The Last Chapter

3.6K 41 3
                                    

Jazrille's POV

Sobrang bothered ako dun sa narinig ko kay Cheska. Umalis ako at pumunta sa kitchen then uminom ng tubig. Mabait si Cheska. Siguro nagiisip lang ako ng iba. Baka hindi para saamin yun.

Bumalik na ako sa kwarto namin tapos nahiga na ako. May isang linggo na lang kami ni Ivan. Naiisip ko na lang na hihiwalayan ko sya, nasasaktan na ako. Pero kailangan kong gawin ito. Para sa ikakatahimik ng lahat.

Kinabukasan..

Sabay sabay kaming pumasok ng school. All eyes were on us. First time ba nilang nakakita ng ganitong eksena? Naghiwa-hiwalay na kami since iba iba ang schedule namin. Kasabay ko si Ivan dahil ihahatid nya daw ako. Forever sweet Ivan. :">

After nya akong ihatid, umalis na sya dahil papasok daw sya dun sa first subject nya. Nagiisip naman ako kung paano kami makakabonding. Habang nagiisip ako, dumating na yung prof ko para sa Business Math. Eto talaga ang pinakaayaw kong subject eh. Natatanga ako dito. Buti na lang hindi ako tinatawag nito.

Walang kumakausap sakin dahil dun sa inannounce ni Ivan nung nakaraang linggo. Ang loner ko tuloy. Natapos ang Math subject namin kaya naman lumabas ako ng room dahil lilipat ako ng ibang room. After nito, vacant na.

Classmate ko si Rae sa subject na ito kaya naman masaya ako kasi may makakausap na din ako sa wakas. Ang boring kaya kapag ikaw lang magisa.

Nakita ko naman si Rae na kasama si Daryl. Ang saya nila tingnan at mukhang walang problema. Buti pa sila. Hindi nila kailangang dumaan sa problema ko ngayon.

Nakita na ako ni Rae kaya naman pumasok na kami sa loob ng room. Medyo maingay at magulo dahil wala pang prof. Nagbabasa basa lang muna ako ng book dahil wala akong magawa.

Ilang sandali, biglang nagsalita si Rae.

"Rain." Ang lungkot ng boses nya at halata mo na maiiyak na sya. Kinabahan ako bigla.

"Oh, bakit?" I kept my cool. Ayokong sabayan ang iyak nya dahil alam kong maiiyak din ako.

"Kailangan nang bumalik ni Sab sa Paris. Kailangan sya nila Tito dahil hindi na nya kaya ihandle yung company. Malakas daw yung kalaban ngayon." nanghina ako sa sinabi ni Rae. Nagsisimula na bang gumalaw si Don Gabriel?

"Kailan daw ang alis?" Pinipigilan kong maiyak sa harap ni Rae.

"Ngayong lunch." Sobrang bigat ng loob ko kaya naman lumabas ako ng room. Hindi ako makahinga. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na silang tumulo. Bakit pati pamilya ni Sab? Malakas ang pamilya nila Sab pero mukhang mas malakas ang kapit ng Lolo ni Ivan.

Akala ko ba may usapan kami? Bakit ganito?

"Rain." I hugged her at sabay kaming umiiyak dito sa labas ng room. Buti na lang walang mga students.

"Everything will be fine. Puntahan na natin si Sab." Umalis kami dun at hindi na pinasukan yung class. Pumunta kami sa tambayan at hindi kami nagkamali, nandun sya kasama si Mico. Hindi pa kami nakakapasok, rinig na namin si Mico.

"Bakit?! Bakit kailangan mong umalis?!" Halata sa boses nya ang inis at galit pero anytime, iiyak na sya. Naiiyak ako sa mga naririnig ko. Hindi dapat to nangyayari sa kanilang dalawa.

"Kailangan ako ng mga magulang ko. Hindi ko kailangan pang ipaliwanag ang iba pa sayo." malamig na sabi ni Sab. Bumalik na naman sya sa ugali nya. Noong mga nakaraang linggo, medyo ngumingiti na sya pero ngayon, balik sa dati na naman.

"Sab naman. Alam mo yung nararamdaman ko para sayo pero bakit parang ang dali dali lang sayong iwan ako?" Umiiyak na si Mico sa harap ni Sab pero wala pa ding emotion yung isa.

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon