Epilogue

3.5K 97 15
                                    

Isang bwan na. Isang bwan na akong iniiwasan ni Roine. Isang bwan ng walang paramdam. Isang bwan ng puro luha. Isang bwan ng sakit. Isang bwan ng wala ang presensya nya.

Hindi na nya ako kinakausap, hindi na nya kami nilalapitan. Umalis na sya sa squad. Hindi ko alam pero.. kasalanan ko ba na umasa ako? O kasalanan nya dahil pinaasa nya ako?

Sinong nga ba ang may kasalanan? Ang umasa o ang paasa? Ewan.

"Bigay ng bigay ng motibo di ka naman sinasalo!" Gigil na sabi ni Vana.

"Landi ng landi bwisit sya!" Sabi din ni Angelica.

"Nakakainis!" Si Mela.

"Hays, hayaan nyo na masaya na sya guguluhin ko pa ba?" Sabi ko.

Nagsi-ilingan nalang sila at inaya na akong pumasok.

Nagulat ako ng may makitang note sa  baba ng upuan ko.

Kinuha ko yon at binuksan..

Hi Kim!
Sorry kung nasaktan kita, sorry kung iniwasan kita. Ginawa ko lang yun kasi para sa ikabubuti mo. Iniwasan ko kayo kasi ang totoo.. aalis na ako. aalis na ako sa lugar na to.. aalis na ako at pupunta ng ibang bansa.. pero alam mo ang iiwan ko dito kasama ka? Iiwan ko dito ang nararamdaman ko para sayo, Kim. Mahal kita, at gustong gusto kitang saluhin pero hindi rin tayo magtatagal dahil aalis na ako. At hindi na babalik.. kim never forget me please? Mahal na mahal kita wala ng iba.. sorry kung di ko sinabi kaagad.. sorry kasi di ko kayang magstay sa tabi mo.. sorry kasi kailangan kong umalis.. pero trust me kim. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan.. ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.. ang babaeng gusto kong magkaroon ng anak.. ang babaeng gusto kong maging asawa. Ikaw lang yon, Kim. Hanggang dito nalang ang lahat. Hanggang sa huli nating pagkikita.. i love you kim. for eternity..
-Frans Geroine Gonzaga.

Napatakip ako ng bibig at hinayang dumaloy ang mga luha ko sa aking pisngi..

Mahal din kita hanggang sa huli, Geroine.. kahit wala tayong label..

Kahit hindi na tayo kailanman magkakaroon ng label..













—End Of Story! Thank you for reading my story hanggang dito! Alam kong di kagandahan at maraming mali, pero i tried. Salamat! Salamat! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WALANG LABEL (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon