doesn't know. A goddess that people hated for. A goddess that wants to be happy, but distined by a nightmare. Can this goddess became bad or not? -Abangan-