Gitara

469 11 4
                                    

Eto yung first story ko sA wattpad :) its a short story , about family well i hope you enjoy reading this even its a serious matter :)

Isang araw si Yuan  ay naglalakad sa parke, nang may nakita siya na matandang lalaki na nag gigitara, pitong taon palang si Yuan noon nang magkahilig siya sa gitara at nagsimula yun simula nang makita niya ang matanda. Pag kauwi niya sa bahay ay nagkwento siya sa kanyang tatay at nanay “nay!tay! may nakita po akong matandang lalaki nagtutugtog siya! Yung may nylon tapos kinakalabit!.” Tumawa si tatay at sinabi “Gitara ang tawag doon anak!” habang tumatawa at sabi ni Yuan “Nay!Tay! bilihan niyo ako nun gusto ko din ng gitara!” papilit na sabi ni Yuan “Anak mahal pa iyon kulang ang pera natin para bumili ng gitara” palungkot na sinabi ni nanay. Kinabukasan papasok na si Yuan sa paaralan sa nais niyang makabili ng gitara siya ay hindi kumain at inipon na lang niya ang kanyang baon. Si Yuan ay mabait na bata, matulungin, masipag at matalino. Kinahapunan pauwi na siya ng kanilang bahay ng mapadaan siya sa parke ay nakita na naman ni Yuan ang matandang lalaki, hindi niya napigilan lumapit sa matanda at nagtanong “manong,manong madali po ba ang mag gitara?” hindi agad sumagot ang matanda “madali lang mag gitara lalo na pag may inspirasyon ka bakit mo natanong bata?” “wala po gusto ko lang po sana matuto mag gitara kaso wala po akong gitara eh! Di po ako kayang bilihan ng magulang ko ng gitara pero nag iipon naman po ako” sabi ni Yuan, napangiti ang matanda at sinabi “ Sa hirap ng buhay ngayon, pero tama yan mag ipon ka. Gusto mo turuan kitang mag gitara?” “opo! Opo ! gusto ko po!” masayang sinabi ni Yuan at biglang naalala na kailangan na niyang umuwi “maraming salamat po talaga! Ano po ang pangalan mo? Ako nga po pala si Yuan” “Hi Yuan! Ako naman si Cardo” at sabay takbo naman si Yuan pauwi. Gumagawa si Yuan ng gawaing bahay bago gumawa ng takdang aralin. Malapit na sumapit ang kaarawan ni Yuan kaya siya nagiipon para iregalo na lang din sa sarili niya ang gitara. Dumaan ang ilang linggo madami na din naiipon si Yuan at marunong nadin siya mag gitara, si Yuan at si Lolo Cardo ay para na talagang maglolo ang turingan nila. Isang gabi sa bakuran naguusap sila ng kanyang nanay “anak musta naman ang pag gigitara mo?” tanong ni nanay “okay lang naman po! Marunong na po ako!” “kung andito lang ang Lolo mo siguradong tuturuan ka na talaga nun!” “eh nasan po ba ang Lolo?” “di ko alam anak! Nagkahiwahiwalay kami ng pagkatapos kami ikasal ng tatay mo, namimiss ko na nga ang lolo cardo mo.” “alam mo nay! Ganyan din kwento ni Lolo Cardo sa akin! Parehas din sila ng pangalan!” sabay hikab si Yuan “sige na po nay inaantok na ako.”. Kinabukasan kinuha ni Yuan ang alkansya niya at binilang ang kanyang inipon “makakabili nadin ako ng gitara bukas!” pabulong na sinabi ni Yuan ng biglang sumigaw ang kanyang nanay at itinakbo sa ospital ang kanyang kapatid, walang wala silang pera noon kaya binigay ni Yuan ang kanyang naipon na      pera. Dumaan si Yuan sa parke at nandoon si Lolo Cardo sila ay nag usap “ bibili na po sana ako ng gitara bukas! Kaso nag kasakit po ang kapatid ko itinakbo po siya sa ospital kaya binigay ko na lang ang naiipon kong pera para sa kanya” malungkot na sinabi ni Yuan “Yuan maganda ang ginawa mo kahit di ka nakabili ng gitara ay dahil may purpose ang ipon mo ay iyon ang pagtulong mo sa kapatid mo.”. Hinatid na ni Lolo Cardo si Yuan sa kanilang bahay at pagkadating sa bahay binigay ni Lolo ang gitara kay Yuan at sinabing “Yuan sayo na itong gitara ko ha? Ingatan mo ito tutal para na kitang tunay na apo wala na akong pagasa makita ang tunay kong pamilya.” Niyakap ni Yuan si Lolo Cardo at napaiyak sa tuwa at sinabing “opo aalagaan ko po ito wag po kayo mawalan ng pagasa mahahanap mo rin po ang pamilya mo.” Biglang tumawag si nanay at tumakbo si Yuan ng masaya at sinabing “ Nay! Siya si Lolo Cardo tignan mo oh! Binigay na niya sakin itong gitara niya!” Masaya na sinabi ni Yuan at natulala ang kanyang nanay kay Lolo Cardo at pabulong na sinabi “tay?” sa hindi inaasahan nahagip ng kotse si Lolo Cardo at tumakbo si Yuan at ang kanyang nanay at sinabi ng lolo “nak ! matagal ko kayong hinanap anak patawarin mo ako ! sana maintindihan mo ako. Yuan dapat talaga sayo yan dahil ikaw ang aking apo ingatan mo yan apo ha? mahal na mahal ko kayo” umiiyak na sinabi ni Lolo “tay wala po kayong kasalanan mahal kita tay !”. Sa kasamaan palad binawian na ng buhay ang Lolo ni Yuan.

 yun lang :)) please vote :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon