It's been 4 months since I saw him and talagang namimiss ko na siya.. Pero what can I do? It seems that I have loved the wrong person.. But still the pain keeps on hurting me at kung walang magbibigay ng gamot para dito sa nararamdaman ko.. Baka mamatay na ako..
To give you a background about my life, everthing seems to be fine except dun sa time na dumating na sa buhay ko yung hinayupak na lalake na yun.. Hehe.. Kung curious kayo about dun sa guy.. Bestfriend ko po yun kaso lang iba na ang nangyari as time passes by..
Classmate ko siya nung highschool. "pards" pa nga ang tawagan namen (oh db ang sweet?).. Di na ako iba sa kanya and ganon na din siya sakin.. Kung di nga lang ako naging babae baka naiuwi na ako nun sa bahay nila and baka lahat ng gawaing pang brusko eh ipagawa na nun sakin.. Pero syempre mukha pa rin naman akong babae noh!!
Highschool syempre may prom.. Wala siyang date, Wala din ako.. I know that he wanted to invite me to be his date pero ang ogag nga kasi nun kaya the last minute tsaka lang siya nag-ask. He went to our house.. Nakamotor po siya and medyo pawisan pero infairness.. Mabango pa rin....
He ask my permission to see my dress for the prom.. syempre para maloka siya sakin at may konting surprise.. I refuse.. O sige, medyo na frustrate siya pero hindi yun naging hadlang para invite niya ko..
Sa ganda ko na to? Syempre ang dami munang pa-echeng.. Hanggang sa tanungin niya ako kung may date na ba ako.. Eh kung di ba naman siya abnormal eh.. Papayag ba akong makipagdate sa iba eh siya lang ang gusto ko?! Lam mo yun, sarap sampalin.. So in short, papipilit pa ba ako?
The night of my life came, I was so pretty sabi ng nang-uuto kong nanay.. Pero naniwala lang ako nang siya na ang nagsabi.. Blush ako ever.. Kahit alam kong maganda na ako since birth (hehehehe).. Iba pa din yung sa kanya galing diba?
We enjoyed that night and lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na mahal ko na pala ang hinayupak na bestfriend ko...
Syempre ano pa ba ang sunod na event sa prom kundi ang graduation na db? The night before the graduation, we talked on the phone na para bang it would be the last time na maririnig namin ang boses ng isat-isa... I've waited for the moment na mabanggit niya na may feelings din siya para sakin and hindi naman ako nagkamali... Tinanong niya ako kung may possibilty daw na maging kami... I know na maiinis kayo sakin dahil alam niyo ba ang sagot ko?.. "Ah, eh... Hindi pwede kasi bestfriends tayo eh... Yung mga anak na lang natin yung ipag-partner natin.." Sa isip-isip ko... " Ang tanga! Pano ko nasabi ang ganong words?" Pero wala na akong magagawa... Alangan namang bawiin ko pa edi nahuli naman ako diba? pero ang tanga ko talaga...
Siyempre college na... Im so proud to say na napunta naman ako sa magandang school and take note, pareho kami ng school... Ano to?! Kailangan pa bang ituloy ang naudlot na pagmamahalan namin? (Ayiee.. Hehehe...)
Nagkaboyfriend ako for a year and a half... Minahal ko siya pero there are these conflicts and problems na di na kayang ayusin... In short.. Nagbreak kami...
I guess God meant that to happen kasi yun din yung time na nagkita kami ng bestfriend ko... Sa sobrang miss namin ang isa't-isa... Sabay na kaming umuwi, kumain, pumasok... I'm happy pero parang lalo ko lang pinahirapan ang sarili ko dahil my feelings for that guy grows each and everytime that we are together... Buti na lang magaling akong magtago at magpigil (hehehe....) Bilib kayo noh?...
One morning, I'm so busy preparing my project that would be pass on that same day... Alam kong dumating na siya at nasa likuran ko na ang mokong pero dahil sobrang pressure sa project, gusto
ko man siyang dambahin, siyempre, mamayang gabi na lang diba? (hehehe joke)
Di ko siya masyadong napansin...
May inabot siyang sulat sakin and he asked if I could join him sa lunch... I said yes... Then, alis na siya.. alam naman kasi niyang I'm busy...
When I was about to enter the room, somebody bumped me and my precious project fell... Gusto ko mang magalit but what can I do db? Instead, I ask my prof to give me another chance to do my project... Naalala ko si mokong.... The lunch date... Kinuha ko ang cell ko to text him that I can't come to our meeting.... Eh kaso, pag tinamaan ka nga naman ng malas, check operator service daw! I tried to look for friends or other kakilala para makitext or makitawag pero malas that day talaga....
And so I took my lunch all by myself... Naalala ko yung letter... Hinanap ko sa bag... WALA !!! Bumalik ako sa corridor praying na nandun pa yung sulat... Wala din.... God! Why? Minsan lang magbigay ng sulat yun.... Nawala pa!! Don't know how to tell him about the letter....
And so days and weeks passed... Pag nagkikita kami... Hindi niya ako pinapansin... Ako, I tried to talk to him pero alam kong may kasalanan ako pero ganun ba kalaki ang nagawa kong di pagpunta at
ganun na lang ang iwas niya?... Sige... Hinayaan ko na lang....
Months na ang binilang... I heard that he was dating a girl from the same school that we are in... Masakit... Na sa iba ko pa narinig na sila na.... Mas masakit na wala na akong halaga sa kanya.....
Basta... Ilang araw din na ganon ang nararamdaman ko.... Weeks.... Months.... Gagraduate na po ako..
I wonder what's in store for me in my last day in school.... And so I thought na puntahan yung favorite hang out namin.... When I was about to get near the place.... I saw him... With a girl.... Umiiyak ang girl but I can't hear what they are talking about.... So I've decided to get out of that place before my tears burst out.... And then a common friend ang sumalubong sakin saying na buntis ang girl.... Siyempre durog na durog ang puso ko.... Kung kaya niyo lang ma-imagine yung naramdaman ko.....
The night of that same day.... Naloka ang lola niyo.... Nagparamdam ang mokong pagkaraan ng pagkatagal-tagal na panahon... I thought it was something good for me... For us.... Pero I was wrong.... So wrong..... He gave me a wedding invitation and isa ako sa bridesmaids..... The girl... She was waiting in the car.... (o db? Dati motor lang ngayon car na.)
And so the wedding came.... Maganda po ako nun.... Sabi ng nanay ko pero wala ng nag second emotion eh, so naniwala na lang ako sa nanay ko....
Then, there is a professor who came to the wedding and sees me....
He handed over a letter with my name carefully printed on the enveloped.... He said that he looked for the owner of that letter kaso lang po malaki po ang school namin kaya mahirap magkahanapan... And so nung nakita niya ang name ko sa wedding invitation, he decided to bring the letter thinking that it could save souls... daw....
And so I was about to open the letter when the priest ask kung sino daw ang tututol... Deadma ako.... alangan namang manggulo pa ko noh....
Binasa ko na ang letter..... Nakakatouch po talaga.... He opened up his feelings for me.... Hoping na meron din daw akong feelings for him.... He ask that if I will show up to our hang-out the next day after he gave his letter, then it means that I also have feelings for him and that he would love me for the rest of our
lives....
But if I won't.... Then he will never open that topic again.... He pleaded to me na sana pumunta ako...
If only I have that letter.... If only I knew about it.... Kung di lang ako clumsy and carelss to keep that letter... Things would be different.... If only....
And so I heard the priest announced the couple as husband and wife.... Ang sakit......
Picture taking..... Gusto mang sumabog ng nararamdaman ko.... As you know magaling akong magpigil.... Pero masakit po talaga.... Sobra......
After the picture taking...... Niyakap ako ng bestfriend ko.... Ang higpit.... And teary eyed niyang Sinabi na....
I Still Love You......
--Mikuletz--