Hikariel Deus
"UMBOK ng harapan natin ah?"
Pinukulan ko ng pagkatalim-talim na titig si Ezrael na nakangisi nang pang-asar sa'kin. Gusto kong umuwi at ilabas itong alab na nararamdaman ko pero hindi pwede. Nag-cutting na kami kahapon at kung pati ngayon ay aabsent ko, maaapektuhan na ang grado ko. Binibigyan importansya ko ang pag-aaral. Ayaw kong maging pariwara kagaya ng lalaking katabi ko ngayon na puro kalandian lang ang alam.
Kakatapos ng lang klase namin. Di ako makapagconentrate sa boung durasyon ng klase kasi panay ang pag-alab ng puson ko. Nag-iinit ito. Galit na galit rin at nagwawala ang alaga ko. Lintek kasi. Sino ba naman ang hindi magagalit kung payapa kang natutulog tapos may isang talipandas na manyak ang gumising sayo?
Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Magtatanghalian na rin naman kaya doon na lang naming naisipang magtungo.
Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami. Ganito lagi ang scenario namin. Hindi sa pagmamayabang pero talagang agaw attensyon kaming tatlo, lalo na kung magkakasama kami.
"Ang gwapo talaga ni Martius." Rinig kong bulong ng isa sa mga babaeng nakasalubong namin
"Ang hot ni Hikari. Just look how he walks, ang tikas." Rinig kong sabi nang isa sa kanila. Napabuga ako ng hangin. Sanay na kami sa mga bulungan na ganyan. Di namin sila masisisi kasi tatlong naggagandahang lalaki ang nakakasalubong nila.
"Ezrael, Anakan mo ako, kyaaaa!!"
Napangiwi ako ng may marinig akong tili ng kung sino mang babaeng iyon. Nanggaling ito sa bandang likuran namin. Nakita kong lumawak ang kanina pang ngisi ni Ezrael. Pumihit siya patalikod at nagpatuloy sa paglalakad nang paatras.
"Sorry babe. Mahal sperm cell ko eh." Anito na nagpagpangiwi sa mukha namin ni Martius. Wala nang papantay sa kalandian ng lalaking ito. Pumaharap na siya sa amin. Laki ng ngisi ng gago.
"Di ka ba nahihiya sa mga pinagsasabi mo?" Singhal sa kanya ni Martius na salubong ang kilay sa kanya. Kahit ako ay di ko maiwasang maasiwa sa kalandian ng kaibigan naming ito.
"Aba, bakit naman ako mahihiya? Gandang lalaki ko kaya. May value ang mga little soldiers ko. Kaya kung gusto nilang magkaanak ng gwapo o maganda mula sa akin, magbayad sila. Hahaha." Anito saka tumawa ng malakas. Abnormal talaga.
"Pinagkakitaan mo pa talaga iyang kalandian mong namoka." Gigil na saad Martius.
Pilit kong iniinda ang pag-iinit ng pantog ko pababa sa puson ko. Kahit subukan kong ibaling ang attensyon ko sa kaharutan ni Ezrael o sa kahit anong bagay, talagang nananaig ang sama ng pakiramdam ko.
Bago kami makarating sa cafeteria ang may narinig akong di kaaya-aya.
"Shet ang umbok ng harapan ni Hikari."
"Hala, anlaki!"
"Katakam naman."
Pakiramdam ko umagos ang dugo paakyat sa mukha ko. Tang-ina. Wala sa sariling ibinaba ko ang tingin ko at gayon na lang ang pagsiklab ng dugo sa mukha ko ng mapagtantong napakaumbok pala nito. Fuck! Nakakahiya!
Pasimple kong hinatak pababa ang laylayan ng uniporme ko para kahit papaano ay matabunan ang pag-wawala ng alaga ko. Pero tangna. Fitted pala ang uniform ko. Sakto lang ito sa hubog ng katawan ko at sa sobrang fit ay halos bumakat na ang may kalapadan kong dibdib.
"Hahahaha." Humagalpak ng tawa si Ezrael, marahil ay narinig niya rin ang mga bulungan.
"Shet dre, ang daming pumupuri sa alaga mo hahaha." Halos maiyak ito sa katatawa. Gusto ko man siyang gulpihin ay di ko magawa. Nanaig kasi ang hiya sa katawan ko. Fuck talaga.
"Namoka! Sayo kaya mangyari ang ganito?" Asar na saad ko sa kanya. Saglit siyang napatigil sa pagtawa at inakbayan ako.
"Kung sakali mang mangyari sa akin yan, di ako mahihiya. Aba, bibihira lang sa ating mga Pilipino ang magkaroon ng natural na 7 inch. Ikaw, ako," saglit siyang tumigil at pumaling ng tingin kay Martius.
"Ewan ko lang si Martius." Ngising saad nito. Bwisit na tinabig ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin."Ul*l. Syete rin ako." Nagitla ako sa naging tugon ni Martius. Napalingon ako sa kanya at tinitigan siya ng di makapaniwala. Kailan pa siya pumatol sa kadumihan ng bibig nitong si Ezrael?
"Tangna, nang-iinsulto eh." Saad nito sa akin na tila ba nagpapaliwanag.
Ngising-ngisi naman siy Ezrael."Sabi mo eh. Bale, patas tayong syete dito. Pero mas angat ako, haha--aray tang-ina." Binatukan ko ang tuktok ng bungo niya.
"Ang bibig mo talaga, Ezrael Fransisco Villarama, puro kahayupan." Banas na saad ko sa kanya. Sinapo naman niya ang ulo niya saka hnimas-himas iyon.
"Tang-ina Hikari, nakakadalawa ka na ah." Asar na saad nito sa akin. Tinitigan ko siya ng masama.
"Nang matauhan ka." Nauna na akong maglakad sa kanila. Ayaw kong ibalandra ang pagwawala ng gitna ko. Maliban sa nakakahiya ay hindi ako sanay na may ganito ako.
"Kasalanan ito ng babaeng iyon eh." Mariin kong bulong sa sarili ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. Im so damn frustrated. Gusto ko siyang gantihan pero papano? Hihipuan ko rin siya? Di pwede, diretso ako sa kulungan pagnagkataon. Pero bakit siya? Di ko ba siya pwedeng kasuhan? Sexual harassment o sexual abuse?
Kainis. Bakit kasi ang unfair ng mundo.
-------KAKATAPOS lang naming kumain nang tanghalian. Paika ika akong maglakad kasi pakiramdam ko na-ulos ang gitna ko sa pantalon ko. Sadyang nanunuot pa rin ang mainit na sensasyon sa puson ko at kahit anong gawin kong ayuda ay di ito mawala-wala.
"Ako ang nahihirapan sa iyo, dre." Pailing-iling pa na saad ni Ezrael na obvious pa sa sikat nang araw na inaasar ako.
"Namo."
Napatingin ako sa wrist watch ko. May isang oras pa bago magsimula ang clase.
"Mga dre, uwi muna ako. Di ko na talaga kaya eh." Halos pumiyok na ang boses ko sa pagdaramdam. Sabay na napabaling ng tingin sa'kin sina Ezrael at Martius.
"Umabsent ka na lang." Pangdedemonyo sa akin ni Ezrael.
"Ikaw bahala. Basta bumalik ka." Ani ni Martius. Tumango lang ako saka dali-daling nagtungo pag parking lot para kunin ang kotse ko.
Halos paliparin ko na ang kotse para lang makarating agad sa bahay. Nang makarating ako ng buhay ay halos talunin ko na ang kotse ko pababa.
Pagbukas ko ng pinto ay agad na nanindig ang balahibo ko at napako sa kinatatayuan ko. Napatigagal ako sa bulto ng isang babae na nakatalikod sa akin, kausap niya si Mommy. Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko may isang malaking pagbabago ang magaganap sa buhay ko ngayon araw.
"Oh, Hikari. Andito ka na pala." Dungaw sa akin ni Mom.
Pumihit nang tingin ang babaeng kausap ang ina ko at gayon na lang pagsikdo ng puso ko nang makilala ko kung sino ito.
"What the actual fuck is this? A-anong ginagawa ng babaeng iyan dito?" Halos mangkandangutal ako sa sobrang pagkabigla habang nanlalaki ang matang nakatitig ako sa kanya. Ngumisi ito.
"Nagkakilala na ba kayo?" Takang tanong ni Mom sa akin. Siguro alam niyang wala ako sa huwisyo para sagutin ang tanong ni Mom kaya siya na ang sumagot para sa akin.
"Opo tita. Actually kahapon pa." Saad nito saka ako binalingan ng tingin. What the hell is happening?
"That's good." Bakas sa mukha ni Mom ang saya.
"Let's make some formality in here even though you already know each other." Panimula ni Mom. Tss.
"So, Venielle, Meet Hikariel Deus Buenaventura, my son." Ani ni Mom.
Nginisihan ako nito.
"Hikari, meet Venielle Oxygen Villamor," saglit na lumatay ang kakaibang ngiti sa labi ni Mom. Naniksik ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Para kasing may kasunod ang sasabihin niya.
"Your soon-to-be-wife."
BINABASA MO ANG
Quiet Serenade Amongst Wildflowers
Любовные романыHikariel Deus Buenaventura hates socializing. He never bothers himself doing things that doesn't render him a benefit. Socializing to him is just a pain in ass. He prefer to be alone and read books or be with his bestfriends just to ignore them late...