Three

2.2K 67 1
                                    

Hikariel Deus

NGISI niya ang unang sumalubong sa akin pagkarating niya sa harapan ko. Ewan ko pero sa halip na mahumaling ako sa maamo niyang mukha, makita ko lamang siya ay naninindig na ang balahibo ko sa katawan.

Tiningala ko siya nang tumigil siya sa harapan ko. Tangna. Wag mong sabihing may binabalak na itong masama ngayon sa akin?

"Anong tinitingin tingin mo?" Busangot na untag ko sa kanya. Nakita kong mas lalong lumapad ang ngisi niya. Nang-aasar ba tong babaeng to? Baka nakakalimutan niyang may kasalanan pa siya sa akin. Pasalamat siya at babae siya-- aish, at maganda, kun'di ay baka nabigwasan ko na siya.

"Ang gwapo mo kasi magalit, hihi." Bungisngis na saad nito na siyang nagpasalubong ng kilay ko.

Let me describe her, siya iyong tipo ng babaeng, maamo, inosente tingnan, pero manyak. Pero ang talagang umaangat sa mga traits niya, ayon sa nakikita ko, isa siyang babaeng kulang sa aruga. To be specific, napakachildish niya. Her acts, the way she speak

"Di ka siguro mahal ng mama mo." Pabalang na untag ko sa kanya. Dumeretso siya sa upuan niya na sa kamalas malasan ay sa tabi ko. Pagkaupo niya ay nakapangumbaba siyang tumitig sa akin.

"Di ako lalaking ganito kaganda kung di ako mahal ng mama ko." Ganting untag niya sa akin. Nginisihan ko siya.

"Bakit lumaki ka ba?" Nang-aasar na saad ko sa kanya. I forgot to tell you na dumagdag na kainsentehan at kaamohan ng mukha niya ang height niya. Di naman siya pandak pero iyong angkop lang sa physical traits niya. Siguro nasa 5'5 o 5'4.

Nakita kong namula ang tungki ng ilong niya. Marahil ay na-asar siya sa sinabi ko.

Ewan ko pero parang nag-init ang katawan ko ng makita ko ang unting unting pagkalat ng pamumula niya hanngang sa tuktuk ng tainga niya. Shet na malagkit. Bakit kasi ang cute ng babaeng manyak na to?

Wait? Don't tell me natuturn on ako sa kakyutan ng babaeng to? No way?! Manyak siya. She's a perv. At di ako iyong tipo ng lalaki na naaattract sa mga babaeng katulad niya.

Nakita kong lumobo ang pisngi niya. Napakuyom ako ng kamao kasi baka hindi ako pakapagpigil at mapisil ko ang pingsi niya.

"Hmmmp. Higante ka kasi." Ang childish niya. Childish na manyak.

"Kasalanan ko bang pandak ka?" Pang-aasar ko sa kanya. Nakita kong mas lalong umigting ang pamumula ng mukha niya.

Kahit ito lang. Kahit ito lang nag maiganti ko sa kanya sa pagmomolestya niya sa akin.

"Sige mang-asar ka pa. Sasakit na naman ang puson mo sa akin mamaya." Namutla ako sa sinabi niya.

Nawala ang pagkachildish sa boses niya at napalitan ito ng pagkaseryoso. 

Tinitigan ko siya ng di makapaniwala. Tangna. Alam niya kayang siya ang dahilan ng pananakit ng puson ko kahapon sa mall? Base kasi sa sinabi niya, parang alam niyang halos magdeliryo na ako kahapon sa mall sa sama ng pakiramdam ko.

Nagtitigan kami. Nilalabanan ko ang titig niya. Kahit pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa mukha ay di ako nagpatinag. Ayokong maunder ako ng babaeng to.

"Nang nagpaulan nang kamanyakan sa mundo, nasisid ka ata." Una akong kumalas sa titigan namin. Pakiramdam ko kasi napapaso ang mata ko.

Nakita kong humulma nanaman ang ngisi niyang kinaiisan ko.

"Well..." Ani nito at nag chin up pa na tila isang compliment ang narinig niya.

Cute siya, oo. Pero di ko ata kaya ang kamanyakan ng babaeng ito.

Bumaling ako ng tingin kay Ezrael na nakaubob at mahimbing ang tulog. Mabuti na lang at wala ang guro namin dahil saglit itong lumabas para asikasuhin ang mga papeles sa paglipat ng manyak sa gilid ko.

Quiet Serenade Amongst Wildflowers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon