6 YEARS AGO.
Lalong uminit ang laban ng umabot sa over time ang laro. Palakasan na ng hiyaw ang magkabilang crowd at palakasan na ng tambol ang magkabilang cheering squad.
"Go Thomas!!!" hiyaw ko habang itinatakbo nya ang bola patungo sa kabilang court. Humigpit naman ang kapit ni Mika sa magkasiklop naming kamay ng maipasa na ni Thomas kay Jeron at sabay kaming napahiyaw ng maishoot nya yun sa ring.
At dahil mapang asar talaga tong si Mika ay nag stare down sya kabilang crowd at kinawag ang daliri nya. Umani naman ng iba't ibang reaksyon ang ginawa nya. Well she is not bully/swag queen for nothing.
Tinaas ko ang salamin ko at patuloy na nag cheer sa kanila. Ito na ang huling taon namin bago mag college at panigurado isa ito sa mga mamiss ko pag college na. Muli kong tinignan si Thomas na ngayon ay hapo na mula sa laro pero kitang kita ang determinasyon sa mga mata nya. Napatingin sya sa gawi ko at ngumiti ako sa kanya at nag thumbs up para naman ganahan sya ng kaunti. Isang taon ng nanliligaw saakin si Thomas at hindi ko alam kung dapat ko na ba syang sagutin, wala namang hadlang, kilala sya ng magulang ko at bilang isang manliligaw lagi nyang pinapakita saakin na pursigido sya, pero kasi hindi ko alam kung sapat na ang nararamdaman ko sa kanya para sagutin sya.
"Huy, Ara makatitig naman to" paninita saakin ni Kim na nagbalik saakin sa kinatatayuan ko.
Bago pa ako makatugon kay Kim ay sabay sabay na naghiyawan ang buong Hawkin community tapos na pala ang laban at nanalo ang kuponan namin. Nakisabay na din ako sa hiyawan at with pride sinagaw ang school cheer namin.
"SLCUUA season 45th Men's basketball champion Hawkin Memorial School!!" Muling naghiyawan ang mga ka school mate ko at si Mika ay nakipag unahan na dun sa mga photo journalist namin para makalapit kay Jeron.
Nag hintay kami ni Kim dun sa bleacher at pinapanood silang nagkakatuwaan sa baba. Ang daming nagpapapicture sa mga players at isa na dun si Thomas, ngunit sa pagitan ng pakikipag picture sa kanya ay parang may hinahanap sya.
"Ara, hindi mo pa ba sasagutin yang si Thomas?" Bumaling ako kay Kim at inayos ang suot kong salamin.
"Bakit ko sya sasagutin e hindi pa nga nagtatanong yung tao" at pabiro nyang hinila yung buhok ko!
"Iba ka talagang gaga ka! HAHAHAHAHA" nagtawanan kami pero hindi mapakali ang loob ko putek kasi tong si Kim e limot ko na nga e pero biglang pinaalala.
Sa pagitan ng pag cecellphone namin ni Kim ay may kumalabit saakin.
"Oh?" Tanong ko kay Carol habang sya ay may tinuturo saakin. Binaling ko naman ang tingin ko dun sa tinuturo nya at nakita ko si Thomas na may malawak na ngiti na nakaguhit sa labi nya at naglalakad ng mabilis patungo sa kinaroroonan namin.
Bawat hakbang nya ay bumibilis ang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan, mahihimatay ba ako? Ano na bang kulay ng mukha ko? Stay calm Ara, Kalma lang si Thomas lang yan!
"Hi!" I swear I could melt on how sexy his voice is and how intense his eyes gave me.
"Congrats" sabi ko sa kanya at binigyan ng maliit na ngiti. Lalo naman nadagdagan ang kaba ko ng mamataan ko na umalis na si Carol at Kim sa likuran ko.
"Thank you, Ara" He take a step closer. Ano ba naman yan Thomas! Bat ang pogi? I can't believe na kahit pawisan sya ay hindi sya amoy maasim or hindi kaaya kaaya. Lalo syang naging appealing sa mga mata ko!! WAHHHH yung puso ko!
kinuha nya ang dalawang kamay ko at muling tumingin saakin.
"Ara it's been a year ng pumunta ako sa bahay nyo at nagpakilala bilang manliligaw mo and I've talk things with tita with this. Can we make it official?" sa ngayon tumatakbo ng 24mph ang puso ko at gusto kong sabihing oo pero hindi ko alam kung bat hindi ko mabuka ang bibig ko para sabihin yun.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
What if ThomAra happened?
FanficPag-ibig na pala isipan, sa kanta nalang idadaan ThomAra one shots.