isipin mo.
ikaw at ang sinta mo,
sinusubaybayan ang pagkislap ng
mga bituin nang hatinggabi
at biglang tumugtog ang awiting
"Buwan" ni Juan Karlos
habang patuloy na sinusulyapan ang
bawat isa
nakabalot sa mga kamay na
pakiramdam ay tila malamig
puso'y bumibilis ang pagtibok
habang nakatitig sa mga mata'y
nangniningning
nagkkwentuhan tungkol sa buhay,
mga suliranin, mga kaibigan, at pag-
aaral
ngunit natigil ang lahat ng ito nang
marinig mo ang mga katagang "gising
na"
namulat ka at nadismaya, isang
panaginip lang pala
pilit mong bumangon at tumungo sa
banyo
inaalala ang mga pangyayaring
parang may lamang hiwaga
"sana'y maulit pa", muni mo
pagkatapos, ika'y pumikit at
nanalangin, "sana dumating na nga"
isip ay ginagambala ng mga
maraming tanong
"ayoko nang makawala sa kapit niya"
sana di nalang bumalik ang
katotohanan.