Chapter 25

161 11 4
                                    

Chapter 25: She's Sooyoung, not Soo-jin.

Sooyoung's POV

BEEP! BEEP! BEEP!

Napatingin ako sa kaliwa ko at may kot- Boogsh!

Unti-unti kong nararamdaman na bumabagsak ang katawan ko hanggang sa naramadaman kong pumalo na yung ulo sa sahig.

Blurred.

Napakalabo na ng paningin ko, hindi ko nakikita ang paligid ko, hindi ko na alam kung anong nangyayari.

Pero nararamdaman kong may taong nagkukumpulan sa paligid ko.

Hindi ko na kaya...

Nandilim na ang paningin ko.

Luhan's POV

What did I just heard? Si Sooyoung at Soojin ay iisa? It can't be! Although they have similarities, pero...

Wait, oo nga!

Bakit hindi ko man lang naisip yun? Hindi ko man lang namalayan na iisa lang pala sila?

Ibig sabihin, minahal mo talaga siya as Sooyoung, not because she looked like Soojin in the first place.

Si Lay bigla nalang nag te-telepathy.

I'm serious dude, mahal mo kasi siya as Sooyoung...

Hay nako, Lay, panira ka ng moment.

Medyo bobo ka minsan bro. I'm saying all this para habulin mo na siya! Right now.

Ay oo nga no!

Papatakbo na ko ng gate ng biglang hinatak ni Suho yung braso ko. "Suho, ano ba!" Sigaw ko sakanya.

"Wag mo siya habulin, pakawalan mo muna si Soojin!" Sabi ni Suho. Wait sino daw?!

"Soojin?! No suho! Hindi siya si Soojin!" Sigaw ko sakanya at nagiinit ang ulo ko, dahil hindi ako makagalaw, dahil hawak-hawak ako ni Kris at Chanyeol. Halos lahat din sila nakapalibot sakin.

"Mahirap man tanggapin, pero si Soojin siy-"

"Hindi! Sinimulan niyo na siyang tawaging Sooyoung, siya na si Sooyoung!" Sabi ko kay Suho. Pumiglas ako sa hawak ni Kris at Chanyeol. Hindi ako papapigil sakanila.

"Calm down Luhan, please!" Sigaw ni Xiumin sakin.

"You want me to calm down? Yung babaeng mahal ko tumakbo papalabas, malungkot! Pano kung may mangyaring masama sakanya?" Sigaw ko sakanilang lahat. Naramdaman kong lalong lumakas yung hangin at kumukulog na.

Buti nalang at wala masyadong tao sa school ngayon, walang mga ususera na makiki-ala-

"I told ya, dapat matagal niyo ng sinabi sakanya, edi sana di kayo nahihirapan at nag-aaway ngayon." Napalingon kaming lahat sa babae na nagsalita samin.

"Victoria, stay out please." Sabi ni Baekhyun sakanya.

"Lalayo ako, don't worry. I just want you all to realize the dumbness that you've all done." Sabi ni Victoria samin ng nakangiti. Nako! Kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito. Ngayon pa talaga nakisingit.

"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ni Chen sakanya ng pagalit.

"Oh yes! Salamat sa pagpapa-alala sakin Chenny," Tumigil siya at nag smile muna saming lahat.

Lahat kami nakatingin na sakanya ng masama.

"Congratulations, fools." Sabi niya habang pumapalakpak siya at ngumiti lang.

After niyang ngumiti naglakad na siya papalayo samin. Buti naman at wala na yung ususera.

Kailangan ko ng maka-alis dito at hanapin si Sooyoung.

Maglalakad na sana ako papalabas ng nagsalita si Suho, "Bakit ba napakatigas mo Luhan? Sinabing wag mo munang sundan si Sooyoung eh."

"Palibhasa hindi mo pa nararanasan magmahal kaya ka ganyan!" Sigaw ko sakanya.

Hindi nakapag-salita si Suho at nagulat lang siya sa nasabi ko. Kahit naman ako eh, hindi ko akalain na masasabi ko yun eh.

"Mag-aaway na naman ba ulit tayong lahat?" Tanong ni Kai saming lahat.

"Kung dapat..." Sabi ko.

"Luhan, tama na!" Sabi ni Kris.

"Lu, kailangan mong huminahon muna, naiintindihan ka namin. Alam namin na naguguluhan ka sa sitwasyon, kaya hayaan mo muna din sana si Sooji-"

Pinutol ko agad si Chanyeol, "Sooyoung, chanyeol! Hindi SOOJIN!"

"Bakit ba ayaw mong tanggapin na siya nga si Soojin, hyung? Natatakot ka bang bawiin ko siya sayo?" Sigaw ni Sehun sakin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, para akong na-baril ng directly sa puso.

Natahimik lang ako.

Siguro nga natatakot ako...

Masyado akong napamahal kay Sooyoung, hindi ko alam kung ano pang gagawin ko kapag nawala siya sakin.

"Sehun!" Biglang sigaw ni Kris.

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" Sabi ni Sehun at tumingin siya sakin ng masama.

Wala akong pakialam sakanila at tumakbo ako ng sobrang bilis papalabas ng gate. Wala akong paki kung may normal na tao na magtaka kung bakit mabilis ako tumakbo, pero kailangan ko na talaga habulin si Sooyoung.

Lingon dito...

Lingon doon...

Saan ba siya pwede pumunta?

Gusto niya ng tahimik na lugar at mapayapa kapag nalulungkot siy-

Hindi kaya sa parang mini-forest sa tabi ng school na to? Doon sa puno kung saan siya dinala ni Seh-, bakit ganun? -_-

Ang sakit sa puso, siguro naalala na ni Sooyoung ang lahat ng ala-ala niya at naalala niyang mahal niya talaga si Sehun.

Ang sakit!

Bakit ba kasi laging si Sehun nalang? P*nyetang love life to! Kelan ba ko mabibiyayaan?

*Boogsh*

Nakasuntok lang naman ako ng random na puno sa sobrang galit ko. Hindi ko sinasadya, naputol tuloy. Kawawang puno.

Aish! Wala akong paki! Kailangan kong hanapin si Sooyoung!

*Luhaaaan! Pick up your phone. Luhannieeee*

Ringtone ko, boses ni Sooyoung...

Sinagot ko kagad.

"Hello, soo. Nas-"

"Hello po?" Bakit boses ng lalaki?

"Sino ka? Nasan si Sooyoung?!" Tinanong ko agad.

"Sir, kayo ko po yung nasa speed dial ng na-aksidente nasa ---- Hospital"

Binaba ko na agad yung tawag, dahil iisa lang ang nasa isip ko.

Kailangan ako ni Sooyoung.

-----------

Hello guys! At dahil suspended today, may update ako! Hehehehe. Mag-ingat ang lahat. Enjoy reading! :)

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon