- 31 -

12 0 0
                                    

Miruelle

Life. Bagay na siyang ayokong mawala sa akin.

Euphoria. Emosyon na higit kong nararamdaman ngayon.

Love. Salitang ngayon ko lang naramdaman sa piling ng ibang tao.

Hanggang ngayon ay tila ba parang panaginip pa rin ang lahat ng nangyari sa akin. Hindi ko inaasahan na sa simpleng kagustuhan ko lamang ang magbakasyon sa lugar na ito upang maranasan ang pamumuhay ng isang normal na tao, ay higit pa dun ang naranasan ko.

Oo, hindi nagkulang sa pagmamahal sa akin ang mga magulang ko. Kung tutuusin, sobra-sobra pa nga ang binigay nila sa akin. Pero simula ng magbakasyon ako dito sa Sitio Paraiso, marami akong natunghayan at natutunan.

Akala ko masaya na ako na kasama ko sila mommy, daddy pati si beshy bilang pamilya ko. Ngunit ng nakilala ko sila Lola Mareng, pamilya ni Beshy at ni Matt, hindi ko akalaing makakaramdam ako ng pagmamahal galing sa kanila. Hindi ko akalaing may saya akong mararamdaman at higit sa lahat ay itinuring din nila akong pamilya.

"Oh, mukhang ang lalim yata ng iniisip ng misis ko ah."

"M-Matt! Ano ka ba baka makita ka nila." Saway ko kay Matt na bigla nalang yumakap sa akin galing sa likod. Nakapatong ngayon ang kanyang baba sa aking braso.

Masasabi kong masyado siyang clingy.

"Ano naman kung makita nila. Magkasintahan tayo kaya normal na yung yakapin kita." Ngusong sabi nito sa akin.

Nasabi ko na bang pa-baby ang boyfriend ko?

Well, bukod sa clingy siya, mahilig din siyang magbaby talk. Bagay na gustong-gusto ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganun Matt. PDA kase. Maraming tao ang makakakita."

"Ay, niaaway na naman ako ng sweetheart ko." Hindi ko mapigilang mapaikot ng mata. Pero sa kabilang banda ay napangiti na rin ako. Kahit nakakainis siya, hindi ko magawang mainis dahil sa pagpapa-cute niya.

Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya.

"Hindi ko po niaaway ang sweetheart ko. Love na love ko kaya ang sweetheart ko kaya hindi ko siya niaaway." Sagot ko saka hinawakan ang kanyang nga pisngi.

Sa ginawa kong iyon ay hindi ko maiwasang mapansin ang pamumula ng mga pisngi ni Matt.

Gusto kong mapangiti, ang ermitanyo ko? Kinikilig?

"Agoy! Gihilanat ka matmat? Nganong gapula man imong nawong?"

(Aba! Nilalagnat ka ba Matmat? Bakit namumula ang mukha mo?)

Sabay kaming napalingon ni Matt Kay Mang Kanor na kakadaan lang. May dala-dala siyang lubid at palakol. Malamang mangunguha ito ng panggatong.

"Dili! Gikilig na siya." (Hindi! Kinikilig yan.) Sabat naman ni Wilson sabay apir kay Renzo. Kasalukuyang nakasunod sila kay Mang Kanor.

"H-Hoy! A-Anong pinagsasabi niyo. M-mainit lang talaga!" Maktol ni Matt. Para siyang bata. Kaya natawa nalang ako sa reaksyon niya.

Sila Mang Kanor, Wilson at Renzo man ay humagalpak lang ng tawa habang sumisipol pa.

"Ays, bahala nga kayo Jan." Sabi nalang ni Matt at umalis na. Pikon.

"Kayo talaga, lagi niyo nalang pinipikon si Matt." Natatawang sabi ko sa kanila.

"Yun na nga ate eh, simula nung naging kayo nagiging pikunin si Kuya. Pfft." Sagot ni Renzo na ikinangiti ko nalang.

Kagabi pa nila tinutukso si Matt. O mas mabuting sabihin na pinipikon. Ang birthday surprise nila sa akin ay naging sobrang saya kagabi. Salamat sa kanila. Hindi magiging successful ang birthday surprise nila sa akin kung wala sila. Kahit na medyo epic at talagang natakot ako ay walang katumbas naman na saya ang kapalit nito.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon