chapter 4

29 2 0
                                    


Chapter4

Amilia's POV

"Arrgggg"pabulong kong sabi sa sarili

Nakakaboring talaga, nakakainis!. Andito kami ngayon sa classroom habang nagdidiscuss ang teacher sa harapan, eh lahat ng teacher dito yung mga tinuturo nila eh alam  na alam na namin. Bago pa man kami makapasok dito sa DU eh tuwing summer nag aadvance kami ng mga lessons na pwedeng ituro pagnagcollage na kami. Ginagawa lang, namain yun pagwala kaming gimik na magkakaibigan

"Ammy,ayos ka lang ba? "Tanong sa akin ni jiro na katabi ko lang. Tinanguan ko na lang sya at ngumiti

Andami ko talagang iniisip ngayon eh. Sobrang sakit na ng ulo ko gusto ko ngang magmall eh kaso lang bawal lumabas ng main gate, eh? Kung mag over de bakod kami? Ayy bad ammy, hindi ata pwede kasi bago palang kami dito baka mahalata kami ng mga estudyante dito. Sobrang taas kaya ng mga bakod dito sa University lagpas pa sa mga puno.

Hays. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko kay jeremmy dun sa  tanong nya na

Be my Queen

Tama ba na umoo ako sa sagot nya? Pagumoo ako eh baka may malaman ako tungkol dito sa DU,pero pag umoo ako baka magtampo ang mga kaibigan ko sa akin, Ano ba talaga gagawin ko? Hindi pa naman alam ng mga kaibigan ko tungkol dito! Nakakainis talaga! Baka mabaliw na ako kakaisip dito tapos isa pa yung c Tommy na yun, bakit kaya ganun yun? Mukha syang gag* tapos isa pa yung c Mr.  Smiley tapos si madam beth tapos yung lalaking nakita ko nung isang gabi.

Maloloka na talaga ako.

"Class dismiss"

Sa wakas naman at tapos na din, sumakit yung pwetan ko

"Guys canteen tayo"pagaya ni Ella

Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad papunta ng canteen

"Ammy!"pagtawag sa pangalan ko ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman yung mga kasama ko

Tiningnan ko sya ng masama dahil sa pagtawag niya sa akin sa palayaw ko. Ayaw na ayaw kong may tumatawag sa palayaw ko kapag hindi ko ito pinahintulutan at hindi ko close

"What? "Sabi ko sa kanya na kalmado at wala kong emosyong tingin.

"Umm... a-ano... Pwede ba tayong mag-usap? "Tanong niya na parang natatakot

Hahaha natakot sa akin ang unggok.

"At bakit naman? "Tanong ni Cion habang nakataas ang isang kilay

Tiningnan lang ni Jeremmy si Cion pero muli rin nitong ibinalik sa akin ang tingin. Siguro kaya gusto nitong makipagusap tungkol sa dun queen na yun

Sinenyasan ko silang mauna na sila sa canteen

"Hindi ammy! Sasama ako sa inyo! Baka kung anong gawin sayo ng lalaking ito"pagpupumilit ni josh sabay tingin ng masama kay jeremmy

"Ako na bahala dito Josh kaya ko sarili ko"nginitian ko sya

"Sigurado ka? "Mayhalong pagaalala nya.

"Oo naman"sabi ko sa kanya na may halong pagmamayabang

"Hayaan na lang muna natin sila pare"pagsangayon sa akin ni Pj

"Tayo na! Nagugutom na ako! Magingat ka dyan ammy kay jeremmy! At ikaw naman jeremmy magingat ka rin sa kaibigan namin kung gusto mo pang mabuhay"pagbanta ni ella kay jeremmy. Kaya agad ko naman siyang tinignan ng masama, baka mahalata kami neto!

Umalis na sila sa harapan namin ni jeremmy.

"Tell me, what is it? "Derekta kong tanong sa kanya

DEATH UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon