Queen Petunia's Tower, Kingsland Palace, London
"I am giving you one month to locate the Royal Princess."
Mula sa reception area ng chamber ng Reyna ng Kingsland Palace na si Queen Petunia, ang kasalukuyang reyna ng London, seryoso siyang naguutos sa tauhan ng palasyo.
Si Kith Sentosa. Isang kilala at batikang detective sa London. Inatasan at itinalaga rin ng Reyna ang half-british at half-filipino na maging biographer ng whereabouts ng royal princess.
Dalawang buwan ng hinahanap ang lagalag na prinsesa. Huling nakita siya sa Korea at posibleng nasa Asia pa rin ang prinsesa.
Marami ang haka haka ng palasyo ukol kay Princess Petunia. Una na dito ay ang dahilan ng pagpunta niya sa Asya. Maaaring nagrerebelde ang Prinsesa pagkatapos mamatay ng kanyang magulang sa car accident.
Pangalawa ay hindi magkasundo ang Prinsesa sa mahigpit niyang lola na si Reyna Petunia.
At ang panghuli ay ang pagkalap niya ng ebidensya tungkol sa pagkamatay ng kanyang magulang.
"Drag the Princess back to Kingsland. Do what you must." huling utos ng matriyarka ng Kingsland.
Samantalang nanginginig naman sa kaba si Kith Sentosa.
Hindi alam kung paano sisimulan ang paghahanap sa lagalag na Prinsesa. Para na din siyang naghanap ng karayom sa dayami.
Ilamg beses na din siyang natakasan ni Princess Petunia. Alam na alam niyang matindi magalit ang Royal Princess sapagkat isang beses, nakita niya kung paano ginulpi ng batang babae ang isang grupo ng kalalakihan sa Korea na nais siyang gawan ng masama.
Kung hindi dumating ang mga pulis, malamang naghihingalo na ang mga ito.
Napabuntong hininga na lang si Kith Sentosa.
Manila, Philippines
Third Person POV
Tahimik na minamatyagan ng misteryosong tao ang isang menor de edad na lalaki habang nanggugulpi ng mga estudyanteng mahihinuhang nag aaral sa Wayne University, isang all boys school.
"Fuck you! May araw ka rin sa amin!" galit na galit na mura ng estudyante mula sa Wayne University.
Samantalang ngumisi lang ang minura nito. Hindi kumibo pero bakas ang nakakalokong ngisi sa mukha niya.
"Isang tawag ko lang sa hitman ng daddy ko, mamamatay ka na! Hindi mo kilala ang binabangga mong hayop ka." halatang halata ang tindi ng galit sa mukha ng estudyante.
Puro pasa, galos at duguan ang white polo na suot ng batang lalaki. Samantalang ang mga kaklase niya ay pawang nakahandusay sa kalsada, duguan din at walang malay.
Tumawa ng malakas ang lalaking binantaan nila. "I don't fucking care. But do you know who am I?"
Bahagyang umatras ang batang lalaki. Mababakas ang takot sa namamaga niynag mukha mula sa suntok ng kaaway. "W-why? Sino ka ba?"
Muling ngumisi ang lalaki. Unti unting lumapit sa takot na kaaway niya.
"My name is Bond.."
"B-bond?"
"James Bond!"
Pagkatapos niyang bigkasin iyon ay mabilis siyang nagpakawala ng flying kick sa estudyante ng Wayne University. Wala pang segundo ng mawalan ng malay ang lalaki.
Pagkatapos niyon ay pangisi ngisi siyang umalis sa lugar na iyon.
Samantala, maingat na sinundan ng misteryosong tao ang paalis na batang lalaki. Kailangan niya lamang makatiyak, kung ang batang lalaking iyon ay ang ipinapahanap ng kanyang kliyente.
Ilang araw na din niyang sinusundan ang batang lalaki. Kung hindi lang malaki ang bayad sa kanya ng misteryosong kliyente, naisuplong na sana niya ang batang lalaki.
Bakit naman hindi? He's a bully, a war freak. Minsan ay taga simula ng gulo. Wala siyang ginawa kundi makipag away.
Hindi naman siya nagaaral at tila wala siyang pinagkaka abalahan sa buhay kung hindi abangan ng abangan ang mga estudyante ng Wayne University at pagkatapos ay gulpihin ng walang habas.
He's a demon. A brutal kind. A monster. At wala siyang idea kung bakit inuutos ng kliyente niya na subaybayan ang batang lalaking iyon.
Sabagay, hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang alamin kung saan nagmula ang lalaki. Walang pagkakakilanlan, walang magulang.
Bahagya niyang kinuhanan ng larawan ang batang lalaki na hinihinala niyang kapatid ng kanyang kliyente.
Inilabas niya ang hightech na camera na mabilis magdevelop ng picture.
Pagkatapos niyang kuhanan ng picture ang batang lalaki, mabilis niyang inilabas ang sign pen at nagsulat sa likod ng photo.
Manila, Philippines
Rhapael Montoya
Age- 17
Height- 6ftIyon lang at patalilis siyang umalis ng lugar. Plano niyang ipadala ang sulat sa Kyoto, Japan, kung saan nakabase ang kanyang kliyente.
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
Hành độngOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...