A Valentine's Day Prank

5 2 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa plaza.Nagmadali akong umalis sa school dahil may bibilhin ako sa sidera.I know, hindi ako mayaman kaya sa mga sidera lang ako bumibili.E, sa doon lang ang abot kaya ng budget ko.

Nang makarating doon ay agad kong hinanap ang bagay na gusto kong bilhin.Lumapit ako sa mga lalagyan ng mga stuffed toys.

I sighed as I picked up the blue one.It's a Doraemon stuffed toy.Malaki ito, pero hindi ganoong kalaki.Siguro kasing laki ng 8 years old na bata, ganoon.

Nag-ipon pa ako ng 700 pesos para lang makabili nito.Halos hindi na ako nagre-recess para lang makaipon.

Bente pesos lang ang baon ko sa araw-araw kaya hirap na hirap ako sa pag -iipon.Tatlong buwan din bago ako tuluyang makaipon ng perang pambili ng manikang 'to.

Hawak ko na ang stuffed toy nang biglang may kumalabit sa 'kin.Napatingin ako sa kanan ko.For a moment, I felt my heart stopped from beating.I can't breathe.I can't move my body.I can't utter any word.I can't do anything.

“Hey,” nakangiting bati niya.He abruptly grab the stuffed toy and hugs it.“Ang laki ni Doraemon ah?Para kanino?” No one can't deny his love for Doraemon 'cause it's obvious.

Gusto ko sanang sagutin siya ng ‘syempre, para sa'yo’ kaya lang bukod sa nahihiya ako, pitong araw pa naman bago ang Valentine's Day.

This Doreamon stuffed toy's for Mr. Froilanne Nigel Chen, my first crush. . .my first love.He's the only man that attracts me.I am planning to give this Doraemon stuffed toy to him on February 14th.

Never pa akong nagka-gusto sa sinuman.Akala ko nga noon asexual ako.Kahit kanino kasi hindi ako naa-attract.

Pero nang mag-grade 10 ako, nakilala ko siya.He's a grade 11 student.Una ko siyang nakita no'ng brigada.He make my heart skipped that time.And as the time passed by, I just found out that I am in love with him.I am deeply in love with this man.

“Who are you?We're not close sir.” I pulled the stuffed toy away from him.Pagkatapos ay pumunta na ako sa counter para mag-bayad.

Hindi kami close, sa totoo lang.Nakapagtatakang nilapitan at kinakausap niya ako.Ano kayang nakain nito?Isa pa, paano niya ako nakilala?I wonder.

Iniabot ko sa babae 'yong bayad ko.Eksaktong 700 pesos iyon.Dalawang isandaan na buo, limampung tigpi-piso, sampung tigli-limang piso at walumpung bebentihin.

“Best friend mo si Nicha, 'di ba?” I looked at him surprisingly.I nod at him to answer his question.

Naglakad na ako paalis sa bilihan.Ngunit nakasunod pa rin si Froilanne.Ano bang kailangan niya sa akin?

“Can you please help me?” I rolled my eyes.Kahit na kinikilig ako ngayon ay hindi ko dapat na ipahalata.

Yakap-yakap ko si Doraemon habang nagkakalad pauwi.Medyo patagilid na ang lakad ko dahil hindi ko makita ang daan, nahaharangan kasi ang manikang 'to.

“Uy, tulungan mo naman ako.Gusto kong mag-tapat ng feelings ko para sa best friend mo,” he said with a serious and sincere voice.

I stopped from walking then I looked at him.My heart aches all of a sudden.I felt a sudden pain inside me.

Biglang nag-init ang mga mata ko.No, don't cry Klare.Kaya mo iyan.Napatingala ako para hindi tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

“Do you really love my best friend?”

Tumango siya nang paulit-ulit habang nakangiti nang abot na sa kaniyang tainga.Lalong kumirot ang puso ko dahil sa tugon niya sa tanong ko.

“Fine.I'll help you.Bukas na lang tayo mag-usap.Kailangan ko nang umuwi.Hintayin mo 'ko sa fountain sa school.Cleaner ako e.”

A Valentine's Day PrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon