Hikariel
SALUBONG ang kilay ko pagkarating at pagka-apak ko sa bukana ng bahay. May pinagkakaabalahan ang nga maids at 'di sila magkandang-mayaw sa mga gawain. Ang iba nga'y nagkakanda-tipalok na sa pagmamadali. Anong okasyon?
Nagkibit-balikat lang ako at nagtungo sa kwarto. Pasalampak akong humiga sa kama at naglabas ng malalim na buntong-hininga.
Ang bilis nang pangyayari. Ikakasal na ako. Naghahalo ang emosyon sa dibdib ko. Sa sobrang mixed-up ay di ko na matukoy kung ano-ano ito. Kaba? Saya? Lungkot?
Pumasok sa isip ko si Oxygen. Ang babaeng perv na iyon. Ni di man lang sumagi sa isip ko na siya, sa dinami-dami ng babae sa mundo ang mapapangasawa ko. Siguro kung may pagkachickboy, playboy o kung ano mang tawag sa lalaking malandi, kagaya ni Ezrael, ay siguro namumutawi na ang kasiyahan sa kaloob-looban ko. Syempre, sino ba naman ang di matutuwa kung playboy ka, tapos matatali ka sa perv? Pereho kayong mahahalay ang pag-iisip.
Nawala ako sa pagmumuni-muni ng biglang bumukas ang pinto.
"Son?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang malamyos na tinig na iyon.
"Mom?" Lumaki ang awang ng pinto kasabay nang pagpasok ni Mom sa silid ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama. Isinandal ko ang makabilang palad ko sa aking tuhod.
Nangunot ang noo ko nang mapansin ang ayos ni mom. Napakapormal nang ayos nito. Mas lalong humulma ang sopistikada niyang postura. She's wearing a red slit dress with her almost knife-edge stilletos.
"Bakit di ka pa nag-aayos?" Salubong ang kilay nitong nakatitig sa akin.
Inalala ko ang mga pangyayari ngayong araw at nang mapagtantong kong may family dinner pala kaming ngayong gabi ay napa'ah' ako.
"Kailangan pa ba Mom?" Mahina at malamyos na saad ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Of course, son. We need to look presentable in front of your in-laws." Nakahalukipkip na saad nito sa akin. I heave a sigh before I get out of my bed.
"Give me a minute." Halos isudsod ko na ang paa ko sa bawat hakbang na ginawa ko. I hate formal family events. Iyong tipong halos hindi ka na makahinga sa sobrang seryoso at tahimik ng atmosphere. Idagdag mo pa ang mga kasuotang required para sa mga ganitong pagtitipon.
"You have your new tux in your walk-in wardrobe. Iyong nakalagay sa metallic na suitcase." Ani ni Mom.
"Got it, Mom." Labas sa ilong na saad ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto marahil ay lumabas na si Mom.
"Make sure to go down within thirty minutes." Pahabol pa na saad nito kasabay nang pasara niya ng pinto.
Nagtungo muna ako sa banyo saka inayos ang sarili ko. I took a shower and wore my bathrobe afterwards. Agad kong nakita ang metallic na suitcase na sinabi ni Mom pakapasok na pagkapasok ko wardrobe. Natungo ako kinaroroonan nito at pinasahadan ng tingin. Tangna. Magkano nanaman kaya ito?
Kalimitang pinagkakagastusan ng pamilya namin ang mga ganitong uri ng okasyon. Basta may kinalaman sa negosyo ang patitipon ay willing gumasto ng milyon-milyon ang pamilya namin kasi mayroon silang kasabihan na, 'don't hesitate to use millions for the sake of business.'
Kahit ganito ang kinamulatan kong pamilya at buhay, mas pinili kong maging simpleng tao. Tamang kain sa fast food chains, gala sa mall, magliwaliw sa arcades. Iyong kalimitang ginagawa ng ordinaryong tao.
Yumukod ako at kinuha ang suitcase. Ibinababa ko ang zipper nito at agad na bumungad sa akin ang maliit na kulay itim na pouch sa loob. Tangna, pakiramdam ko daang libo 'to. Ang price tag kasi nang mga mamahaling tux, lalo na pag custumized ay nilalagay nila sa pouch for sophistication. Kinuha ko iyon at binuksan.
BINABASA MO ANG
Quiet Serenade Amongst Wildflowers
Roman d'amourHikariel Deus Buenaventura hates socializing. He never bothers himself doing things that doesn't render him a benefit. Socializing to him is just a pain in ass. He prefer to be alone and read books or be with his bestfriends just to ignore them late...