Chapter 5
Jeremmy's POV
Grabe talaga ang ka-angasan ng babaeng yun mukha syang lalaki kung mag angas eh. Biruin nyo yun kaya nya akong sigawan ng ganun ganun lang samantalang dapat ako ang sumisigaw dahil ako ang king ng DU.
Tsk.Nakakabilib talaga sya.
Ring ring ring.
Tinignan ko ang cellphone ko na nagriring at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hello"
"Jeremmy ano na ang balita sa kanya? "Tanong ni ate A. Sa kabilang linya.
"Ayun,masyado syang mainitin ang ulo kaya hindi ko makausap ng maayos"
"Paano kasi sya napunta dito sa DU baka mapahamak lang sya"bulalas ni ate A. Sa kabilang linya.
"Dont worry ate A. ako na ang bahala sa kanya"paninigurado ko sa kanya.
"Just make it sure jeremmy na hindi sya o sila mapapahamak. Promise me jeremmy that you will protect her and keep their secrets"sabi naman ni ate A.
Yun naman talaga ang gagawin ko eh ang protektahan sya habang nagpapalakas pa si ate A. At patuloy paring poprotektahan kahit andyan na si ate A.
"Yes, ate I'll promise"paninigurado ko kay ate A.
"Bye ate A. "
"Okay, bye"
Umalis na ako sa opisina ko para hanapin sya sisiguraduhin kong walang makakapanakit sakanya na kahit na sino man.
Cionamae's POV
Andito kami ngayon sa classroom at hinihintay ang subject teacher namin.katabi ko ngayon si ella habang nangangalikot ng cellphone nya.
"Ano bayan ba't walang signal kahit saan man dito sa University"bulalas nya. Nakakapagtaka nga talaga na walang signal dito sa University hindi nga ako makatawag kanila mommy eh, para mangamusta. Hindi rin ako nakakapag Fb, Ig o twitter eh, in short walang signal ang data wala ring paloadan dito. Napaka weird talaga ng school na to.
"Alam mo ayos lang yan ella kung gusto mo laro tayo ng apir- dis-apir"suhestyon ni Pj na agad namang napatango si ella. Naglaro na nga silang dalawa. Tsk. Parang mga bata.
"Psst. Ammy! "Kalabit ko kay ammy na nasa unahan ko.
"Hmmm? "
"Ano kasi eh..... A.. ano"kinakabahan ako shit! Tama ba na sabihin ko sa kanya yung nakita ko. Baka pagsinabi ko sa kanya baka masaktan lang sya at maguluhan pa.
"Ano? May sasabihin ka ba? Bat parang namumutla ka? At saka bat ka pinagpapawisan ka"tuloy tuloy nyang tanong sa akin na may halong pag-aalala.
"A.... ano"nauutal kong sabi kaya napakunot na sya.
"Ano? "Iritang tanong nya.
"A..... Ano"kinakabahan talaga ako baka kasi kamukha lang ni-. Aishh! Sabihin ko na nga "nakita ko kasi s-
"Good morning class"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dumating na ang prof. Kaya tumingin na ako sa unahan. Siguro isa ito sa sign na guni-guni ko lang yung nakita ko. Pero magkamukhang magkamukha talaga sila eh.
Flashback
Nandito kami sa canteen. Nagutom kasi ang boys kaya nagyaya sila dito.

BINABASA MO ANG
DEATH UNIVERSITY
RandomMeron isang babaeng tatahakin ang mundo ni kamatayan.Isang babaeng naghahanap ng hustisya sa kanyang ate.Gagawin nya ang lahat para sa taong mga mahal nya at may ipinangako sya ng pumasok sila sa mundo ni kamatayan ang pangakong iyon ay hindi na nya...