Sehun's POV
Pagkapasok sa dance studio, naabutang kong maingay na nagtatawan ang mga kasamahan ko.
At ang bangka syempre sino pa ba, si Chanyeol.
"...Eh antok na antok ako, di ko namalayan asin pala nalagay ko! Hahaha! Pagkainom ni Yoona, pucha pare di mapinta yung reaksyon ng mukha nito hahahaha! Nailuwa niya talaga yung juice hahaha!" mangiyak-ngiyak na tawa ni Chanyeol, pahampas-hampas pa ito sa wooden floor ng studio. Ang iba rin hagalpakan sa kakatawa.
"Sehun tara dito. Maya pa practice 5pm. May meeting pa daw sa baba." tawag ni Suho pagkakita nila sakin.
"Wait hyung, lapag ko lang bag ko."
Binaba ko ang dalang duffle bag sa isang gilid at lumapit sa kanila. They greeted me as I sat down beside Kai.
"Balita sa Xordium? Pupunta dapat kami ni Baekhyun nakaraan kaso di ako pinayagan ni ate Chloey." malungkot na sabi ni Chanyeol sa huli.
See? Eto yung gusto ko ipaunawa kay Hae Min. Tamo to si Chanyeol, di na makalabas dahil may anak ng pipigil. Where's the fun in having a kid diba kung freedom mo kapalit?
"Ok naman hyung, madami parin tao every night." nakangiti kong sagot.
Bumalik na muli sa pagkwe-kwento si Chanyeol at napunta muli ang atensyon ng lahat sa kanya. Ako naman, lumingon sa gilid at kinausap si Kai.
"Pre, busy ka ba sa sabado ng gabi? Invite sana kita sa Xordium. May papakilala sana ko sayo eh." wika ko dito.
Nagtaas ng kilay si Kai, "Huh? Sino naman yan? Maganda ba pre?"
"Hindi. Gwapo. Nakanang'.... alam mo agad babae papakilala ko ah hahaha!" biro ko sabay siko sa tagiliran nito.
"Syempre naman... malakas ata radar ko. Hahaha! Pero sino nga ba yung papakilala mo?" pangungulit ni Kai.
"Ah yon? Wala... Si Hae Min lang." sagot ko sa kanya.
Napahugis O ang bibig nito, nagulat siguro.
"Hae Min? Diba girlfriend mo yun?" nagtatakang tanong nito.
"No." tipid na tugon ko.
"Oh... Owwwkeyyyy...." he slowly said.
"So.... pwede ka ba sa sabado o hindi?"
Ngumiti si Kai bago sumagot,
"Sure, I'm free on Saturday."
Lumingon bigla sa amin si D.O at masamang nakatingin.
"Anong meron sa sabado? Bakit di ako kasama diyan?" seryosong tanong ni D.O habang nagpapabalik balik ang tingin niya saming dalawa ni Kai.
Nagsi-tinginan narin ang iba samin at nacurious sa pinag-uusapan namin ni Kai.
"Wala naman, hangout lang sa Xordium. Sama kayo?" imbita ko sa kanilang lahat.
Great.
Sira ang plano.
"Ui gusto ko yan! Tagal na natin hindi nakakapag-bonding!" excited na sabi ni Xiumin.
In the end, nakapagdesisyon ang lahat na pumunta sa sabado.
"Male-late lang ako ng konti. Antayin ko pa makauwi si Yoona sa taping para makatakas ako sa mga bata. Hehehe." natatawang sambit ni Chanyeol.
Mga 30 minutes pa kami nagkwentuhan bago nagsimula ang practice.
Ano kaya reaksyon ni Hae Min kapag nakita niyang di lang si Kai ang bitbit ko sabado? Sigurado maiinis yun hahaha!
Date pala hah...
Hahahaha!
BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanfictionA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...