---
"Ayano!"Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad papunta sa aking upuan.
"Uy,Ayano!Kumusta?"di ko siya tinignan man lang. Ni kahit isang sulyap ay hindi ko ginawa.
"Gusto ko lang sabihin sayo na sana ayos ka lang. Have a great day!"yun ang huling sinabi niya at umalis na siya sa aking harapan.
Araw-araw yun palagi ang nangyayari. Wala siyang pinalagpas na araw upang kumustahin at kausapin ako pero patuloy pa rin ako sa hindi pag pansin sa kaniya hanggang sa lubayan niya ako.
Break time namin at alam kong lalapit nanaman siya sa akin. Dali dali kong kinuha ang aking pera sa aking bag at mabilis na naglakad palabas ng classroom.
"AYANO!"
Nanlaki ang aking mata at mas lalo ko pang binilisan ang aking lakad kahit na alam kong maabutan na niya ako.
"Uy,Ayano!Pwede bang sabay tayong dalawa kumain?"naestatwa ako dahil nasa harap ko na siya agad. Naka-ngiti nang matamis at tila nagpapa-cute pa na parang bata.
Lumiko ako ng daan na agad naman niyang niliko. Patuloy pa rin siya sa pagsunod sakin at ang dami dami niyang kinukuwento na sa sobrang dami ay wala na akong naintindihan.
Pumunta ako sa banyo ng mga babae kung saan ay walang nagpupunta na mag-aaral.
"Naalala mo pa ba nung araw na naglalaro tayo sa kwarto ni Yno ng batuhan unan?Grabe!Miss na miss ko na---"
"Patay ka na,Sandra."
Mistulang tumigil ang oras para sa amin. Pinipigilan kong umiyak dahil alam kong ayaw niyang nakikita akong umiiyak.
"Naalala mo rin ba nung araw na kinuha mo ang medyas ni Mang Henry para sa plano nating gisingin si Yno para---"
"SANDRA,PATAY KA NA!"
"Tapos naalala mo din ba nung nagpa-gupit tayo ng sabay?Ang ganda ganda natin nun!!!Tapos---"
"PUNYETA SANDRA!PATAY KA NA!PATAY PATAY PATAY PATAY PATAY!!!"paulit ulit kong sigaw na halos marinig na sa buong paaralan.
"ALAM KO!!!"sigaw niyang mistulang nagpatigil sa mundo ko.
"ALAM KONG PATAY NA AKO!TANGGAP KO!TANGGAP KO!TANGGAP KONG PATAY NA AKO KAHIT NA IKAW ANG DAHILAN NG KAMATAYAN KO!"
Labis akong nagimbal sa mga narinig ko kaya't sunod sunod rumagasa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napatakip ako ng bibig dahil sa sunod na sinabi niya.
"Naalala mo bang dito mo ako hinayaang mamatay?Naalala mo ba yon?Ang kamatayan ko ay para sa pansarili mong kagustuhan!"
Tumalikod ako sa salamin at tinakpan ko ang aking tenga at humagulgol nang sobrang lakas upang hindi na marinig pa ang kaniyang isinisigaw.
"Patay ka na. Mahal kita pero kailangan mong mamatay. Patay ka na. Patay ka na. Hindi ka totoo. Patay ka na."tumayo ako at pinunasan ang aking luha nang maglaho na siya. Hinawakan ko ang puso ko dahil kumikirot iyon sa sakit.
'Di ko kasalanan na ganito ang mundo natin. Sadyang paborito lang tayo ng kapalaran na paglaruan.
H'wag mo na akong gambalahin.
Ika'y piraso na lamang ng aking nakaraan. Ang Sandra na katauhan ko noon ay wala na ngayon.Ito na ang huli kong pamamaalam sa'yo. Mamahinga ka na lamang sa aking kwaderno.
Paalam,Sandra.
------