Searching for the Right One

122 11 2
                                    

Date published: February 19, 2019


~~~


Partner in life? Soulmate? The man who will happily take your hand at the end of the aisle? The man who will treat you like his only Queen in your own castle? 'Yong lalaking buong buhay na magpapasalamat sa Diyos dahil ibinigay ka sa kaniya?


Paano nga ba natin malalaman kung siya na? Kung 'yong lalaki na ba, na nakabungguan mo sa hallway dahil sa pagmamadali mong pumasok? 'Yong lalaking tinulungan ka sa pagdampot ng mga nahulog mong gamit? 'Yong lalaking pasimple kang tinutulungan at lagi kang sinusuportahan? 'Yong lalaking palagi kang inaasar para lang magpapansin? 'Yong lalaking kunwari'y sinusungitan ka pero may paki naman pala sa'yo?


Pwede rin 'yong lalaking nakasabayan mong bumili sa tindahan, 'yong lalaking nakatabi mo sa tricycle, bus, o jeep, 'yong lalaking nakasabayan mo ng kuha sa libro sa isang bookstore, 'yong schoolmate mo, seatmate, officemate, flatmate, o groupmate, pwede rin 'yong bagong lipat niyong kapit-bahay.


Maaari mo rin ba siyang makilala through social media? Habang naglalaro ng online games? O 'yong random guy na biglang magcha-chat o private message sa'yo?


Matagal mo na kaya siyang kilala o makikilala mo pa lang? Swak na swak ba sa ideal type mo o magiging unconditional love ang peg niyo?


Paano nga ba malalaman? 'Pag pinabilis niya ang tibok ng puso mo? Papatayin naman niya ako kung gano'n. Kung siya na, hindi ba't dapat siya ang magiging dahilan para gustuhin ko pang mabuhay nang matagal? Pwe. Corny.


'Pag bumagal ang oras? Eh 'di ba, 'pag masaya ka raw, bumibilis ang oras?


'Pag tanggap mo ang lahat tungkol sa kaniya kahit mali na? Gano'n ba 'yon? Pero kung mahal mo, 'di ba dapat sasabihin mo sa kaniya kung ano ang mabuti at dapat? Hindi dapat tino-tolerate ang mali kasi ayaw mong may hindi magandang mangyari. Kung mahal ka naman niya, makikinig siya eh. 'Di ba? O hindi?


Pero...


Hindi mo pala talaga malalaman kung siya na. Hindi rin naman kasi pare-pareho ang tao. Hindi natin mamamalayan kung siya na ba o hindi pa. May mga susugal at susugal. Aasa't aasa. May mga masasaktan.


Pero bakit naman ganito? Masiyadong masakit.




"Hoy, Ashley!"


"Aray!" reklamo ko kay Faith nang hampasin niya ako sa braso. Dere-deretso siyang umupo sa sofa at sinalampak ang katawan.


Tinaas niya ang ulo at tiningnan ako nang matalim. "Hindi mo na ako ina-update sa inyo ni Liam! Nagbakasyon lang, hindi ka na rin nagparamdam." Nagmamadali siyang tumayo saka tumabi sa'kin. "Ano na bang meron sa inyo?"


"Nanliligaw pa rin. Ano pa ba?"


Searching for the Right One (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon