Hikariel Deus
"Kawawa naman tropa natin dre, nananakit ang puson." Tinapunan ko ng masamang tingin si Ezrael na nakangisi ng pang-asar. Tangna nito. Talagang sinabi pa.
Pagkatapos akong hipuan ng kung sino mang babaeng iyon ay umalis na kami. Ako ang nagyaya kasi talagang nakakahiya ang nangyari kanina. Nakaagaw kami ng atensyon at may iba pang napasinghap ng makita ang nangyari. May iilan pang nakakita ng pagkapit ng babaeng iyon sa gitna ko. Tangna nakakahiya. Kung sanay siguro ako sa mga ganong bagay kagaya ni Ezrael ay malamang pangisi-ngisi lang ako ngayon.
Nang-asar pa si Ezrael na manatili daw muna kami doon kasi baka raw madapa nanaman ang angel at siya naman ang mahipuan. Abnormal talaga.
Hindi maipinta ang mukha ko kasi nga medyo nananakit ang puson ko kagagawan ng babaeng iyon. Natutulog ang gitna ko, gisingin ba naman. Nagalit tuloy.
Inakbayan ako ni Ezrael saka bahagyang lumapit sa taenga ko.
"Maraming akong chicks dre, gusto mo bigyan kita?" Bulong nito sa tenga ko. Tinabig ko ang kamay niya saka boring siyang tinitigan.
"Di ko alam na nag-aalaga ka pala ng sisiw." Pabalang na untag ko sa kanya. Nakita kong bumusangot siya.
"Namo. Ikaw na ang ang tinutulungan, nambabara ka pa." Ani nito saka ngumuso. Nanindig ang balahibo ko.
"Wag ka ngang mag-pout. Mukha kang inaping susú." Nakangiwing saad ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Namoka!" Inis na saad nito.
Napahawak ako sa puson ko. Tangna. Pano ba to mapapahupa?
"Bwisit talagang babae iyon. Dami-daming pwedeng hawakan sa nanahimik ko pa talagang alaga." Inis na bulong ko sa sarili ko. Naglalakad kami papuntang arcade ngayon. Ito ang karaniwang ginagawa namin pag nagcucutting. Kain, laro, uwi.
"Mawawala rin yan. Tamang basket lang sa Arcade, pasasaan ba't makakatulog uli yan." Sambit ni Martius habang naglalakad kami. Kumpara kay Ezrael, mas matino itong si Martius. Kaya kadalasan siya ang kausap ko. Wala kasing kwenta kausap si Ezrael. Puro kalandian lang ang alam.
"Hays. Sana nga." Labas sa ilong na saad ko.
"Paniwala ka naman kay Martius. Kung ako sayo, naglalakad na ako sa banyo at ipinapalabas ang dapat ipalabas. Di ka mag-eenjoy sa arcade kapag may ganyan ka, sinasabi ko sayo." Biglang sambit ni Ezrael. Nang mabalingan ko ito ng tingin ay nakita kong pailing-iling pa ito.
"Ang mga rekomendasyon mo talaga, mga walang kwenta." Gigil na saad ko sa kanya. Tha fuck? Sa loob ng labin-walong taong nabubuhay ako sa mundo ay di ko nagawa ni isang beses ang gawin 'iyon' sa pampublikong lugar. May hiya pa ako para gawin iyon.
"Aba. Ayaw mong makinig, wag mo. Baka nakakalimutan mo, sa ating tatlo ako ang pinaka-expert sa 'ugh-ugh-ugh'." Saad nito na nagpangiwi sa mukha namin ni Martius.
"Tangna mo talaga. Puro kahayupan ang lumalabas sa bibig mo." Inis na saad ni Martius. Pangisi-ngsisi lang si Ezrael na tila ba isang puri iyon sa pandinig niya.
"Nang nagsaboy ng kalib*gan sa mundo, sinalo mo ata lahat." Pailing iling ng saad ko. Nanlaki ang mata niya na tila may narinig siyang ikinagulat niya.
"Luh, hindi ah." Maang na saad nito.
"Imposible ring tulog ka nang nagsaboy non." Gatong ni Martius.
"Di din." Ang maang niyang mukha ay napalitan nanaman ng ngisi.
"Ako kase yung nagsasaboy. Hahaha." Tapos tumawa ng malakas. Nakatanggap siya ng sapok kay Martius.
----
Since walang kwenta ang naging rekomendasyon ni Ezrael ay kinimkim ko nalang itong nararamdaman ko. Natuloy kami sa Arcade. At gaya nga ng sinabi ni Ezrael, talagang di ko nag-eenjoy sa arcade. Nag try ako maglaro ng basketball at ibinaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay pero tangna, talagang nananaig ang pananakit ng puson ko."Didn't I told yah?" Bungad sa akin ni Ezrael pagkatapos niyang maglaro ng basketball.
Nakaupo ako ngayon sa gilid at tagaktak ang pawis ko. Shet, gusto ko ng umuwi.
Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Alam mo kasi, napagdaan ko rin iyan. Binitin kasi ako ng naka 'do' ko dito sa mall that day." Saad nito na tila isang importanteng bagay ang nais niyang ipabatid sakin.Di makapaniwalang napatitig ako sa kanya.
"Namoka talaga. Pati mall di mo pinaligtas." Asar na saad ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. Gago talaga."Aba, siya yung nagyaya eh. Di naman ako tumatanggi sa grasya." Patango tango pang saad nito sakin.
"So anong balak mo ngayon?" Saad ni Martius. Sa sobrang pagdaramdam ko ngayon ay di ko namalayang nandito na pala ito. Magkasama silang nagbabasket ng Ezrael kanina.
"Uwi na ako." Garagal na ang boses ko.
"Hatid ka na namin." Alok ni Martius.
"Wag na, malaki na yan." Sinamaan ko ng tingin si Ezrael. Bwisit talaga.
Papatayo na ako at pumihit ng tingin sa exit ng arcade ng makita kong papasok rin nang arcade ang grupo ng babaeng nanghipo sa akin kanina. Ewan ko kung mahihiya ako o magagalit nang makita ko ang babaeng maamo pero manyak. Iginala niya ang paningin niya at nang madapo ang paningin niya sa akin ay bahagya siyang nabigla, ngunit kalaunan ay humulma nanaman ang ngisi sa kanyang manipis at mapupulang labi.
"Ooohhh. Nandito pala sila." Saad ni Ezrael.
"Alis na ako." Ani ko saka nagsimula nang maglakad.
Wala akong pake kung makakasalubong ko sila. Kailangan kong makauwi ngayon kasi parang di ko na ata kakayanin.
Akala ko ay ligtas akong makakalampas sa kanila, pero akala ko lang pala iyon. Nagsalubong pa ang tingin namin ng babaeng iyon bago ko siya lampasan. Pero tamang tamang paglampas ko ay nanindig uli ang balahibo ko at napako sa kinatatayuan ko ng may maramdaman akong pisil sa pang-upo ko. Shet na malagkit.
"Hmmmn. Antambok." Rinig kong sabi nito. Agad na umakyat ang dugo sa mukha ko nang marinig ko iyon. Tangna. Mabuti na lang at walang nakakita.
Wala sa sariling napalingon ako sa kanya.
Nakita ko ang maamo niyang mukhang nakatitig sa akin, walang ngisi. Iyong titig na parang inosente at parang walang ginawang masama.
Lumapit ako sa kanya. Napatingala siya sa akin. Tagaktak ang pawis ko at masama ang pakiramdam ko dahil sa kagagawan ng babaeng to.
Bahagya akong yumukod sa gilid ng tenga niya.
"Sabihin mo lang kung natatakam ka sa akin, pagbibigyan kita." My voice went hoarse.
Nang umangat ako ng tingin ay nakita kong bahagyang nanlaki mang mata niya, pero agad din itong nawala at napalitan ng ngisi.
"Sorry..."panimula niya
"Hanggang hipo ang ako." Saka ako kinindatan. Umalis siya kasama ang kasama niyang mga babae pagkatapos. Naiwan akong natigagal.
WHAT THE ACTUAL FUCK?!
BINABASA MO ANG
Quiet Serenade Amongst Wildflowers
RomanceHikariel Deus Buenaventura hates socializing. He never bothers himself doing things that doesn't render him a benefit. Socializing to him is just a pain in ass. He prefer to be alone and read books or be with his bestfriends just to ignore them late...