#EstudyanteProblems, Error: Not Found!

148 3 2
                                    

Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit kailangan pang pumasok? Kung bakit may subjects na mahihirap? May Math at Science? Nako, parehas tayo! Eh nasabi mo na bang “Sana may pasok nalang.” Kung kailan bakasyon? Apir tayo diyan! Estudyante ka ngang talaga. Eh naisip mo na ba kung bakit ko ‘to isinulat? Simple lang. Para maipahayag ang mga pangyayaring maaaring naranasan mo na, mararanasan mo, o pangyayaring hanggang ngayon eh feel na feel mo.

-

“Ang aga-aga busangot nanaman ‘yang mukha mo oh! Panget ka na nga lalo ka pang papanget! Hayaan mo friend pag ako yumaman, ipapa-Vicky Belo kita.” pano ka naman gaganahan kung ganyan ang bubungad sayo diba? Sabagay, true friends don’t lie.

“Friend pumasok ka na ba na napagalitan ng mommy mo? Si mommy kase pinagalitan ako. Ang bagal ko daw kasing kumilos eh, ang lamig kaya kanina. Ang lakas pa ng ulan, expect ko nga walang pasok eh. Tapos yung service ko tinalo pa yung ibon sa sobrang aga.” Reklamo ko.

#EstudyanteProblems 101: Umulan lang ng malakas, feeling mo naman masuspend ang klase at mawawalan ng pasok.

“Yan kasi Janine, feeler ka rin teh eh! Like what AE rule said: ‘Don’t assume, unless it’s directly stated.’ Eh anong oras ka bang natulog at nagising?” tanong ni Iya.

“Friend naman eh, alam mo namang maaga akong gumising diba? Kaya lang inaantok pa ko, puyat kasi ako dahil sa movie marathon, at katext ko rin kasi si crush.”

#EstudyanteProblems 102: Ang lakas ng loob mong magpuyat, eh alam mo namang may pasok kinabukasan. Tapos pag ginising ka ng maaga daig mo pa si Hulk sa boses mong nagsasabi ng “Ma, 5 minutes more pls.”

“Ay nako, ugaliin mo na ngang matulog ng maaga! Teka, nagawa mo na ba assignment mo? Sigurado ka sa sagot?” tanong niya.

“Huh? Assignment? Aish. Tinamad na kasi ako, kaya yun.” Natataranta kong sabi, sabay pasok sa room. Sumunod naman siya.

“Ja naman eh, sabi mo kahapon gagawin mo sa bahay? Tapos tinamad ka pa? Seriously Ja?” Medyo pataray niyang tanong, sorry naman po ano?

#EstudyanteProblems 103: Yung homework na sinabi mong gagawin mo pag-uwi pero nung nasa bahay ka na, sa school nalang pala.

“Teka, paturo muna ako kay Pres.” Pres ang tawag namin sa Ms. President namin, shortcut.

Lumapit nako kay pres. Sabay paturo. Nung una sabi ko magpapaturo ako, sabi niya mahirap daw iexplain. Tsaka bakit hindi daw ako magpaturo sa iba? So ako naman tong makulit na pilit ng pilit. Kaya lang ayaw magturo. Edi hiningi ko nalang yung answer!

#EstudyanteProblems 104: Kunwari magpapaturo, pero ang totoo eh answers lang ang habol.

At dahil mabait naman daw siya, ayun pinagbigyan nako so nagthankyou ako. Tapos na ko sa homeworks pero parang may nakalimutan ako. Hay nevermind na nga lang. Minsan talaga para akong matanda sa pagiging makakalimutin.

In-announce pala kanina na may Quiz daw sa Math, eh ako tong nag-absent last last meeting kaya hindi makasabay sa discussion.

#EstudyanteProblems 105: Nag-absent ka lang ng isang araw, feeling 1 week nay un dahil sa hindi ka makasabay sa major subjects.

At dahil nga seatmate ko naman si Ivan, ang son of Mathematics sa room namin ay kinulit ko siya na turuan ako. Eh hindi daw niya maintindihan kaya naman sinabi ko nalang kay Sir na magkaroon ng review. At dahil mabait si Sir. Ayun pumayag naman!

“Class, for our review. Go back to our pasts lesson. The factoring of terms and the long division method.” Sa lakas ng boses ni Sir, himala nalang kung hindi mo pa marinig yung sinabi niya.

EstudyanteProblems, Error: Not Found!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon