Chapter 3: Positive

18.5K 463 10
                                    

Elizza

    “Good evening, ma'am Elizza!”

    Ngumiti ako sa mga guard ng Bar nang batiin nila ako. Bumati na lang ako pabalik bago pumasok nang tuluyan sa loob. Marami na agad ang customers na umiinom na ikinangiti ko na lang.

    Malakas pa rin ang kita ng Bar na ito. Sa ngayon, ako ang nagma-manage rito dahil nag-out of town ang may-ari para sa isang business proposal.

    Natigilan ako nang naalala kong dito nagsimula ang lahat. Sigurado akong may mali sa nainom kong alak dahil wala akong naalala sa nangyari noong gabing ’yon.

    Siguro'y may balak sa akin ang mga kasama naming lalaki noon sa birthday ni Sasha? Dapat pala sumabay na lang ako kay Azzile paalis.

    Kasalanan ko rin ’to, ang tigas kasi ng ulo ko.

    Pero dapat ko nang kalimutan ang mga ’yon. Dapat naming kalimutan at manatiling tahimik, ayokong masira ang relasyon nila kaya itatago ko hangga’t kaya ko.

    It has been two months since that night happened and next month will be their wedding. Hindi na kami close ni Waves. Hindi na kami masyadong nag-uusap kapag nasa bahay siya, ako na ang umiiwas.

    “Ma’am, may problema po ba?”

    Napakurap ako at napalingon sa isang bantay na lumapit sa akin. Napatingin ako sa paligid at nakatayo pa rin pala ako malapit sa entrance.

    Pilit akong ngumiti at tumango. “O-Oo, sige— shit!”

    “Ma’am, ma'am!”

    Bigla akong natumba dahil sa hilo pero buti na lang nasalo ako ng bantay. Napahawak ako sa ulo ko at hindi agad nakatayo nang maayos.

    “Ayos lang po ba kayo?”

    Mabilis akong umiling. Sumama bigla ang pakiramdam ko. Pinilit ko na lang tumayo nang maayos at dumilat.

    “Shit...” bulong ko nang mas lalo akong nahilo sa disco lights ng Bar. “Uuwi na ako. Masama ang pakiramdam ko. Siguraduhin n'yong maayos ang pagbabantay n’yo rito, ha?” paalam ko na ikinatango nila.

    Inalalayan niya akong makalabas ng Bar at dinala sa puwesto ng sasakyan ko. “Kaya mo po bang mag-drive, ma'am?”

    Tumango na lang ako at nagpasalamat. Sumandal muna ako at huminga nang malalim para pakiramdaman ang sarili ko.

    Masakit pa rin ang ulo ko pero pinilit kong mag-drive. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko nito para hindi ako maaksidente, nahihilo pa naman ako.

    Malapit na ako sa Village namin nang naramdaman ko ang pag-ikot ng sikmura ko. Mabilis kong inihinto ang sasakyan sa gilid at bumaba ng kotse.

    Halos patakbo akong lumapit sa kanal at doon sumuka nang sumuka. Hanggang sa wala na akong mailabas pero nasusuka pa rin ang pakiramdam ko.

    Ramdam ko agad ang panghihina dahil doon. Pagkarating sa bahay ay agad akong nagpahinga sa kuwarto, hilong hilo na ako at parang nasusuka na naman.

    Ang malas naman, ngayon pa yata ako magkakasakit kung kailan wala ang boss namin sa Bar. Baka pagalitan pa ako niyon kapag nalaman niyang wala ako ro'n para i-manage ang Bar niya.

    “Elizza? Nandiyan ka ba?”

    Napatingin ako sa pinto matapos kumatok ni Mama at pumasok. Kumunot ang noo niya nang nakita ako pero agad din siyang lumapit.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon