Nakauwi na ako galing school, as usual magffb nanaman ako.Tumunog ang messenger ko at nakita ko ang chat ni Roine, napahawak ako ng mahigpit sa unan ko dahil OO NA! Kinikilig na ako!
Geroine: Goodeveninggg
Kim: Goodeveeeeee!
Geroine: anong ginagawa mo?
Kim: nakahiga parin HAHAHA ikaw ba?
Geroine: walaaa, kumakaaain.
Geroine: miss na kitaKim: miss na din kita
Geroine: talaga?!
Geroine: payakap ako huhuKim: baliw bukas na HAHAHA
Geroine: yieeee
Geroine: nga pala, saan magkitakita bukas?Kim: sa dati diba?
Geroine: oo nga pala! Geez!
Geroine: tara! videocall!Kim: sure!
In videocall..
"Hi kim!"
Nakita ko ang nakangiti nyang mukha kaya napangiti rin ako.. "hello!"
"Gusto mo ako?" Natatawang tanong nya.
"..hindi"
I lied.
Oo, totoong nagugustuhan ko na sya. I've fallen for him. Dahil sa mga actions nya, dahil sa mga pinapakita nyang motibo.
"Ouch HAHAHA"
-
Kinabukasan nasa bahay silang lahat, walang pasok kaya napagdesisyonan na dito sila magtatambay.
"Tol! Bili lang kami foods!" Sabi nina Vana. Tumango ako sakanila at iniwan nila kami ni Roine dito.
"Yung totoo Kim.. gusto mo ba ako?" Seryoso ang mukha nya.
Pumikit ako at umiwas, "hindi ko nga alam e, lagi ko yan tinatanong sa sarili ko kung gusto nga ba kita? Hindi ko kasi maintindihan ang mga nangyayare sakin. Napapangiti mo ako, napapakilig, napapatawa. Ewan, basta pag wala ka hinahanap kita. Hinahanap ko mga yakap at ngiti mo. Mga biro mo. Lahat tungol sayo, hinahanap ko. Pag nanjan ka iba ang nararamdaman ko, bumibilis pintig ng puso ko, nawawalan ako ng hininga, pinipigilan kong ngumiti, parang lahat ng sinasabi mo ginagawa ko ng kusa. Marupok ako, alam ng lahat yan, roine. Ngayon ba, sa tingin mo GUSTO KITA?" Lakas loob kong pag-amin.
Nakita kong sumeryoso sya kaya kinabahan ako, "tangina.. gusto mo ako" he said and left me alone here at the sala.
Napatulala ako at napaluha.
I feel.. broken.
"H-HALA! ANONG NANGYARE SAYO?! SAAN SI ROINE?!" Salubong nina Shasha at ng barkada.
"U-umalis na sya.."
"WHAT?! WHY?!"
"..I confessed"